Sunday, February 8, 2026

CONFESSIONS OF A CHEATER - STAGE 2 PART 4

 



The Guy Next Door.


Part 4




Abed


“Nandito ka lang pala. Kanina pa ako tawag ng tawag sayo. Teka, iihi lang ako. Kanina pa ako naiihi.” Sambit ko at pumasok na sa loob ng cubicle.


“Sorry, Hon. Naiwan ko ang cellphone sa sasakyan. Sumakit kasi ang tiyan ko. Kaya nag CR muna ako rito.” Narinig ko pang wika nito habang umiihi ako. 


“Kaya pala hindi ka sumasagot sa tawag ko. Sorry, Hon. Natagalan kami sa meeting. Makakapagtake-out pa kaya tayo nito?” Tanong ko pa. 


“Meron yan. May mga 24 hours naman na store.” Sagot nito. Hindi na ako sumagot dahil tapos na rin naman ako. Paglabas ko nga ay nakita ko pa ito na hinihimas ang tiyan nito. 


“Masakit pa rin ba ang tiyan mo, Hon?” Tanong ko sa kanya. 


“Medyo.” Tipid na sagot nito. Medyo nanghihina nga ang itsura nito. Kaya naman matapos makapag hugas ng kamay ay nagpunta na kami sa sasakyan nito. Ako na nga ang nagmaneho nun. 


Umorder na lang din kami sa jollibee. Ang dami ngang ni-request nito. Halatang nagutom sa matagal na pag tambay sa CR kanina. 


“Hindi kaya mabigla ka naman sa pagkain, Hon?” Tanong ko ng makuha ko na ang order namin. Pauwi na kami sa condo. Ngumiti ito at kumain muna ng french fries. 

“Okay na ako, Hon. Nailabas ko naman na lahat. Siguro sa kinain ko kasing siopao kanina. Dapat talaga hindi ko na lang kinain iyon.” Sagot nito. 


“So, ibig bang sabihin nito ay wala na tayong sexy time ngayong gabi?” Nagbibirong tanong ko sa kanya. 


“Hindi, ah. Kayang-kaya ko pang maka-isang round. Kilala mo ako, Hon.” Mabilis na tugon nito na ikinatawa ko. 


Pagkarating namin sa condo ay kumain na kami. Pagkatapos ay sabay naligo. Laplapan lang ang nangyari sa amin. Inaalala ko pa rin kasi ang tiyan nito. Feeling strong lang ito sa akin, pero alam kong iniinda pa rin nito iyon. 


Nanood lang kami sa netflix ng korean drama at nag cuddle lang. Masaya at kuntento na ako roon. Hindi na nga rin ako masyadong nakapag concentrate sa pinapanood ko. Kwentuhan lang din kasi ang ginawa namin. Kinamusta ang nangyari sa buong araw namin. 


Kaya ano pa ang hahanapin ko? Masasabi kong bumalik na talaga ng tuluyan ang tiwala ko kay Niccolo. Hindi rin naman din kasi ako nito binigyan pa ng dahilan, para may pagselosan ako. 


Lagi ako nito inuupdate. Chinachat. Open na rin sa akin ang password ng social media accounts nito. Kusa nito iyong binigay ng hindi ko hinihingi sa kanya.


Saka kahit hindi naman nito iyon ibigay ay alam ko rin naman ang password nito. Doon ko nga siya nahuli, eh. Pero minsan ko na lang iyon tignan. Nababasa ko nga ang mga reply nito sa mga taong lumalandi rito. Napapangiti na nga lang ako sa mga reply nito. Lagi itong nagrereply nang “Sorry, Taken na ako.” “Pass.” o di naman kaya ay “Sorry. I’m not interested.” Bagay na nagpapakilig talaga sa akin ng sobra-sobra.


Gwapo ang boyfriend ko. Kaya hindi na ako nagtataka kung maraming nagkaka-crush dito. Nalilibugan at nagnanasa. Pero natuto na nga si Niccolo. Alam niya na kung paano umiwas sa mga bagay na maaaring makasakit sa akin. 


“Sure ka?” Tanong pa nito. Tumango ako sa kanya. Saka inabot ang chamomile tea na lagi ko iniinom tuwing gabi. Gustong-gusto komg iniinom iyon dahil sobrang himbing ng tulog ko. 


Hirap kasi akong makatulog noon. Kaya sinuggest ito sa akin ni Nic. Kaya naman sinubukan ko. Natuwa naman ako dahil epektibo talaga siya. Ang gaan lang ng pakiramdam ko sa tuwing gigising ako sa umaga. Kumpleto at walang istorbo talaga ang tulog ko.


