Thursday, February 12, 2026

SABIK - KABANATA 37


“Ang Inosenteng Ginago.”

Part 1


Andrei


Please… HELP ME…!” Ito ang text na natanggap ko sa di ko kilalang numero. Natitiyak kong si Richard na ito.

Tatawag na sana ako kay Samjo ng makita ko sa screen ng phone ko na ito na ang tumatawag sa akin. Mabilis ko iyong sinagot.

“Boss, tumunog yung emergency signal na binigay ko kay Richard. Mukhang nasa panganib sya.” Sabi agad sa akin ni Samjo.

Napatayo tuloy ako sa kama. Fuck! Ano na naman ba ang kapahamakan ang pinasok nun?

“May nag text din sa akin na ngayon na numero lang. Feeling ko sya rin ito na nanghihingi ng tulong. Puntahan na natin sya kung nasaan man siya ngayon. Bilisan nyo ni Marikit.” Sagot ko rito at dali-dali ng lumabas ng kwarto.

Nag palit lang ako ng damit at dahan-dahan na akong lumabas ng bahay. Ayoko ng mag paliwanag pa sa mga taong magigising at makaka salubong ko.

Napag tagumpayan ko naman ang makalabas ng ligtas at hindi nila napapansin. Trinain lang naman ako ng magaling na si Ninong Winston. Kaya nagawa ko iyon ng maayos.  Nasaan na kaya yun ngayon?

Dahil gabi na wala ng tricycle ang dumadaan pa, madilim na rin ang paligid. Nilakad ko na lamang tuloy ito palabas ng subdivision.

Lapot na lapot tuloy ako sa paglalakad. Habang inaantay ang sasakyan nila Samjo. Isang sasakyan na itim ang bumusina sa akin.

Hindi ako pick up girl, noh. Punyeta!

Dineadma ko na lang at naglakad ng konti sa kalsada pero ang hayop sinusundan ako. Sisinghalan ko na sana ang makita kong ibinaba nito ang bintana ng sasakyan nito at makita na si Christof ang naroon.

"Sorry. Andrei kung natakot kita. Saan ba ang punta mo? Gabing-gabi na, ah.” Tanong nito sa akin.

Nag ga-grindr at may ka eyeball lang. Hahaha - Yun kaya ang sabihin ko rito. Kaya lang baka ako pa ang magulat kapag nalaman niya ang grindr.

“Inaantay ko sila, Samjo. Pupuntahan lang namin ang kaibigan mo.” Sagot ko rito.

Kita ko ang pag kalito sa mukha nito. Kaya naman sinagot ko muli ito. Ayoko pa naman makakita ng gwapo na nahihirapan.

“Si Richard, pupuntahan namin dahil mukhang kailangan niya ng tulong.” Pagtatapat ko rito. Para naman manginig ito at samahan kami.

“Si Richard? Bakit anong nangyari sa kanya?! Papunta rin talaga ako sa kanila para sunduin sya, dahil yun ang text nya sa akin nun uwian sa school.” Sagot naman nito.

Talaga? Bakit kaya tinext siya ni Richard? Hmmm… Well, mas okay na rin yon para may kasama pa kaming iba.

“I see. Gusto mo sumama?” Tanong ko rito. Mabilis itong tumango sa akin. “Buksan mo kaya ang pinto para makasakay ako.” Saad ko pa. 

Sinunod naman nito ang utos ko. Tinabihan ko ito sa harap. Ang bango ng sasakyan nito. Amoy mayaman.

Tinext ko na lang si Samjo na dumiretso na lang sa venue dahil may service na ako patungo roon. Mas mainam din na mauna na ang mga ito para mabilis kaming maka pag plano ng gagawin.

Maya-maya pa ay may tinawagan si Christof. Nagmamaneho ito kaya sa phone nito na naka connect sa sasakyan ito tumawag. Narinig ko tuloy ang usapan ng dalawa.

“Kupal, nasaan ka na?” Wika nito sa kausap ng sagutin ang tawag nito.

“Hi, Lover boy. Papunta na sa apartment nila Richie Boy. Ikaw, Panget?” Sagot ng baritonong tinig.

Ay wow! May isa pang lalaki si Richard. Sana oil.

“Papunta rin ako doon. Wag ka muna sumugod doon ng basta-basta. Wag kang magpaka bayani. Antayin mo ako. Mukhang tama ka nga sa kutob mo. Shit! Saad pa ni Christof dito.

“Okay. Okay. Kapag nauna ka makarating ay tiyakin mo na sa malayo ka mag park ng sasakyan.” Sabat ko bigla sa usapan nila. Baka kasi isa rin ito sa padalos-dalos mag isip. Iba na ang sigurado.

“The Fuck! Sino yun??” Wika pa ng nagulat na kausap ni Christof..

“Kaibigan siya ni Richard. Basta sundin mo na lang. Mapagkakatiwalaan ito. Malapit na rin kami". Wag kang kikilos agad. Mag hintay ka.” Tugon ni Christof bago pinatay ang tawag.

Hindi na nito hinintay pa na sumagot ang kausap. Basta na lang din pinatay ang tawag. Gusto ko ang attitude nito. 

Saka gusto ko pa sana mag tanong sa kanya kung sino ang lalaking kausap nito. Kaya lang baka isipin nito chismoso ako. Hinayaan ko na lang na mag maneho ito ng mabilis. Tutal ay makikilala ko rin naman iyon mamaya.

Punyeta…! Nakikipag karera ba to? Sobrang bilis magpatakbo ng sasakyan. Baka mabangga kami sa bilis ng takbo nito. Halatang concern na concern kay Richard. Kakainggit.

“Sa bilis ng takbo mo. Punyeta ka, baka mauna pa tayo sa langit nito. Bagalan mo naman. Saka, wag kang mag alala. Hindi mapapahamak si Richard. Maililigtas natin siya. Sinisiguro ko yan.” Sagot ko para kumalma ito.

“Sorry. Kabado lang. Ramdam ko kasi ang paghihirap niya. Kahit hindi niya sabihin sa akin ang lahat o ang totoo. Nakikita ko yun sa mga mata at sa pekeng ngiti na ibinibigay niya.” Sagot nito.

Kahit paano ay binagalan na nito ng kaunti ang takbo nito.

“Eh, Bakit hindi mo tinulungan? Alam mo naman palang naghihirap na ang tao. Gosh, anong klase kang prinsipe at hinayaan mong alipustahin si Snow White ng Evil Witch.” Imbyerna na wika ko.

Mukhang nagets naman nito ang pinupunto ko. Mabuti at hindi ito bobo. 

“Hindi niya sinasabi sa akin ang problema niya. Kahit pa pilitin ko siyang tanungin. Ngi-ngitian ka lang niya at sasabihin na wala siyang problema. Kaya hindi ko na lang din sya pinipilit at hinihintay ko na lang na kusa niyang sabihin. Pero mukhang wala nga talaga siyang balak sabihin iyon.” Malungkot na sagot nito.

“Mukha nga. Eh, sa katangian pa naman ni Richard. Feeling ko mag titiis at mag titiis yun kahit sinasaktan na. Sana man lang inalam mo pa rin ang sitwasyon nya. My goodness!” Sermon ko pa rin dito.

Anong klaseng love interest ito. Ang hihina at ang kukupad kumilos.

“Yun naman ang ginagawa ko. Kumikilos ako ng palihim. Maging si Pietro ay nakalap din ng impormasyon kay Endrick. Hindi lang namin pinapaalam kay Richard. Ang alam lang namin ay madalas siyang apihin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Saka mukhang wala na sila ni Emmet.” Tugon nito sa akin.

Hindi ko kilala ang mga sinabi nitong pangalan pero alam kong nabanggit na yan ni Samjo at Marikit sa akin.

Hindi lang talaga ako matandain sa mga taong walang kwenta. Pero isang tao ang hindi ko makalimutan ang pangalan. Si Stephen.

Ewan ko ba, kumukulo ang dugo ko sa mga nalaman kong pinaggagawa nito kay Richard. Humanda talaga tong gago na ito sa akin. Tignan ko lang kung makatawa pa ito sa plano namin na gagawin sa kanya.

Hindi na ako nag salita pa at tumahimik na lang. Naalibadbaran ako sa mga taong ganito na hindi kumilos ng maaga. Hinintay pang umabot sa ganito bago umaksyon.

Ilang minuto lang ay nakita ko na ang sasakyan nila Samjo sa may gilid. May puting sasakyan din na nakaparada sa di kalayuan.

Nag park din kami sa malayo at tinawagan si Samjo kung nasaan ito. Agad naman itong sumagot.

“Boss, bilisan mo. Mukhang iparerape nila sa tatlong goons si Richard.” Sagot nito sa akin. Kaya hinatak ko kaagad si Christof.