“Oo nga. Tara at yakapin mo na lang ako. Matulog na tayo. Bukas na lang tayo mag tikiman.” Pagbibiro ko pa sa kanya. 


-------------------------------------------------------------------------------


“Happy Weeksary, Luca.” Malanding pagbati ni Tonet. May pa-cake pa ang gaga. Tawa nga ng tawa ang lalaki, saka hinipan ang maliit na kandila sa ibabaw ng cake. 


“Salamat, Tonet, Sir Abed. Nag abala pa kayo.” Nakangiting wika ni Luca. Sobrang bait at sipag talaga ng lalaking ito. Wala akong reklamo sa kanya pagdating sa work. 

Mabilis itong natuto at mabilis din natatapos ang mga task na nakatalaga sa kanya. Kaya naman hindi kami nahirapan sa bawat transaction na ginagawa namin. Napagaan talaga ang trabaho namin ni Tonet. Kaya nga on-time kami lagi nakakauwi ngayon.


“Hoy! Ako lang ang nakaisip nito, noh. Binili ko yan. Wala siyang ambag dyan.” Maldita pang saad ni Tonet. 


“Eh, di ikaw na. Akala mo naman nakikipag kompetensya ako.” Sagot ko. Natatawa na lang si Luca, sa sinabi nito. Napatili na lang din ang bakla ng yakapin ito ng mahigpit ng lalaki.


Nang lumabas ang dalawa ay doon ko lang kinuha ang paper bag na nasa ilalim ng table ko. Saka pasimple kong nilagay iyon sa ilalim ng table ni Luca.


Chocolates at perfume lang naman yun. Pa-welcome gift ko na rin sa kanya yon. Baka magka-isyu pa, kapag binigay ko yun sa harapan ni Tonet. Okay na yun pasikreto. Ewan ko rin bakit ko ginawa yon?


Siya kasi ang naalala ko nung makita ko yun sa mall. Kaya binili ko talaga iyon. Hindi naman siguro cheating ang tawag dun. Since, empleyado ko naman si Luca. Saka natutuwa lang ako sa performance nito sa work. Yun lang. 


Pagbalik nila ni Tonet ay may dala ng pagkain ang mga ito. Nasa warehouse department kasi ang microwave. Doon pa sila nakapag painit ng baon nang mga ito. 


Bago pa pumunta si Luca sa table nito ay nilapag na nito sa lamesa ko ang maliit na tub, na naglalaman ng crispy binagoongan. 

“Thank you.” Sambit ko ng nakangiti. Kahit tanggihan ko naman yun ay ipipilit nito na sobra lang yun sa niluto niya. Kaya binibigay niya sa akin. 


Kaya tuloy hindi na ako nagbabaon ng ulam. Kanin na lang ang dinadala ko. Since may ulam na nga ako galing sa kanya. Sinubukan kong magbigay ng pera sa kanya para makapag share sa ingredients ng niluluto nito, pero tumanggi ito. Kaya ako na lang ang bumibili ng drinks nito. Nadadamay tuloy si Tonet. No choice ako kundi bilhan din ang gaga, eh. 


“Sabi na, eh. Kay Abed na naman ang isang tub. Jusko ka, Luca. May boyfriend na yan. Ako itong single. Sa akin ka mag concentrate.” Narinig kong reklamo ni Tonet. Hindi ito sinagot ni Luca at tinawanan lang ulit ang sinabi nito. 


Napangiti na lang din ako at nag simula ng kumain. Ang sarap talaga mag luto ng lalaking ito. Lahat ng ulam na binibigay nito sa akin ay sobrang sasarap. Napaparami tuloy ang kain ko. 


“Rest day naman bukas, ah. Gusto mo sumama sa Nectar mamaya? Sige na, Luca. Celebration na rin ng one-week mo sa kumpanya.” Pagpupumilit pa ni Tonet na narinig ko. “Please.” Saad pa nito.


“Sasama ako. Kapag sumama si Sir Abed. Deal?” Sagot ni Luca. Napatingin tuloy ang dalawa sa gawi ko. Nakikiusap ang mata ni Tonet na tumingin sa akin. 


“Fine. Pero isasama ko si Nic. Ayos lang?” Tanong ko sa dalawa. Tumango ang mga ito at napasigaw na lang din si Tonet ng pumayag na akong sumama.