“Saan ka ba banda?” Tanong ko habang mabilis kami na nag lakad ni Christof. 

Maya-maya pa ay nagulat na lang ako at may isang gwapong lalaki na rin kaming kasunod. Ito na siguro yung kausap ni Christof kanina. Infairness, ang sarap ni Kuya.

“Nandito na kami sa apartment. Nag tapon lang ako ng device sa may bintana ng apartment nila. Para marinig ko ang mga usapan nila. Positive na nandito nga sa loob sila Endrick, Timmy at Stephen. Andito din si Cassandra, Boss. Yung sinabi ko sayo na kasama ni Stephen sa lahat ng plano nila kay Richard.” Pag update pa nito sa akin.

Nang makapasok na kami sa gate. Nakita ko sila na nasa gilid at nakatago sa mga halamanan. Kaya binaba ko na ang tawag at dahan-dahan na lumapit kaming tatlo sa kanila.

Punyeta! Nakita ko pa si Marikit na kumakain ng ice cream ata yun. Gago talaga tong baklita na ito. Lalamon at lalamon kahit sa pinaka delikadong sitwasyon.

“Ano na ang gagawin natin Boss?” Tanong sa akin ni Marikit habang dinidilaan ang pinipig na hawak nito.

“Bakit ka ba nakain pa? Punyeta ka talaga. Ilan sila sa loob? Nabilang mo ba?” Tanong ko.

“Mga nasa walo sila, Boss. Nagkakantutan pa ang mga hitad sa loob. Habang si Richard naman ay nasa isang silid lang at mukhang dino-droga na” Kalma lang na sabi ni Marikit habang sinipsip pa rin ang pinipig.

Punyeta! Yun paraan pa naman ng pag sipsip nito ay parang nachupa ng burat. Palagi talaga nitong ginagawa yon. Ayaw kumain ng tama. Leche! Naweweirduhan tuloy syang tinitignan nila Christof at yung kasama pa naming isang lalaki.

“Ano pang ginagawa natin dito? Tara na at sugudin na natin sila sa loob. Fuck!” Sagot ng isang lalaking kasama namin.

“At kung may baril sila at may armas sa loob ng hindi natin alam. Eh, di namatay kang kupal ka. Mabuti sana kung ikaw lang ang mapapahamak. Paano kami? Paano si Richard? Hindi ito ang oras para magpa kabayani. Wala tayo sa Ang Probinsyano na teleserye. Totoong buhay to. Imbes na makatulong tayo baka maka dagdag problema pa tayo.” Sagot ko. 

Gwapo nga, bobo naman. Hindi nag iisip ng mabuti. Punyeta.

“Tama si Andrei, Pietro. Alam kong nag aalala ka rin. Kami rin naman. Pero kailangan natin mag isip ng mabuti at wag mag padalos-dalos. Para makatulong talaga tayo at hindi lalong mapahamak si Richard.” Narinig kong sabi ni Christof.

Mabuti pa ang isang to. Composed lang. Kahit alam kong kabado rin deep inside. Ganyan, dapat. Dagdag pogi points ka sa akin.

“Bakit kaya hindi na lang tayo sumugod sa loob, tapos pag babarilin natin sila isa-isa. Ano sa tingin niyo?” Wika naman ni Marikit. Kaya nag tamo  tuloy ito ng sabay na batok sa amin ni Samjo.

“Shuta! Aray ko naman. Ang seryoso nyo kasi masyado. Para saan pala tong bote na to, Boss?” Tanong nito at inabot sa akin ang GHB liquid or Gamma-hydroxybutyrate .

Isa itong likido na kapag nalanghap ng isang tao ay agad na makakatulog. Tinatawag din itong "date rape drug", dahil wala talagang palag ang sino mang makalanghap nito.

Siguradong magagawa mo talaga ang maitim mong balak. 100%.

“Punyeta ka talaga, Marikit. Anyway, Paano pala natin ito maipapalanghap sa kanilang lahat, Samjo?” Tanong ko.

May isang maliit na device na inilabas si Samjo na halos kasing laki lang ng cellphone. Ipinaliwanag nito na kailangan lang ito maipasok sa loob ng apartment at pag pinindot ay maglalabas ito ng usok na hindi nakikita o mamamalayan. Magugulat ka na lang kapag naamoy mo na dahil  manghihina ka na.

Para lang daw iyon humidifier. Kinuha nito sa akin ang GHB at inilagay ang kalahati nun sa device. Pagkatapos ay ibinigay na nito kay Marikit.

“Alam mo na ang gagawin mo.” Tanong  pa ni Samjo.

“Hindi. Ano nga ulit yun?” Patawang kalbo pa nito. Kaya nakatikim na naman ulit ito ng batok mula sa amin ni Samjo. “Shuta. Hindi na kayo mabiro. Relax lang. I got this.” Mayabang pa na saad nito.

Agad itong tumayo at nag lakad ng maingat papasok sa apartment. Kahit na mapagbiro ito at hindi seryoso ay proud ako na naging kaibigan ko talaga silang dalawa. Maasahan talaga sila kahit kailan. 

“Ano na ang gagawin natin dito?” Tanong pa ni Pietro. Atat talaga ang lalaking ito. Parang si Brandon kung umasta. 

“Maghintay. Saka manahimik na nga lang dyan. Naiirita na ako sayo, ah.” Asik ko rito. Sinaway naman ito ni Christof. 

Ilang saglit pa ay nakabalik na si Marikit. May dala pang isang box ng pizza, ang hayop.

“Punyeta ka! Saan mo na naman kinuha yan?” Tanong ko. Kahit yung dalawang kasama namin naiirita dahil parang hindi nito sineseryoso ang misyon namin.

Pero hindi naman ako dapat mag alala. Ganyan talaga ang katangian ni Marikit, pero wag nyo syang husgahan dahil malinis yan mag trabaho. Papasang ninja yan sa konoha sa galing nyan.

“Sa loob. Sayang Boss, eh. Saka mag hintay na lang tayo ng ilang minuto. Tiyak ko bubulagta na ang mga tao sa loob. Gusto niyo?” Wika nito at inabot sa amin ang box ng pizza.

Pati si Samjo tuloy ay kumuha na rin ng isang slice at kumain. Nakigaya na lang din ako at inalok ang dalawang lalaking seryosong-seryoso ang mukha. Tutal naghihintay naman kami.

Magsasalita pa sana yung Pietro ng salpakan na lang ito ng pizza sa bibig ni Marikit, dahilan para matahimik ito.

“Wag ka ng mag alala. Kumain ka na lang dyan. Maliligtas natin ang irog mo. Teka, parehas ba kayong top?” Tanong pa nito sa dalawa.

Napalitan tuloy nguyain ni Pietro ang pizza na nasa bibig nito.

“Top? Ano yon?” Sagot ni Christof.

”Ay halalalalala…! Panalo si Richard, Boss. Itumba na yun! Masyadong maganda. Dalawa-dalawa, oh. Sana oil…!” Nakangiti pang sabi nito. Sabay kain ng pizza. Litong-lito naman ang dalawa sa sinabi ni Marikit.

Nang maubos namin ang pizza, ay tumingin si Samjo sa relo nito at tinanguan ako. Tumayo na kami sa pinagtataguan namin at normal lang na naglalakad patungo sa apartment nila Richard.

Sabay-sabay kami nila Marikit at Samjo nagtakip ng ilong gamit ang panyo ng nasa tapat na kami ng pintuan. Bago ako lumuhod at kalikutin ang doorknob ay napansin ko na ang dalawa naming kasama ay hindi man lang kami ginaya.

“Takpan nyo ang mga ilong nyo ng panyo. Iba pa rin ang sigurado. Mamaya makatulog pa kayo ng di oras, eh.” Sambit ko at kinalikot na para buksan ang lock ng pinto.

Paano ka ba nakapasok sa loob, Marikit? Punyeta ka naka lock ang pintuan. Saan ka dumaan?

Nang mabuksan ko na ang lock ay dahan-dahan ko ng binuksan ang pintuan. Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang nakahandusay sa lapag nanakahubad na lalaki.

“Bestot? Shit! Bakit yan nakahubad?” Tanong pa ni Pietro at agad dinaluhan ang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang lalaki na pinakain ko ng papel noon.

So, kaibigan pala nito ang lalaking iyan.  Wala kang alam na yung bestot na sinasabi mo, eh ay inaapi na pala ang sinisinta mong hayop ka. Ang hihina naman ng mga lalaking to. Seriously, Ganoon ba sila katanga?

Hinayaan ko na lang ito at nag patuloy pa kami sa paglalakad hanggang sala. Natagpuan pa namin ang isa pang lalaki na nakahandusay sa lapag. Gaya ng kaibigan ni Pietro ay nakahubad din. 

Sa natatandaan ko ay ito naman ang lalaking itinulak ko nung unang araw ng klase. Buhay pa pala to?

Nakita pa namin sa may sofa ang isang babae at lalaki na mukhang nagkakantutan pa bago hinimatay. Nakapasok pa ang burat ng gago sa pwet ng hitad.

“Tangina. Emmet…! Anong ginawa mo? Kaya pala ganun na lang ang lungkot ni Richard. Putang ina ka…!” Galit na turan ni Christof.

“Putang ina. Ito ba ang tinitiis araw-araw ni Richie Boy?” Sambit naman ni Pietro.

Punyeta. Inaasikaso pa lang nito ang ahas na Bestot nito, ah. Bakit nandito na ito agad?

Finally, Nakita ko rin si Stephen. Naka jockstrap pa ang gago na nakahandusay sa may lapag. Base sa itsura nito ay mukhang magpapaturok din ito kay Emmet. 

Ang chaka talaga ng operada na ito. Siya talaga ang pasimuno ng lahat ng ito. Todo na nya yan? Sus, walang kwenta.

Agad kumilos sila Samjo, para kunin ang camera na nabitiwan nito sa sahig. Tinignan nito iyon at kung may anong kinalikot doon. 

Habang si Marikit naman ay nag halungkat ng mga iba pang gamit sa loob ng apartment. Sa talas ba naman ng mata nito. Kahit saan pa nakatago ang lahat ng mga hidden camera sa loob ng apartment ay makikita at makikita pa rin nito iyon.

Naglakad at nag tingin-tingin pa ako sa paligid. Kasama si Christof ay tumuloy pa kami sa isang silid. Walang tao roon pero sa isang sulok ay nakita ko kung saan nakalagay ang station yata ni Stephen. 

“Samjo, tapos ka na ba dyan? Halika rito.” Pagtawag ko Sigaw ko sa labas at dali-dali itong pumasok sa silid na kinaroroonan namin. Tinuro ko ang mga nakita ko.

Napangiti ito at agad na pumuwesto na droon. Alam na nito ang gagawin doon. Basta sa usaping technical o may kinalaman sa kahit anong gadgets. Ito ang maasahan. Tiwala ako sa kakayahan nito.

“Putang ina…! S-Sino kayo?” Narinig kong sigaw ng isang ng lalaki.

Nakarinig ako ng mga pambuno at sapakan. Kaya dali-dali akong lumabas at nakita kong nagsusuntukan ang tatlong lalaki laban kila Christof, Pietro at Marikit.

Hindi naman na nila kinailangan pa ang tulong ko dahil agad naman na nilang napatumba ang tatlo.

Akala ko napatulog na namin lahat. Malamang hindi namalayan ng mga ito ang nangyayari at hindi pumasok sa loob ng silid na kinaroroonan nila ang GHB.

“Malalakas din naman pala kayo, eh. Pwede na. Hindi na masama.” Sabi ko sa dalawa matapos mapatumba ang dalawang mukhang bouncer na lalaki sa laki ng mga katawan nito.

“Richard! Oh Shit…! Anong nangyari sayo" Sigaw ni Christof ng makapasok na ito sa kwarto. Sumunod kami dito ni Pietro.

May pasa ang mukha nito, putok ang labi at mukhang wala ito sa sariling wisyo.

Nakagapos ang mga kamay nito at halata mo rin na pinahirapan ito ng labis base na din sa mugto ang mga mata nito. Mukhang mas tinorture ang isip nito, kumpara sa pisikal na mga galos nito.

“Richard. Thank god! Ayos ka lang. Kaya mong tumayo?” Sabi muli ni Christof ng magkamalay si Richard.

Inalis nito ang mga tali na nasa kamay ni Richard. Mabuti na lang talaga at umabot kami, dahil kung hindi. Ayokong isipin kung ano ang mangyayari dito.

“Mukhang drinoga sya ng mga hayop na to. Tangina…!” Sigaw pa ni Pietro. Pagkatapos ay pinag ta-tadyakan pa ang mga lalaking nakahandusay.

Obvious ba? Kita mo tigas na tigas ang burat nyan, oh. Bakat na bakat. Mukhang iga-gang bang pa.

Nang alalayan itong tumayo ni Christof ay napaakap pa ito ng mahigpit sa lalaki at hindi nito napigilang hawakan ang bakat na laman sa pantalon ni Christof. Nilamukos ang hotdog at itlog ng puta.

“Fuck!?” Narinig kong sambit ni Christof. Hindi nito inaasahan ang gagawin ni Richard.

“Anong gagawin natin? Mukhang sabog na ito si Richie boy" sabi ni Pietro.

Tinawagan ko kaagad si Kuya Roman. Kahit kakahiwalay pa lang namin kanina. Bahala na kung pagalitan ako. Ang importante ay maging maayos si Richard. Mamaya kasi ay makagawa pa ito ng mga bagay na pagsisisihan nito. Kapag nagbalik na ang ulirat nito.
“Hello, Kuya Roman. Sorry kung naistorbo na naman kita. May ipapakiusap lang sana ako sayo?” Wika ko kaagad ng sagutin nito ang tawag.

“Hello, Bunso. Oo naman. Ano ba yun? At saka tandaan mo, hindi ka nakakaistorbo.” Sagot nito dahilan para mapangiti ako.

“May kaibigan akong drinoga, sinaktan at binalak pang gahasin. Mabuti na lang at nakaabot kami. Kaya napigilan namin ang masamang balak sa kanya. Kaya lang umeepekto na sa kanya ang pill na pinainom sa kanya. Maaari mo ba syang asikasuhin ng personal, Kuya Roman. Kapag dinala na siya dyan ngayon sa ospital. Gusto ko gaya ni Kuya Dan ay ikaw din ang mag tingin sa kanya.” Mahabang salaysay ko.

“Sorry to hear that, Bunso. Sige ako ng bahala sa kanya. Banggitin nyo na lang ang pangalan ko sa may lobby. Tatawagan ko na rin ang naka tao doon ngayon para maasikaso kayo agad. Yun lang ba ang kailangan mo, Bunso?” Tanong pa nito.

"Yun lang muna sa ngayon, Kuya Roman. Hahaha.” Natatawa kong sambit dito. I hope hindi niya iniisip ang nasa isip ko ngayon.

“Hahaha. I know what you're thinking. Hahaha. Anyway, sige na dalhin nyo na rito yan. See you later, Bunso.” Sabi nito sabay patay ng tawag.

My gosh Kuya Roman. Wag ako please! Hindi kita uurungan… Butas, are you ready?

Tinignan ko ang dalawang lalaki sa buhay ni Richard. Sana makita niya ang dalawang itong handa siyang ipaglaban. Para maging masaya na rin siya. Mukha naman sincere ang nararamdaman ng dalawang ito sa kanya.

“Ilabas nyo na yan.  Ihanda niyo na rin ang sasakyan. Kayo ng bahala na mag hatid dyan sa makati Med. Nasabihan ko na si Kuya Roman. Banggitin nyo na lang ang Dr. Roman Tan sa may emergency.” Sagot ko sa mga ito.

“Pero gusto kong mabugbog din ang kupal na yun!” Sabi pa ni Christof habang napaakap si Richard dito.

Sino ba ang kupal na sinasabi nito? Medyo marami kasi sila. Ah, yung Emmet ba. Tapang, ah. Bakit hindi nyo yan ginawa noon? Pinaabot nyo pa talaga sa ganito.

“Ano ba ang mas importante sayo ngayon? Ang galit nyo ni Pietro sa ex niya o si Richard? Oh, Sagot? Na tahimik kayo. Mabuti pa at sundin niyo na lang ang sinasabi ko. Kami na ang bahala sa mga gagong ito. Umalis na kayo.” Saad ko pa sa kanila.

May pag aalinlangan man ang dalawa, lalo na si Pietro ay sinunod naman ng mga ito ang inutos ko. Ramdam ko ang galit ng mga ito. Yung galit na gusto talagang ipaghiganti si Richard. 

Matapos maipaamoy ni Christof ang panyo na nilagyan namin ng GHB ay agad na rin nakatulog ito. Binuhat ang walang malay na katawan ni Richard at lumabas na ito sa apartment.

“Uy, si Richard lang ang dalhin nyo. Hindi kasama ang ahas na yan.” Narinig ko pang sabi ni Marikit.

“Pero Bestot ko to. I’m sure, nadamay lang sya at naniniwala akong biktima lang din siya gaya ni Richie Boy.” Pagtatanggol pa ni Pietro.

“Ay, tanga ka nga. Gwapo ka lang talaga siguro. Hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lang naging paghihirap ni senpai, dahil dyan sa kapabayaan nyo. Hindi inosente ang ahas na ito. Bulag ka ba?”  Inis na turan ni Marikit.