Matagal-tagal na rin ng huli kaming mag bar ni Niccolo. Rest day naman namin bukas. Kaya agad ko ng tinext ito at sinabi ang plano namin ni Tonet. Pumayag din naman ito agad. Namiss din daw nito ang mag bar.



“Hindi mo pa pala na-meet si Niccolo, noh?” Tanong ni Tonet habang papunta kami sa parking lot kung saan nag hihintay ang boyfriend ko. Umiling si Luca.


“Mabait, malambing at gwapo rin tulad mo. Feeling ko magkakasundo kayo. Saka matagal na ang relasyon nila ni Abed. Diba, friend.” Sambit ni Tonet. Tumango na lang ako sa kanya.


Sakto pagdating namin sa kotse nito ay siyang baba naman ni Nic. Sinalubong ako nito at hinalikan sa labi. Saka ko ipinakilala sa kanya si Luca. Medyo napakunot pa nga ang noo nito habang nakatingin sa lalaki. Kilala ko ang tingin na binibigay nito sa lalaki. 


Nagseselos ito at halatang sinusuri ang lalaki. Ganito rin kasi ang nangyari sa amin noong muntik na nitong sapakin, ang lalaking gwapo na nakatira sa katabing unit lang namin.


“Hon, si Luca. Bagong empleyado. Kapalit ni Brian. Luca, boyfriend ko, si Niccolo.” Pagpapakilala ko. Napangiti si Luca at inilahad ang kamay nito. 


“Nice meeting you, Pare.” Magalang na sambit pa nito. Inabot naman ni Nic ang pakikipag kamay nito. 


“Same here, Pare.” Sagot ni Niccolo.


“See. Sabi sayo, eh. Gwapo si Niccolo, eh.” Wika pa ni Tonet, na bumasag sa awkwardness ng paligid. 


“Tara na. Baka ma-traffic pa tayo.” Sagot ko at nauna na akong sumakay sa kotse ni Nic. 


“Excited na akong lumaklak ng alak.” Sigaw pa ni tonet ng makasakay na ito. Katabi nito si Luca na pangiti-ngiti lang. 


“Alak lang? Sure ka?” Pagbibiro ko pa kay Tonet. Sinusubukan kong pagaanin ang mood. Mukha kasing sumama ang timpla ni Niccolo. 


Ramdam ko na nagseselos ito kay Luca. Lalo na at marunong din itong tumingin ng gwapo. At gwapo talaga si Luca. Kasing gwapo nito. Kaya tama talaga si Tonet. 

“Syempre, pati lalaki. Hahaha. May makalaplapan kaya ulit ako mamaya? Hahaha.” Sagot nito na nakatingin kay Luca.


“May partner ka na, Pare?” Tanong ni Nic, pagkaraan. 


“Single ako, Pare. Gaano na kayo katagal ni Sir Abed?” Balik tanong din nito sa boyfriend ko.


“Matagal na, Pare.” Sagot ni Nic. Hindi nito sinabi ang taon. Although, wala lang din naman sa akin iyon. Hindi rin naman mali ang sinagot nito.


“I see. Mukhang mahal na mahal niyo ang isa’t isa. Nakakainggit naman.” Saad pa ni Luca. 


“Mahal na mahal talaga nila ang isa’t isa. Wala makapaghihiwalay sa kanilang dalawa. Sure ako diyan. Anyway, enough of them. Ikaw ba, Luca. Bakit single ka pa rin? Sa gwapo mong niyan, for sure marami ang nagpapapansin sayo. Mapili ka ba?” Tanong ni Tonet.


“Hala ka. Hindi naman. Hindi ko pa lang siguro nakikita ang sarili ko na nasa isang relasyon. Saka masarap maging single. Pwede mong tikman ang lahat. Hahaha.” Sagot nito na natatawa pa. 


“O.M.G. Hindi ko akalain na ganito ka palang side, ah. Ang tahimik at palangiti ka lang sa office, Luca. Mas lalo tuloy akong nasabik kapag nalasing ka na. Ano pa kaya ang matutuklasan ko?” Komento ni Tonet. Ang landi talaga ng gagang ito. Magsasalita pa nga sana ito ng biglang magtanong ulit si Niccolo.


“Straight ka ba, Pare?” Tanong ng boyfriend ko.

“My sexuality is based on the person I love, not based on the person’s actual sexual organ.” Sambit nito na nagpalaglag ng panga ko. Napatili na lang din si Tonet, sa sinabi nito.


“Markki Stroem, ikaw ba yan? Hahaha.” Natatawa pang komento ni Tonet. Natahimik na lang tuloy si Nic sa sinabi nito. 


 


“Okay ka lang, Hon?” Tanong ko kay Niccolo. Tahimik lang itong umiinom at nagmamasid sa paligid. Tumango ito. Tinitigan ko ito ng mabuti at inaarok kung nagsasabi ba ito ng totoo. Ramdam ko kasi na parang naiinis ito sa presensya ni Luca.


“Okay lang ako, Hon. Medyo naninibago lang ulit sa nectar. Ang daming tao at ang dami na natin.” Wika nito habang natingin sa paligid. Napatango na lang din ako. 


“Padami talaga tayo ng padami. Pwede na natin sakupin ang buong mundo. Hahaha. Pass the SOGIE BILL…!” Sigaw pa ni Tonet na narinig pala ang sinabi ni Niccolo. Natatawa na lang kami sa sinabi nito. Kakarating pa lang namin doon ay nakailang shot na ito. 


“CR lang ako.” Narinig kong paalam ni Luca. Halatang umiiwas ito sa pagyakap ni Tonet. 


“Mukhang hindi ka type, bakla. Wag mo ng ipilit pa.” Natatawa na saad ko sa kanya. 


Ang saya ko lang ng makita ang pag iwas ni Luca sa kaibigan ko. Sobrang touchy na kasi nito. Halata naman na nag lalasing-lasingan lang naman.. 


“Badtrip nga. Sigurado naman akong TOP siya pagdating sa kama. Kasi never pa siyang lumingon at tumitig ng matagal sa mga top na nasa paligid. Kaya dapat ka talagang mag selos, Niccolo. Pero wag kang mag alala. Bantay sarado sa akin si Abed. Hindi siya makakapalag dito. Saka masyadong LOYAL itong friend ko. Hindi ka niya kayang lokohin. Mahal na mahal ka nito. Kaya wag ka ng mag inaso dyan.” Wika ni Tonet na ikinagulat ko. Napangiti si Niccolo.


“Hindi naman ako nagseselos sa kanya. Saka may tiwala ako kay Hon. Bukod pa sa confident ako sa kagwapuhan ko.” Confident na wika ni Nic. 


Hindi ko tuloy napigilan na hindi ito halikan. Tumugon naman ito sa akin. Tumagal at lumalim pa ang halikan na yun. Laplapan na ang nangyari sa amin. Hindi pa nga sana kami titigil kung hindi pa umawat si Tonet.


“Tang ina niyo. Mamaya na kayo maglaplapan dyan. Hintayin niyo munang makahanap ako ng taong lalaplapin.” Reklamo nito. 


“Bakit? Suko ka na kay Luca?” Masayang wika ni Niccolo. 


Bumalik na ang sigla sa boses nito. Siguro ay napatanag na ito sa sinabi ni Tonet. Medyo nakahinga na rin ako. Ramdam ko talaga na nagseselos ito kay Luca. Kaya nga iniiwasan kong mag usap kami ni Luca. Nahihiya tuloy ako sa kanya. 


“I think kailangan kong mag sorry kay Luca. Medyo naging magaspang ang pakikitungo ko sa kanya.” Wika pagkaraan ni Niccolo. Natuwa naman ako sa sinabi nito. 


“Mabuti pa nga. Saka wala ka naman dapat ipagselos. Mahal na mahal kita. Hindi kita kayang ipagpalit, noh. Dito lang ako uungol at titirik ang mata.” Sambit ko sabay dakma sa nakaumbok nitong pagkalalaki. 


“CR lang din ako. Baka maabutan ko pa siya roon.” Sagot nito. Tumango lang ako sa kanya at naglakad na ito papunta sa CR. Napainom na lang ako ng alak habang nakikinig sa hinanakit sa buhay ni Tonet. Mukhang may tama na ito ng alak. 


“Tama na kaya yan. Lasing ka na gaga ka.” Saway ko kay Tonet ng balak pa nitong kumuha ng alak. 


“Sus. Wala ito. Kaya ko pa. Saka nasaan na ba si Luca. Ang tagal naman nun umihi?” Wika nito. Malakas ang tugtog kaya sumisigaw na ito. 


“Nag usap siguro sila ng masinsinan ni Nic. Umamin sa akin na nagselos kanina kay Luca. Kaya nag CR din. Nandyan lang yan sa paligid.” Sambit ko. Napansin ko na mag 3o Minutes, na rin ang lumipas. Buhat ng sundan ni Nic si Luca.


“Baka ginahasa na yung dalawa. Shocks!” OA na tugon ni Tonet. 