“Pero hindi ganoon si Bestot, hindi mo…” Sabi pa nito na naputol dahil sa pag bara ni Marikit dito.

“Sa tingin mo ba, Pietro. Bakit nakahubad yan at hindi nakagapos? Ano fashion show lang. Nakikiuso lang. Shutainames! Ang itsura ba nyan, biktima? Mukha ngang kinantot yan sa sarap, eh. Kaya iwan mo yan dyan. Wag kang makulit. Kami na ang bahala dyan. Gigil talaga ako sayo.” Naiirita na sagot ni Marikit dito.

Hindi pa rin kumbinsido si Pietro sa mga sinasabi ni Marikit. Ano nga ba naman ang laban ng kaibigan ko sa kaibigan nitong ahas na matagal na niyang kilala.

Nakita kong biglang lumitaw si Samjo. Hawak nito ang iPad at inabot na lang kay Pietro. May ipinakita ito sa lalaki na isang video na hula ko ay nakuha nito sa mga naextract nito sa laptop at phone ni Stephen. Lumapit ako sa pwesto nito at nakinuod din.

“Happy ka ba, Bes. Pinaghandaan talaga namin itong palabas na ito para lang sayo. Hahaha. Maya-maya lang ay ako naman ang kakantutin ni Emmet sa harapan mo. Sana maenjoy mo, ah.” Sabi nitong Endrick na tumatawa pa sa nakagapos sa upuang si Richard.

Akala ko ay tatanggapin na lang ni Richard ang panghahamak dito. Kaya naman nagulat ako ng dinuraan nito sa mukha ang lalaki. 

Yes...! Ghorl, ganyan nga. May tinatago ka rin palang tapang.

Subalit, mukhang hindi nagustuhan ni Endrick ang ginawa ni Richard. Kaya naman sinampal at sinapak nito si Richard ng ilang beses. Maririnig mo nga ang lakas ng tunog nun sa video.

Kitang-kita ang pagkahilo ni Richard at halos mag dugo ang labi nito sa tinamo na pananakit kay Endrick.

“Dudura ka pa, ah. Tangina mo! Bagay lang yan sayo. Malandi ka!” Singhal pa nito at di pa nakuntento ay tinadyakan nito si Richard, dahilan para tumaob ang silya na kinalalagyan nito.

Malakas na tawanan ang narinig namin bago iniwas ni Pietro ang tingin nya sa iPad.

“Ilan lang yan sa naexcract kong video sa CCTV na nakakalat dito sa buong apartment na ito. Gusto mo pa bang makita ang ibang videos kung paano ginago ng tinatawag mong Bestot si Richard?” Wika ni Samjo.

Hindi sumagot si Pietro. Nakita ko ang pag igting ng bagang nito sa galit. Halatang hindi ito makapaniwala sa napanood.

“Maaring okay ang turing sayo ng Bestot mo. Pero hindi iyon nangangahulugan na ganun din ang turing niya sa iba. Kung tutuusin nga ay tinatawag pa niyang best friend si Richard, diba? Pero nagawa pa rin niyang saktan ito” Saad pa ni Samjo.

Mas lalo lang lumabas ang galit sa mukha ni Pietro. Tumiklop na nga ng kusa ang kamo nito dahil sa tinitimping galit.

“Kahit ano pa ang galit ang maramdaman mo ngayon, hindi na yan makakatulong pa kay Richard. Nangyari na ang nangyari. Hindi rin makakaila na wala kayo sa tabi niya noong nasasaktan siya ng ganyan. 

Kung mahalaga talaga sayo si Richard gaya nais mong iparating sa amin. Ipunin mo yang galit na nararamdaman mo ngayon at ibigay mo yan sa mga taong nang API sa kanya. Wag kang mag alala, gaganti tayo. Sigurado yan.” Sambit ko pa rito..

Tumingin ito ng mariin sa akin. Tinitignan kung nag sasabi ba ako ng totoo. Maya-maya ay tumango na ito at tahimik na lumabas para puntahan si Christof.

“Marikit, ihabol mo nga itong panyo sa kanila. May pampatulog na yan. Ipaamoy kamo kay Richard. Mamaya madisgrasya pa sila sa kapag nag likot ang lalaking yon.” Utos ko kay Marikit. Agad naman itong lumabas para puntahan ang mga yon.

“Ano na ang balak mo sa mga gagong ito, Boss?” Tanong ni Samjo.

“Ibigay ang parusang nababagay sa kanila. Nakuha mo na ba ang dapat mong kunin sa apartment na ito?” Balik tanong ko.

“Tapos na, Boss. Na extract ko na ang lahat ng mga files nila sa computer. Burado na rin lahat ng ito. Na check na rin ni Marikit ang lahat ng cellphone ng mga ito at nakuha ang dapat kuhanin.” Sagot nitong muli sa akin.

Ipinakita pa nga nito sa akin ang mga files sa iPad na nakuha nito.

“Saka nga pala, Boss. Hindi si Richard ang nag text sayo. Base na rin sa number na nakita ko.” Wika pa nito.

“Ha? Talaga. Eh, Sino?” Nagulat na tanong ko rito.

“Itong tao na ito ang nag text sayo.” Turo nito sa lalaking nakahandusay.

“Hmmmm… Sigurado ka? Paano nito nalaman ang number ko. Eh, kay Richard ko lang naman iyon binigay. Baka naman si Richard talaga yon. Patakas niya lang akong tinext gamit ang phone nito bago pa siya mahuli.” Wika ko pa. Umiling si Samjo.

“Sigurado ako, Boss. Wala ng kakayahan pa si Richard na gawin iyon. Although napindot nito ang emergency button sa bracelet na binigay ko. Hindi na nito nagawa pang mag text dahil nakagapos nga ito.” Paliwanag pa sa akin ni Samjo.

Nang makabalik si Marikit ay nagtaka pa ito sa pananahimik namin. Kaya nakiusyoso na ito sa pinag uusapan namin ni Samjo.

“Hmhmmmm… Sa palagay nyo ba, biktima lang din kaya siya ng gunggong na ito?” Tanong ko kila Marikit at Samjo at inapakan si Stephen. Kami na lang tatlo ang natira sa apartment na yon.

“Hindi natin alam at hindi rin ako sigurado pero posible, Boss.” Sagot ni Samjo.

“Well, Kahit biktima pa siya. Isa lang ang masasabi ko sa kanya. Pakyu siya. Three thousand…!” Komento ni Marikit. Literal na pinakyu talaga nito ang katawan ng lalaki.

“Anyway, tama na yan. Nagawa na naman na natin ang pinunta rito. Tara na at planuhin na ang gagawin natin na pagpapahirap sa kanilang lahat. Hayaan nating mag enjoy muna sila ngayon sa tagumpay nilang peke. Dahil sa mga susunod na araw. Matitikman na nila ang batas ng API. Sinisigurado ko yan.” Sagot ko sa kanila.

Binuhat na namin ang tatlong lalaking binugbog nilakanila. Tiniyak naming nakagapos muna ang mga ito bago isinakay sa sasakyan ni Samjo. May balak kami sa tatlong ito na hindi aasahan ni Stephen.

Sinigurado rin namin na umaga na magigising ang mga ito at alam ko na wala silang maalala sa lahat ng nangyari. Baka nga isipin pa nitong mga ito na napagod lang sa pag kakantutan kaya nakatulog.

Tiniyak din namin na ang mapag bibintangan dito ay ang tatlong bouncer na ito. Papalabasin namin na silang tatlo ang kumuha kay Richard. 

Nang maisakay na namin silang tatlo ay mabilis na kaming umalis sa lugar na iyon. Dala-dala ang lahat ng kakailanganin namin para pabagsakin isa-isa ang Rainbow Gang.

Bago nga kami umalis doon ay tinignan ko pa ang mga gunggong na nakahandusay sa sahig.

Magpakasaya ka ng husto sa kalayaan tinatamasa mo, Stephen. Dahil luluha ka na ng dugo sa mga susunod na araw.

Sa sasakyan ako ni Samjo sumakay. Nais kasi ni Marikit na siya ang magmaneho ng sasakyan ni Christof.  Nakasunod naman ito sa likuran namin.

Habang lulan ako ng sasakyan ni Samjo. Sinabi nito na hindi nila kinuha ang cellphone, CCTV camera at kung ano pa mang gamit doon.

Sinabihan ko rin kasi sila na ganoon ang plano, hahayaan namin walang alam ang rainbow gang sa nangyari.

At papalabasing nagkaroon lang ng virus ang computer at laptop nito. Kaya nabura ang lahat ng files nito. Bobo naman ang lalaking iyon. Kaya hindi talaga niya mahahalata iyon.

Sinabi rin ni Samjo sa akin na konektado na ang lahat ng CCTV nito sa gadgets na hawak namin. Kaya naman makikita na namin ang bawat kilos ng mga ito. Maging ang mga cellphone nilang lahat ay nakakonekta na sa amin at may access kami.