Hindi naman ako nag aalala dahil malalaman ko naman yun. Bilang ko ang tamod ni Nic. Malalaman ko yun pag uwi namin sa condo mamaya. Saka may tiwala ako rito. Hindi rin naman ito uminom ng marami. Naka isang shot nga lang yata ito. 


“Mukha kasing type ka ni Luca. Nakakainis talaga ang ganda mo, Friend. Bakit ba ayaw nila magmahal ng Trans o halata na gay. Bakit lagi na lang sila napupunta sa mga Masc. Kakaasar na. Baka magpaborta na lang din ako.” Sambit pa nito. 


“Gago. Hindi bagay sayo. Saka kanya-kanyang preference lang yan. Mahahanap mo rin ang sayo.” Sagot ko. 


“Talagang iyon lang ang komento mo. Dinedma mo ang sinabi kong type ka ni Luca. Confident ka talaga na type ka niya. Puta ka. Ang yabang mo dun. Ahitin ko bulbol mo, eh.” Wika pa nito na ikinatawa ko.


Nang maubos na ang alak sa baso nito ay niyaya ko na lang itong sumayaw sa gitna. Nagpatianod na lang din ito. Muntik pa nga itong matumba. Halatang tipsy na si gaga. 



Pagtingin ko sa relo ko ay halos isang oras ng wala ang dalawa. Akmang hahanapin ko na nga ang mga ito ng bigla na lang may yumakap sa may likuran ko. 


“Saan mo balak pumunta, Hon?” Bulong ni Nic. Kinilig pa nga ako ng dilaan nito ang tenga ko. Doon na ako humarap. 


“Mukhang malalim ang naging pag uusap niyo, ah.” Komento ko at sumayaw sa harapan nito. Ngumiti at tumango ito sa akin.

“Napagbantaan ko na siya. Hindi na siya magbabalak na akitin ka.” Pagbibiro nito na ikinatawa ko. Sasagot pa lang sana ako sa kanya ng mag salita itong muli. “Hindi ba, Pare.” Saad pa nito.


“Oo naman. Safe si Sir Abed. Akong bahala dyan sa office. Walang makakalapit na lalaki dyan.” Narinig kong tugon ni Luca sa likuran ko. Tumili si Tonet. Mukhang nakikipagsayaw na ito sa kaibigan ko. 


Mas naging masaya na ang mga sumunod na sandali namin sa Nectar. May mga taong sumubok na lumandi kay Nic at Luca. Pero hindi sila nakapalag dahil sila na mismo ang nandedema roon. Naka-concentrate ang dalawa sa amin ni Tonet. Para ngang pinoprotektahan pa nila kami sa ibang tao. 


--------------------------------------------------------------------------


“Sigurado ka na okay lang si Tonet?” Tanong pa ni Luca habang nakatingin kami sa taxi na sinakyan ng kaibigan ko at lalaking nabingwit nito sa bar. Sabay pa kaming tumango ni Nic.


“Takot lang nila kay Tonet. Saka kaya niya ang sarili niya. Mukhang nawala na rin naman ang tama ng alak sa kanya.” Wika ko. 


“Ibaba ka na namin sa sakayan, Pare. Along the way lang din naman, eh.” Suhestiyon ni Nic. Natuwa naman ako dahil nawala na ang awkwardness sa pagitan ng dalawa.


“Salamat. Pababa na lang ako sa may edsa.” Sambit nito at nagtungo na kami sa sasakyan ni Niccolo.

“Oh, Shit!” Mura ni Luca pagkaraan. Nasa byahe na kami nun. 

“What?” Tanong ko. Kita ang pag aalala sa mukha nito. 


“Nawala sa isip ko na sinasarado nga pala ang gate sa apartment namin after 12 PM. Hindi na ako aabot nito. Shit!” Saad pa nito. 


“Akala ko naman kung ano na. Sa Condo ka na lang matulog. May extra foam naman kami. Hindi nga nagagamit. Doon ka na lang magpaumaga.” Suhestiyon ni Nic. Natuwa ako pag alok nito kay Luca. Senyales na nabura na talaga ang pagseselos nito sa lalaki.


“Nakakahiya naman. Baka mag hotel na lang ako. Makaistorbo pa ako sa inyo.” Magalang na pag tanggi pa rin nito.  Magsasalita na sana ako pero hindi na kailangan dahil si Nic na ang sumagot dito. 