Excited na tuloy ako sa mga susunod na araw. Tiyak kong magugulat sila sa mga nakahandang plano namin sa kanila.

Bago kami pumunta ng ospital ay dinala muna namin sa condo ni Samjo ang mga bihag namin.

Ang sabi sa akin ni Marikit noon ay isang condo lang ang binili ni Samjo. Punyeta. Akala ko naman ay isang silid lang. Isang buong building pala.

May secret underground pa nga ito na kung saan ala Batman or Ironman ang mga equipment. Punyeta yan. Ikaw na, Samjo. Ikaw na. Talagang wala ng laban ang mga hudas sa amin.

Matapos namin mailagay sa kulungan ang tatlong ungas ay saka kami ulit nag punta ng ospital.

“Punyeta. Literal na kakagaling lang natin dito kanina. Jusko po!” Sambit ko na ikinatawa ni Samjo.

Nang makarating kami roon ay naabutan namin nal kausap nila Christof at Pietro si Kuya Roman. Agad na kaming lumapit sa kanila.

“Hindi talaga kayo mapaghiwalay na magkakaibigan. Teka nasaan pala ang isa?" Tanong ni Kuya Roman. 

Nag tinginan na lang kami at nag ngitian. Hindi iyon ang oras para mag kwento kami ng nangyari sa buhay kabataan namin.

“Kumusta nga pala si Richard, Kuya Roman." Tanong ko.

Dinala kami nito sa isang silid kung nasaan si Richard. Payapa na itong nakahiga sa kama at mukhang nabigyan na rin ng paunang lunas. Mabuti naman.

“Gaya nga ng sinasabi ko kanina sa dalawang to. Maayos na ang lagay nya sa ngayon. Bukas na yan magigising. Kaya bukas na lang din natin malalaman kung ano ba ang totoong lagay nya.” Sagot ni Kuya Roman.

Tumango-tango ako. Pinag masdan ko ang mukha ni Richard. Bakas sa mukha nito ang mga paghihirap na dinanas nito. Naasar lang ako dahil bakit hindi iyon nakita ng dalawang ito. 

Kahit sinong tao ay malalaman na may pinagdadaanan ito. Iyon ay base na rin sa kinikilos nito. Eh, sila nga raw ang madalas na kasama ni Richard. Ayon yon sa report sa akin ni Samjo at Marikit.

“Oh siya at magsi uwi na kayong tatlo. Anong oras na? Dapat natutulog na kayo, eh. Anyway, ako ng bahala rito. Bumalik na lang kayo bukas.” Sambit ni Kuya Roman pagkaraan.

“Dito na lang po muna ako. Gusto ko pang bantayan sya. Ayokong magising siya ng mag isa.” Sagot ni Christof.


“Ako rin po. Dito na lang din muna ako. Tama na yung mga panahong wala kaming alam sa kalagayan nya at wala sa tabi niya. Mas mabuti ng alam niya ngayon na hindi na sya nag iisa pa.” Pakiusap din ni Pietro.

"Shutainames! Ayoko ng ganitong eksena. Naiiyak ako, Boss. Hoy, Christof. Heto yung susi ng sasakyan mo. Naiparada ko na iyon ng maayos sa parking lot. Samjo, halika samahan mo ako at mag hanap tayo ng pagkain. Bigla akong nagutom sa kanila. Shuta!” Sambit ni Marikit. Hinmatak nito si Samjo na walang magawa kundi ang mag patianod na lang dito.

“Okay sige na pinapayagan ko kayong dalawa. Ako na lang ang magsasabi sa Nurse. Pero ikaw umuwi ka na. Malilintikan ako sa Ate Anna mo, Bunso. Kakagaling mo lang dito kanina, eh. Expected nun ay nasa bahay ka na at natutulog.” Wika ni Kuya Roman.

Napangiti na lang ako sa concern na pinapakita nito. Imagine ang tagal ko na itong hindi nakasama. Kung tutuusin ay bata pa ako noon pero hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nito sa akin. 

Ang sarap lang sa pakiramdam. 

Nag paalam na ako kila Christof at Pietro. Mukhang natauhan at nagkaroon na sila ng buto para damayan si Richard. Sana lang ay hindi pa huli ang lahat. Pakiramdam ko naman ay tutulungan din nila si Richard.

“Nasa tamang tao ka na ngayon, Richard.” Usal ko pa rito.

Pinagmasdan ko pa ng ilang minuto ang payapa na tulog ni Richard. Bago namin sila iniwan doon ni Kuya Roman. 

“Hindi ko na itatanong kung ano ang nangyari sa ngayon pero kailangan ikwento mo sa akin ito Bunso. Naiintindihan mo ba?” Sambit ni Kuya Roman habang nakaakbay ito sa akin.

Hindi tuloy ako makapag concentrate kasi nanginginig ako sa ganda ng boses nito. Punyeta. Nakakalibog.  Amoy na amoy ko pa ang barakong pabango nito. 

“Opo, Kuya Roman. Sasabihin ko sa inyo ang lahat-lahat. Teka, bago ako umalis ay pwede bang dumaan muna ako sa silid ni Kuya Dan. Promise saglit lang ako. Uuwi rin ako agad.” Pakiusap ko pa rito.

“Okay sige. Sandali ka lang, ah. Anong oras na oh. Kailangan mong matulog para mas tumangkad ka pa. Hahaha.” Pagbibiro pa nito.

“Ayos na sa akin ang ganitong taas. Hindi ko na kailangan pang tumangkad. Para sakto lang sa ano… Hahaha” Pagbibiro ko rin dito. Agad naman na gets nito ang sinasabi ko.

“Pasaway ka talaga. Anyway, alam mo naman kung nasaan ang silid ng Kuya Dan mo. Maiwan na kita at may aasikasuhin pa ako. Umuwi ka kaagad ah. Lampas na kasi ang visiting hours ngayon.” Paalala pa sa akin nito. 

Nang iwan na ako nito ay naglalakad na ako papunta sa silid ni Kuya Dan. Paliko na sana ako ng makabanggaan ko pa ang isang lalaki.

“Fuck…! Hindi kasi tumingin sa dinadaanan!” Galit na sambit nito sa akin at saka nag madali ng mag lakad palabas ng ospital.

“Punyeta! Anong ginagawa nun dito?” Tanong ko pa sa hangin.

Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang lalaking kumakantot kay Ate Mira. Bigla tuloy akong kinabahan.

Hanggang dito ba naman Ate Mira? Wala na talagang pinalampas ang kalibugan mo. Yung kakatihan pa rin ang pinairal nito. Sa kabila ng nangyari sa asawa nito.  Gosh…! Si Kuya Dan.

Nag lakad na ako ng mabilis. Nang makarating ako sa silid kung saan naroon si Kuya Dan. Papasok na sana ako sa loob ng narinig ko na may dalawang tao ang nag uusap sa nakaawang na pintuan.

“Hindi ko akalain na ganyan ka pala kalandi at kalibog, Mare. You surprise me. Hahahaha.” Akusa ng boses na hinding-hindi ko pwedeng makalimutan.

Siya ang mahadera at mapagpanggap na gustong tikman si Kuya Dan. Hindi pa pala sapat ang pinasok kong pipino sa pwet nito. Mukhang nakulangan pa ito.

Gusto pa yata nitong buong gulay sa kantang Bahay Kubo ang ipasok ko. Lintek to!

“Please, Pare. Hindi pwedeng malaman ito ni Daniel. Wag mong ipaalam sa kanya ang nakita mo. Baka masira ang pamilya ko.” Umiiyak na sagot ni Ate Mira.

FYI lang, Ate. Alam na nya. Kaya balewala na ang pagsisinungaling mo. Kapatid ba talaga kita? Ang bobo mo naman. Mas lalo lang akong naiinis sayo.

“Matanong nga kita, Mare. Ano ang kulang kay Pare at nakuha mo pang lokohin siya ng ganyan? Halos na sa kanya na nga ang lahat. My Goodness…! Hindi ako makapaniwala talaga.” Hindi na mapigilan itanong ni Charles.

Gusto kong malaman din ang sagot ni Ate Mira tungkol doon. Saka kasalanan din naman nya, eh. Naawa na naman ako kay Kuya Dan. Hindi niya deserved ang tratuhin ng ganito. Punyeta!

“Huhuhu… Wala siyang pagkukulang sa akin, Pare. Sobra-sobra pa nga ang binibigay nya. Ako lang talaga ang may problema. Ako ang may kasalanan at pagkukulang. Naipit din ako sa sitwasyon ng hindi ko na matatakasan. 