“Sus. Gagastos ka pa. Seryoso. Kasya tayo sa condo. Kung gusto mo doon ka na sa kama namin mahiga. Isang gabi lang naman.” Pagpupumilit pa ni Nic. 


“Doon na lang ako sa lapag o sa may sofa. Hmmm… Sigurado kayong okay lang? Sir Abed?” Nahihiya pang tanong nito. 


“Oo nga. Doon ka na matulog ngayon. Wag ka ng mahiya at wag ng matigas ang ulo.” Sagot ko.


“Salamat. Ako na lang ang magluluto ng agahan natin bukas.” Sambit ni Luca na sabay pa namin sinag ayunan ni Nic. Kaya naman dumiretso na kami pauwi sa condo namin. 


Ewan ko, pero excited ako na matutulog ito sa bahay namin. Crush ko pa rin naman ito. Ayan inamin ko na. Pero hanggang doon lang.

Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako lalagpas doon. Natutuwa lang din ako siguro dahil kahit paano ay nagiging close na ito kay Nic. Yun lang yun. 



“Wow. Ang ganda at ang linis ng bahay niyo. Maliit lang ang espasyo pero na gawan niyo ng paraan para mag mukhang malaki.” Papuri pa nito. 


“Salamat sa nakuha naming interior designer. Anyway, nagugutom ka ba, Pare?” Wika ni Nic. Umiling si Luca.


“Okay lang ba na mauna na akong maligo? Amoy pawis ako.” Sagot nito. Tumango kami ni Nic dito. Kumuha muna ako ng malinis na tuwalya sa aparador namin. Kinuha ko na rin ito ng bagong brief at boxer short, Pati na rin sando. Saka inabot dito.

“Mukhang magka-size lang naman kayo ni Nic. Bago pa yang brief na yan. Sayo na lang.” Sambit ko pa sa kanya. 


“Thank you. Pero okay na ako sa boxer short. Hindi kasi ako nagbi-brief. Hehehe.” Sagot nito. Napa-OH pa nga ako. Kaya tuwalya at boxer short lang ang kinuha nito. 


“Okay. Iprepare ko lang ang hihigaan mo. Diyan mo na lang ilagay sa may sofa ang bag mo.” Wika ko at kinuha na ang bedsheet sa aparador. Si Nic naman ang kumuha ng foam sa ilalim ng kama namin. Nagtulong pa kaming dalawa sa paglalagay ng punda at sapin sa foam. 


“Nagulat ako sayo ngayon, Hon.” Umpisang wika ko ng makapasok na sa CR si Luca. 


“Ha? Bakit naman, Hon?” Naka kunot noo nitong tanong. 


“Nag offer ka na matulog dito si Luca. Hindi ko na nararamdaman ang pagseselos sayo. Mukhang nagiging close na nga kayo.” Sambit ko pa sa kanya. Napangiti ito.


“Ayaw mo ba, Hon?” Balik tanong nito. “Mabait naman pala siya. Saka inassure niya talaga ako parang kapatid lang ang turing niya sayo. Kaya napanatag na ako. Saka mahilig din siyang mag ML. Kaya nagkasundo kami agad.” Saad pa nito. 


“Mabuti naman. Sinasabi ko rin sayo na wala kang dapat ipag alala. Mahal na mahal kita at sayo lang ako uungol ng malakas. Ang sarap mo kaya kumantot.” Sambit ko na ikinatawa nito. Nanghilakbot pa nga ito sa sinabi ko. 

“Sira ka. Marinig ka.” Saway pa nito habang napapangiti. 


“Ako ba ang susunod na maliligo o sabay na tayo?” Pang aakit ko pa sa kanya. Natawa ulit ito. 


“Nakakatemp naman ang alok mo, Hon. Pero wag muna ngayon. Nakakahiya kay Luca. Baka isipin niya na malibog tayo. Ako na lang ang sunod na maliligo.” Sagot nito na tinanguan ko lang.



Napanganga na lang ako ng lumabas na sa banyo si Luca. Tang ina. Nakaboxer short lang ito. Tumutulo pa nga ang ilang butil ng tubig mula sa katawan nito. Ang HOT lang niya tignan. SHIT…!

Pinilit ko agad ang sarili ko na iiwas ang tingin dito. Baka kasi makahalata si Nic. Ayokong masira ang unti-unting nabubuong samahan ng dalawa. 


Saglit ko lang napagmasdan ang katawan ni Luca, pero parang tumatak na iyon sa isipan ko. Maganda rin naman ang katawan ng boyfriend ko. Pero may ibang lakas ng dating ang katawan ni Luca. 