Sa maniwala ka o hindi. Ginawa ko rin ito para sa pamilya ko. Kaya sana wag mo ng ipaalam pa kay Daniel ito. Parang awa mo na, Pare.” Nagmamakaawa na pakiusap muli ni Ate Mira. Narinig ko ang pag hagulgol nito.

“Mare, wag kang mag alala. Pangako ko sayo na hindi ko ito sasabihin kay Pare. Hindi niya malalaman ang nakita kong kataksilan na ginagawa mo. Wag ka ng umiyak.” Wika ni Charles.

“Talaga, Pare? Naku, salamat ng marami sayo. Salamat at naiintindihan mo ang sitwasyon ko.” Sagot pa ni Ate Mira.

Hindi ako kumbinsido sa sinabi ng baklang Charles na to. Nasa himig nito na may kondisyon itong hihingin. Alam ko na ang likaw ng bituka ng hayop na ito. Syempre si Ate Mira naman ay isang tonta. Tiyak na papayag ito dahil naipit na ito sa sitwasyon.

Wellm kahit naman pumayag pa si Ate Mira sa binabalak mong ulol ka. Hindi ako papayag na gago ka. Kahit ipasok ko pa sa pwet mo yung nakakainis na spokesperson ng presidente ay gagawin ko. Mapigilan ko lang ang masamang plano mo.

“Subalit may kondisyon akong hihilingin sayo, Mare. May kabayaran ang pananahimik ko. Lalo na at mabigat itong sikreto mo na itatago ko.” Sambit ni Charles.

Tang ina. Hindi ako nagkamali ng hinala.

“Sige, Pare. Ano ba ang kondisyon na iyon? Kung kaya ko ay gagawin ko. Maitago mo lang ang sikreto ko.” Tanong ni Ate Mira.

“Simple lang naman ito, Mare. Kayang-kaya mo ito. Gusto kong matikman ang asawa mo, Mare.” Diretsahang sagot ni Charles.

Type na type talaga nito si Kuya Dan. Wala itong balak sumuko. Punyetang to…!

“Tikman ang asawa ko? You mean, makipag sex sa kanya? Bakla ka ba?” Gulat na gulat na tanong ni Ate Mira.

“Ouch! Ang  lakas naman ng pagkakasabi mo ng salitang bakla, Mare. Hahaha. Pero tama ka. Bakla nga ako.” Sagot nito.

“Ha?! Hindi halata sayo.” Tinig pa ni Ate Mira na hindi makapaniwala.

“Ganun talaga. Magaling akong magtago. Hindi rin naman ito alam ni Daniel. Pero seryoso ako sa kondisyon ko. Kaya para manahimik ako. Wawan mo ng paraan na matikman ko siya. Kung ayaw mong mag salita ako.” Saad pa nito..

“Pero, Pare. Hindi ko hawak ang desisyon ni Daniel. Hindi ko alam kung mapipilit ko ba siya na makipagtalik sayo. Hindi bakla ang asawa ko. Sigurado akong hindi ka niya papatulan. Iba na lang ang hilingin mo. Please.” Tugon ni Ate Mira.

“Si Pareng Daniel ang gusto ko. Gusto ko siyang tikman. Gusto ko siyang tikman. Pero sige kung hindi siya pwede may naisip pa ako na gustong tikman.  Mamili ka, Mare… Ang tatlong anak mo o si Daniel?” Suhestiyon pa ni Charles.

Mangarap ka ulol…! Ni isa sa kanila ay wala kang matitikman. Gago.

“Walang kinalaman ang mga anak ko rito. Wag ang mo silang isali. Sige kung gusto mo talaga na matikman ang asawa ko. Gagawa ako ng paraan para makapag solo kayong dalawa ni Daniel.” Sumusuko na sagot ni Ate Mira.

“Magaling! Madali ka naman palang kausap, Mare. Kaya langa ay ayoko na masolo lang siya. Baka kasi isang DATE ang iniisip mo. Although, maganda rin naman iyon. Kaya lang mas gusto ko na makumbinsi mo siyang makipagtalik sa akin.

Yung hindi ko sya pipilitin. Yung tipong kusa niyang iaalay ang buo niyang katawan para lasapin ko. Wala ako pakialam kung paano mo yun gagawin. Basta yun ang nais ko, Mare. Period.” Natatawa pa na sambit ng gago.

“Sige gagawin ko ang makakaya ko, Pare. Tumupad ka sa pangako mo, ah.” Paniniyak pa ni Ate Mira.

“Oo naman. May isa akong salita. Basta masunod lang ang nais ko.” Bakas ang kasabikan sa boses na tugon ni Charles.

-------------------------------------------------------------------

Hindi ko na nagawang sumilip pa kay Kuya Dan. Umalis na rin ako agad dun matapos kong marinig ang lahat ng pinag usapan nila Charles at Ate Mira. Sapat na ang mga narinig ko para mas lalo ko pang bantayan si Kuya Dan sa gagong yun.

Gusto mo to, Charles ah. Pwes, pagbibigyan kita. Makikita mo ang hinahanap mo. Gaga ka…!

Nakita ko ang mga kaibigan ko sa may lobby. Kanina pa pala nila ako hinihintay. Tinanguan ko sila at sabay-sabay na kaming lumabas doon patungo sa nakaparadang sasakyan ni Samjo.

Habang nasa byahe kami pauwi ay kinuwento ko sa kanila ang mga narinig ko. Ramdam ko nga ang gigil ni Marikit ng matapos ako.

“As if naman na matitikman nya si Kuya Dan. Hahaha. Ang lakas talaga ng loob nila na gumawa ng masama. Wala na bang lalaki sa mundo? Nauubusan na ba sila ng burat na isusubo.” Tanong pa nito. “Pero ano nga kaya ang gagawin ng Ate Mira mo, Boss? Ano sa tingin mo?” Saad pa nito.

"May kutob ako na susundin niya si Charles. Hindi ko nga lang alam kung paano niyo makukumbinsi si Kuya Dan.” Sagot ko.

“Kailangan mo ba ng tulong diyan, Boss?” Tanong ni Samjo.

“Hindi na. Kaya ko na ang malanding yon. Mag concentrate na lang kayo sa grupo nila Stephen. Sila ang priority natin sa ngayon.” Sagot ko at nag tanguan nalang ang mga ito.

Kinabukasan

Maaga pa lang ay nandito na kami sa school ni Samjo. Hinihintay lang namin si Marco dahil may importanteng bagay pa akong ipinagawa sa kanya, na tanging sya lang ang makakagawa.

Sinabihan na namin sya na kapag natapos ang ginagawa nito ay puntahan kami sa tambayan ng mga pamangkin ko. Alam naman na nito iyon.

P.E namin ngayon at excited ako dahil sa may gymnasium ang venue. Makikita ko kasi si Kuya Jack na nakapang coach na outfit. Oh, Shit. Parang gusto kong maranasan na makantot nito habang nakasuot ito ng ganun. 

Naranasan ko na kasi na makantot nito habang naka suot ng unipormeng pang pulis. 

Nag text din ako rito at ipinaalam ko nga na makikita ko sya mamaya.

Ito lang naman ang gagawin namin ngayong araw. Saglit lang din ito at pagkatapos ay diretso punta na kaming tatlo sa ospital para dalawin naman si Richard.

Maya-maya lang ay may narinig kaming naka mega phone habang papalapit sa pintuan. Sinipa pa nito ng malakas ang pinto. Kaya nagulat kami ni Samjo.

“I go by the name MARCO of team MARS. It's been a long time comin' but we're here now.

And we bout to set the roof on FIRE, Baby (oh uh). You better get yours, cause I'm getting mine.

eh eh eh eh eh eh eh. Tang ina.

eh eh eh eh eh eh eh, you'd better…  Aray naman!” Putol nito sa pag kanta ng batukan ito ni Samjo.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Para kang tanga. Umayos ka nga.” Sambit pa ni Samjo. May hawak pa kasi itong arnis sa kabilang kamay nito.

“Nag pa-practice lang naman  ako ng pang entrance natin Kapag nilusob na natin ang Rainbow Gang. Syempre, kailangan may pasabog na pasok tayo. Par fierce at kabog na kabog.” Giit pa nito.

“Saan mo na naman ba nakuha ang megaphone na yan?” Tanong ko. Ngumiti ito at mukhang alam ko na kung saan yon galing. Ninenok na naman nito iyon sa faculty.

Umayos ka nga, Marco. puro ka kalokohan. Kaya ka napagkakamalan na bakla sa ginagawa mo, eh.” Asar na wika pa ni Samjo.

“Wow, Samjo. Nakakahiya sa pagka straight mong hayop ka…! Ako bakla? Duh! Nachupa lang ng masarap na burat, bakla na agad. Hindi ba pwedeng mahilig lang. Tripper. Ganooyn.” Talak ni Marco.

Ganun lang talaga mag asaran ang mga ito. Lalo na kapag kami kami lang ang nasa paligid.  Nagiging sirena talaga ito pero pag maraming tao ay super manly naman ito. Akala mo isang tuwid na tuwid na lalaki talaga.

“Nagawa mo na ba yung pinapagawa sayo?” Tanong ni Samjo.

“Shutainames ka! Oo naman. Tapos ko na. Tara na nga, Boss. Mabuti na lang at pare-pareho tayong may PE ngayon. Makakakita tayo ng maraming santol. Shuta…! Excited na akong mamitas.” Sigaw nito.

"Santol? Nasaan? Gusto ko rin nun. Saan ka mamimitas? Sama ako.” Wika naman ni Abra na kakarating lang sa tambayan. Kasama ang kambal na sila Calvin at Klein.

“Syet! Santoooooool…!” Hindi na napigilan ni Marco na isambulat.

Naka pang PE uniform na kasi kami lahat. Alam nyo naman na kapag ganito suot mo. Hahakab sa katawan mo yung manipis na tela ng T-shirt. Lalo na ang jogging pants na talaga naman huhulma sa kargada mo.

Lalo na tong mga pamangkin ko. Hindi pwedeng hindi babakat ang mga sandata nito. Bukod pa sa maganda ang mga katawan nila ay napaka DAKILA pa nila. Kaya naman halatang-halata talaga ang mga bakat ng burat nila. 

Hindi ko lang sure kung pati ang iba ko pang pamangkin ay ganun din ang suot.  

Kung maaga kami ay mas maaga ang mga ito na dumating dito.  May morning training daw kasi ang mga ito kasama si Kuya Jack. Nang kumpleto na kami at pumatak na ang oras ay nag tungo na rin kami lahat sa gym.

Pagpasok nga namin sa loob ay napatigil ang karamihan ng mga tao na nandoon na. Lahat ng mata ay sa amin nakatingin. Tilian at sigawan ang umalingawngaw sa loob ng gym. 

Ibang klase talaga tong mga pamangkin ko. Ang lakas ng karisma. May mga fanbase ang mga hayop. Mga artista lang ang dating.

Hinanap ng mata ko kung nasaan si Kuya Jack. Nakita ko naman ito na nasa kabilang gilid ng court. May hawak na bola at seryoso ang mukha. Mukhang nanenermon ito ng mga players niya.

Nang mapatingin si Brandon sa amin ay automatic na kinawaya ako nito. Dahilan para mapatingin si Kuya Jack din sa gawi ko.

Agad na sumilay ang ngiti sa labi nito. Lalapitan ko na nga sana ito ng biglang tawagin kami ng isang babaeng coach.

“Guys, Assemble…! Bilisan niyo. Wag na kayong mag chismisan pa. Ang aga-aga pa. Pagalawin niyo ang mga katawan niyo. Buhayin ang dugo sa katawan. Ano ba… Ang ganda-ganda ng umaga, oh.” Energetic na pagtawag nito sa amin.

Ang ganda ng katawan nito. Sobrang sexy tapos ang mukha naman ay hawig na hawig nung babaeng nag lipat ng Mount Mayon sa Naga.

Maarte nga lang ito kapa nagsasalita. Habang panay ang tingin nito sa gawi ni Kuya Jack. Halatang nagpapa cute. Hindi tuloy naging maayos ang pagpapaliwanag nito sa gagawin namin. Todo liyad pa kasi ito ng suso nito.

Kaya lang hindi naman siya pinapansin ni Kuya Jack. Hindi nga magawang tapunan man lang ng tingin. Ako kasi ang tinitignan nito. Kaya tama ka na, girl. Wag kang feeling. Hindi ikaw. Punyeta ka!

Maya-maya lang ay hindi na nakatiis si Kuya Jack at lumapit na sa amin ito. Mabilis nag sigawan ang mga estudyante. May mga kinikilig at nagtutulakan pa nga. Lalo na sa mga kababaihan.

“Oh My God…! Si Coach Jack…! Kyaaaaaaah…” Tilian pa ng mga babae. Sinaway pa nga ito ng kamukha ni Mocha Uson. Pero pasimple rin itong nag lagay ng lipstick sa labi. 

Hindi ko naman kasi sila masisisi. Kung naging ganito ka OA ang mga reaksyon nila. Punyeta! Ang sarap naman kasi nito.

Lalo na sa suot nito na kulay gray dri-fit na T-shirt. Humahakab ito sa katawan nito. Mas in-emphasized lang nun ang napakagandang katawan ni Kuya Jack. Putok na putok pa ang mga biceps at triceps nito. Tapos isama mo pa ang black joggers pants na fit din.

Sobrang bakat na bakat ang malaking kargada nito. Kaya hindi na ako nagulat kung bakit ang karamihan sa amin na nakatingin doon ay napanganga at napa lunok na lang ng laway.

Ilang sandali pa ay bigla na lang nag labas ng tinapay si Marikit mula sa bulsa nito. Saka sinimulan na kainin habang nakatingin ito kay Kuya Jack.

Punyeta. Paanong nag kasya sa bulsa yon? 

“Shuta…! Wala akong kanin na dala. Kaya itong tinapay na lang.  Sorry sa sasabihin ko, Boss. Pero ang sarap ipitin ng burat nya sa tinapay na to at kainin ng buong-buo. My gulay…!” Wika pa nito sa amin ni Samjo. Natatawa na lang kaming pareho rito.

“Tama na ang mahabang lecture, Ms. Esther Margaux. Kailangan pagpawisan na ng mga bata.”  Sabi dito ni Kuya Jack.

Ay punyeta. Ka pangalan pa ng hayop. Baka mamaya maisipan din nitong ilipat ang gym sa Naga.

“Sige na nga. Alam mo naman na your wish is my command J-Jaaaaaack…!” Pinalandi pa ang boses nito at idinuldol ang suso nito palapit kay Kuya Jack.

Sa inis ko ay inagaw ko ang tinapay na hawak ni Marikit at malakas na ibinato ko sa babaeng Naga. Sapul ito sa mukha.

“Aray ko… Shit...! Sino ang bumato nun? Putang ina. Ang s-sakit…!” Sigaw nito. Bumakat tuloy sa noo nito ang korte ng tinapay na binato ko.

Biglang tumahimik ang paligid. Nagsipag titigan ang bawat isa. Walang umamin. Wala rin naman nakapansin kung sino ang may salarin dahil na kay Kuya Jack ang atensyon ng lahat kanina. Nag poker face rin kaming tatlo at nagpanggap na walang alam para hindi kami pag hinalaan.

Nakita kong napangiti si Kuya Jack. Kinindatan pa nga ako nito. Shit!

Alam ba nito na ako ang bumato nun? Punyeta. Mukhang mahuhuli pa ako ng wala sa oras.

“Okay tama na yan. Wag na kayong maglaro. Mag seryoso na. Simulan na ang stretching para makapaglaro na ang lahat.” Basag ni Kuya Jack ng tensyon sa paligid.

“Oh siya, mag simula na tayo. Nakakahiya kay Coach Jack. Magbigay kayo ng isang dipa sa katabi niyo at sa likuran niyo. Para hindi kayo magkatamaan.” Sambit ng babaeng nalimot na ang pagtapon ko ng tinapay dito.

Nanatili lang na nakatayo roon si Kuya Jack at pinanood kami sa ginagawa namin. Sa pwesto ko lang talaga ito nakatingin. Kaya naman nakaisip ako ng kalokohan para asarin ito.

Kakaibang stretching ang ginawa ko. Yung tipong makikita nito ang katambukan ng pwet ko. Tignan ko lang kung makatagal ito.

Akala na naman ni Ms. Esther ay sa kanya na naman nakatingin si Kuya Jack. Kaya todo pose ito at liyad ng suso sa bawat steps na ginagawa nito.

“Fuck!” Nabasa kong inusal ng bibig nito pagkaraan. Tila mas lalo pa ngang bumakat ang kargada nito sa suot nitong jogger pants.

Makalipas ang ilang minuto ay pinagpawisan na ako. Saka kami pinatigil ni Ms. Esther.

“Ano ba ang gagawin natin, Coach Jack? Pahingi naman ng ideya.” Malandi na naman na tanong nito sa bayaw ko.

“Maglaro tayo ng Basketball at Volleyball. Gusto niyo ba yon?” Tanong ni Kuya Jack sa amin.

Hiyawan ang karamihan pero may mga nag reklamo rin. Especially, yung mga healthy people. Like super healthy, as in.

“Bakit kailangan babae lang ang maglalaro ng Volleyball? Tapos lalaki lang din ang pwedeng maglaro sa Basketball. Hindi ba mas maganda kung mag switch muna, Jack.” Singit ng isang lalaki na kasing liit yata ng daga.