Siguro nakadagdag sa akin ang kaalaman na wala itong pakialam kung anong sex organ ang nakalagay sa isang tao. Ewan ko. Basta iyon lang ang mahanap kong paliwanag sa pagkahanga ko sa kanya.


“Saan ko ito ilalagay?” Tanong ni Luca. Hindi ako tumingin dito. Kaya naman si Nic na ang sumagot dito. 


“Akin na, Pare. Ako na ang bahala dyan.” Narinig kong sagot nito at pumasok na sa loob ng banyo si Nic. Baka sa loob na lang ng banyo nito isasampay ang tuwalyang ginamit ni Luca. 


“Salamat nga pala, Sir.” Simulang wika ni Luca. Dahilan para mapatingin ako sa kanya. Doon ko ulit nasilayan ang maganda nitong pangangatawan. 


“W-Wala yun. M-Maliit na bagay lang naman ito.” Sagot ko na nabulol pa. Putang ina. Para akong tanga sa kinikilos ko. Teenager lang na nakaharap sa crush ko. Bwisit yan. 


“Ano nga pala ang gusto niyong agahan bukas?” Tanong nito.


“Kahit ano. Sigurado naman ako na masarap ang lulutuin mo.” Sagot ko sa kanya. Napangiti na lang ito. Natahimik kami sandali. 

Nakita kong kinuha nito ang phone sa may bag nito at may kung anong tinignan doon. Kaya naman ganun na lang din ang ginawa ko. Inabala ang sarili ko sa kakatingin ng videos sa tiktok. Hanggang sa may nag notif sa phone ko. Friend request yun mula kay Luca. 


Hindi lang FB, pati IG at Twitter ko ay nag follow ito. Kaya naman natural-mente na nag follow back din ako. Tinignan ko pa nga ang mga pictures nito sa IG. At napapawow na lang ako habang nakikita ko yun isa-isa. 



Sa kakatingin ko nga ng picture nito. Hindi ko na namalayan na nasa likuran ko na pala si Luca. Todo zoom pa ako sa isang picture nito na nakatopless. Bakat na bakat pa ang burat sa suot nitong pajama. 


“Hmmm… Parang ang payat ko pa diyan.” Sambit ni Luca sa may likuran ko. 


Nagulat ako sa boses nito. Lalo na sa mainit na hininga, na dumampi sa batok ko. Nabitawan ko tuloy ang cellphone ko ng wala sa oras. Mabuti na lang at nasalo nito iyon. 


“Okay ka lang, Sir Abed?” Tanong pa nito. Parang wala lang dito na zinoom-in ko ang picture niya. Hindi ba nito ramdam na pinagnanasaan ko siya. Fuck!


“O-Okay lang. S-Salamat.” Sambit ko at kinuha ang phone ko na inaabot nito. Mas lalo tuloy akong nahiya sa kinikilos nito.


“Dito na ako sa lapag, Sir Abed. Nakakahiya naman na ako ang bisita tapos ako pa ang matutulog sa kama.” Pagbasag nito sa katahimikan. Nahiya talaga ako sa kanya. Puta.


“O-Okay…. Kung iyon ang gusto mo…” Sagot ko na lang sa kanya. Sa hiya ko ay kinatok ko na si Nic. Medyo ang tagal kasi nito sa banyo.


“Sorry, Hon. Hindi pa ako tapos. Medyo sumakit kasi ang tiyan ko.” Sagot nito. Kaya nag hanap na lang ulit ako ng ibang pagkakaabalahan.  Pupunta na sana ako sa kama namin ng makita ko na nakahiga na sa nilatag kong foam si Luca. Naka-unan pa ito sa kamay nito, dahilan para makita ko ang makapal at magandang tubo ng buhok nito sa kilikili. Shit!

Mabuti na lang at busy ito sa pag tingin sa phone nito. Kaya hindi nito nakita ang pagkakatulala ko na naman sa kanya. 


Akala ko masaya ang aksidenteng sleep over nito. Mukhang matinding parusa pala iyon sa akin. Tang ina. 


Isang oras pa ang tinagal sa CR ni Nic, bago ito lumabas. Gaya ni Luca. Naka-topless din itong lumabas. Kaya naman dalawang masarap na nilalang na ang nasa paligid ko. 


“Ligo ka na, Hon.” Nakangiting sambit pa nito, habang pinupunasan ang basa nitong buhok. 


Tatanungin ko pa nga sana ito, bakit ang twalyang ginamit ni Luca, ang ginamit nito. Kaya lang gusto ko ng umiwas sa nakakasilaw na kasarapan nilang dalawa. Kaya agad na rin akong pumasok sa banyo. 


Napabuntong hininga na lang ako ng malalim habang nakaharap sa salamin. Mukhang maling-mali na pumayag pa ako na matulog dito si Luca. Sana makatulog agad ako mamaya. Para naman hindi na ako makapag isip pa ng mga kalaswaan. 


May boyfriend ako. Iyon dapat ang lagi kong isiksik sa isip ko. Sumakit tuloy ang tiyan ko. Kung ano-ano na ang nararamdaman ko dahil lang kay Luca. Bakit ba kasi ang gwapo nito. Mas madali kung naging normal na lang sana ang itsura nito. 


Napatagal din tuloy ang pag stay ko sa banyo. Sumakit ang tyan ko pero hindi naman ako maka-jebs. Parang nahihiya pa ang pwet ko dahil may ibang tao sa condo namin ngayon.

Mabuti na lang noong lumabas ako ay nakita kong naka talukbong na ng kumot si Luca. Mukhang tulog na ito. Anong oras na rin naman na kasi. Malamang inantok na ito. 


Dahan-dahan ang ginawa kong pagkilos papunta sa kama. Bale sa kanan ko pwesto si Nic. Habang nasa lapag naman si Luca. Kaya kung susumahin ay parang pinagigitnaan namin si Nic. Mainam na rin ang pwesto naming iyon. Para hindi ko makita si Luca. Baka kasi pag tagilid ko ang gwapong mukha nito ang makita ko. 


“Patayin natin ang ilaw, Hon. Hindi raw sanay si Luca na bukas ang ilaw kapag natutulog.” Mahinang wika pa sa akin ni Nic. Kaya pala nakatalukbong ito. 


“Okay lang, Hon. Ako na ang magpapatay. Patuyuin ko lang itong buhok ko.” Sagot ko sa kanya. Tumango ito. Kiniss ako sa labi at pinaalala pa nito ang chamomile tea na tinimpla nito. Napangiti na lang ako dahil hindi pa rin nito iyon nakalimutan. 


Ilang sandali pa ang lumipas, matapos kong mainom ang tea ko. Pinatay ko na rin ang ilaw. Patuyo na rin naman na ang buhok ko. Saka nakakaramdam na rin ako ng antok talaga. Tumalikod na ako kay Nic. Magpapayakap pa sana ako sa kanya. Kaya lang nakakahiya kay Luca. Kaya naman pinikit ko na lang mata ang ko at ilang sandali lang ay nakatulog na ako. 


Siguro dahil sa pagod na rin sa pag bar namin at late na nakatulog ay pakiramdam ko humihilik ako. Ganun naman talaga ako, eh. Naalimpungatan pa nga ako dahil akala ko ay lumilindol. Bigla kasing gumalaw ang kama tapos noong napadilat ako. Nagulat pa ako dahil madilim na madilim. Naalala ko na pinatay ko nga pala ang ilaw. 


Hinanap ng mga kamay ko si Nic. Pero hindi ko ito mahagilap. Kaya napadilat muli ako at wala nga ito sa tabi ko. Inisip ko na lang na nag CR ito. Napansin ko kasi na bukas ang ilaw sa may banyo. Aninag yun sa lumalabas na liwanag sa may siwang sa ilalim ng pintuan. 


Pumikit na lang ulit ako. Pero hindi ko rin naiwasan na hindi tignan sandali si Luca. Dahan-dahan pa nga akong sumilip at nakita ko na parang nakatalukbong pa rin ang kumot nito. Saka parang naging bulky masyado ang katawan nito sa loob ng kumot. Ang weird pa dahil parang gumagalaw iyon. 


Mukhang nagising pa ata ito. Kaya dali-dali na akong bumalik sa pwesto ko. Baka mahuli pa ako nitong sumisilip sa kanya. Although, madilim naman. Pero nakakahiya pa rin. Pinilit ko na lang ulit bumalik sa tulog. Mabuti na lang at nag tagumpay ako dahil mabilis na ulit akong inagaw ng antok. 


Malaking tulong talaga sa pag tulog ko ang chamomile tea. Recommended talaga siya, para sa gaya kong hirap makatulog. 




No comments:

Post a Comment

Latest Update

TAKSIL - KABANATA 35

"Moaning Star at si Theo Olivarez.”   Richard "Moaning Star?! Moaning Star talaga. Marikit. Punyeta ka anong klaseng lugar ba tong...