Hindi ko sya napansin na nandun pala ito. Kung hindi pa ito tinignan ni Kuya Jack ay hindi ko pa malalaman na may tao sa may gitna nila.

“Magandang ideya nga yan, Sir. Hayaan natin na mag laro ng Volleyball ang lahat ng lalaki ngayon. Para maiba naman.” Sang ayon ni Kuya Jack.

“Mabuti naman at nagustuhan mo ang suhestiyon ko. Pero gusto mo lagyan pa natin ng pustahan ito. Let’s say pipili ako ng team ko na ilalaban sa team na bubuuin mo rin. Mas exciting yon, diba.” Saad pa nito na halata ang inggit sa bayaw ko.

“Teka lang, Sir Francis. Tanungin muna natin ang mga bata kung gusto nila ng suhestiyon mo.” Singit sa usapan ni Ms. Esther.

Mukhang may gusto ito kay Ms. Naga. Pansin na pansin iyon sa mga tingin na ibinibigay nito sa sexy na babae. Kaya lang ay hindi naman siya. Kaya siguro naiinis kay Kuya Jack.

“Bakit natatakot ka ba, Coach Jack? Wala ka pala. Katuwaan lang naman ito. Sigurado ako na gusto rin ito ng mga bata. Para may mapanood din sila. Ano, ayaw mo?” Pang hahamon pa nito.

Akmang magsasalita pa si Ms. Esther ng pigilan ito ni Kuya Jack. 

“Parang kumpiyansa ka na matatalo mo ang mabubuo kong team, ah. Sige okay lang sa akin. Tama ka naman para may mapanood ang mga bata pero ako na ang unang mamimili ng miyembro ng team ko. Pwede ba?” Sagot ni Kuya Jack. Ngiting tagumpay ang binigay ni Francis kay Kuya Jack.

“Walang problema. Ikaw na ang mauna na pumili.” Sagot nito.

“Ayos. Hey, Marco. Tayo ka na dyan. Gusto kitang makita sa team ko.” Sambit ni Kuya Jack.

Napasigaw si Marikit at ang gaga akala mo nanalo sa Miss Universe ang reaksyon. Hinawakan pa kami ni Samjo at sinabihan na ‘better luck next time’. Nag pahid pa nga ito ng imaginary tears nito bago pumunta sa tabi ni Kuya Jack.

“Okay, Next. Samjo.” Pagtawag naman ni Kuya Jack kay Samjo. 

Tumayo rin ito at tumabi sa pwesto ni Marikit. Ibe-beso pa nga sana ito ni Marikit kaya na ambaan tuloy ito ng suntok ni Samjo.

“Ikaw. Sumama ka rito.” Pagtawag ni Kuya Jack. Nakita ko na si Yozack ang tinuro nito.

Nakalimutan ko na first year din nga pala ito.  Tiliian tuloy ang mga tao sa paligid ng tumayo na ito katabi ni Samjo.

“Gosh…! Mr. Pogi ba ang gagawin nila? Puro gwapo ang pinipili ni Coach Jack. Kyaaaaaaaah… Exciting naman ito.” Narinig ko pa na tili ng babae sa likuran ko.

May tinawag pa si Kuya Jack na isang binata. Gwapo rin iyon pero hindi ko kilala. Tumayo rin ito. Muling tumili nga ang mga tao.

Akala ko isa sa mga kambal pa ang tatawagin nito. Kaya lang isa pang binata ang tinawag nito. Gwapo rin iyon at mukhang kilala ang naunang gwapo na tinawag ni Kuya Jack. Nakipag apir kasi ito. Saka sabay silang tumingin sa akin at nginitian ako. 

Napansin ko na nagtatawanan ang kambal sa gilid ko. Punyeta. Ano ang meron? Hindi ko sila maintindihan. Tatanungin ko na sana sila kung ano ang nakakatawa ng tawagin ako ni Kuya Jack.

“Andrei, ikaw na ang pang huli.” Sambit nito. 

Ako talaga ang huling tinawag nito. Syempre kailangan espesyal. Ako ang reyna eh. Saka baka masapak ko ito kapag di niya ako sinali dito.

Lumapit ako sa pwesto nila. Anim na kaming nakahilera roon. Buo na ang team ni Kuya Jack. Palakpakan at tilian ang mga estudyante.

“Ang sasarap ng mga pinili ni Coach Jack. Putaaaaa…! Kyaaaaaaaa… Go Team Jack…!” Sigaw pa ng mga estudyante na karamihan ay babae at binabae.

“Okay na kami, Sir Francis.”Wika ni Kuya Jack.

“Good. Kaya lang mukhang nawala ka sa sarili mo, Coach Jack. Hindi naman ito patimpalak ng pagwapuhan. Volleyball ang laro natin. Malabo talaga ang mata mo. Akalain mo yon, hindi mo man lang pinili itong si Awra. Tsk. Tsk.

Champion to nung highschool ito. Awra, tumayo ka na riyan at sumama sa team ko.” Wika ni Sir Francis.

Tumayo ang lalaki. Mukha itong mataray at palaban. Inismiran pa nga kami nito. Confident na confident. Sabagay kung magaling naman ito ay may karapatan ito na mag taray sa amin.

Pagkatapos ay pumili pa si Sir Francis ng limang lalaki. Pawang matatangkad ang tinawag nito. Akala ko nga ay isa sa kambal ang tatawagin nito. Mabuti na lang at wala akong nakalaban na pamangkin ko.

“Kumpleto na rin ang Team Francis.” Nakangiti na wika nito.

Ilang saglit pa ay umayos na kaming lahat. Ang PE na sana ay kasali ang lahat. Naging tila isang liga na. Nag siupuan ang lahat ng estudyante sa mga upuan at pati mga ibang naroon ay nakiusyoso na sa larong di plinano pero nangyari na nga.

Agad kaming pinulong sa isang gilid ng court ni Kuya Jack. Habang inaayos ang net na pag lalaruan namin.

“Pasensya na kung kayo ang mga napili ko pero unang tingin ko palang kasi sa inyong anim ay alam ko ng may ibubuga kayo. Hindi pwede na magkamali ang mata ko. Well, itong dalawang na ito ay sigurado ako. Hindi ko lang alam sa inyong apat.” Hamon sa amin ni Kuya Jack.

Wala nga palang alam si Kuya Jack na isa ito sa mga paborito naming laruin ng mga anak nito noon sa probinsya. Tiyak na magugulat ito sa amin mamaya.

“May ideya naman na kayo sa sport na lalaruin niyo, tama? Kasi kung wala ay patay tayo nito. Basta, bahala na kayong anim. Galingan niyo. Wag na wag kayong magpapatalo, ah. Kundi sasabihin ko sa mga Prof nyo na ibagsak kayong lahat.” Pananakot pa nito sa amin bago umupo.

Ang gago pinabayaan talaga kami. Magsasalita na sana ako ng biglang mag salita si Yozack.

“Wala rin naman sa isip ko ang mag patalo sa kanila. Kaya kung sino man sa inyo ang hindi marunong ng sport na ito. Mabuti pang wag na lang mag pabigat sa team. Magpanggap na lang kayo na na may alam.” Sambit nito.

Nag tinginan kami nila Marikit at Samjo. Ang yabang ng puta. Sige ikaw na! Hayop ka. Gwapo ka sana. Mayabang lang talaga.

Wala pa nga kaming na sisimulan na game plan ng bigla naman pumito na si Mr. Francis. Sumigaw ito at pinapunta na kami sa may gitna ng court.  May kadayaan na taglay din ito.

“C’mon, guys. Laro lang naman ito. Pampapawis. Kaya wag nyo masyadong seryosohin. Pumunta na kayo sa mga posisyon nyo. Para naman makapag simula na tayo.” Wika pa nito.

Dahil nga sa wala kami sa ayos ay nagkagulo tuloy kami sa loob ng court. Di namin alam ang gagawin. Lahat kaming anim ay nag sipuntahan tuloy malapit sa net. Nagkabungguan pa nga kami ni Yozack na ikinatumba ko.

“Fuck!” Sigaw ko na lang ng mapaupo ako.

Naging dahilan tuloy iyon para mag sitawanan ang mga nanonood. Lalo na ang kalaban naming team. Mas malakas nga ang tawa nila. Nang iirap pa si Awra na kamukha ni Buknoy Glamour.

“Okay ka lang?” Tanong sa akin ng isa sa pogi kong kateam mate. Katabi nito ang isa pang pogi na hindi ko kilala. Tinulungan nila akong tumayo ng maayos.

Nag sorry naman sa akin si Yozack pero hindi man lang ito kumilos kanina para tulungan ako. Punyeta siya.

Ilang saglit pa ay kaming tatlo na lang ng mga kaibigan ko ang pumunta sa back row. Mukha kasing gusto nila sa harapan ng net. Kaya sila na lang ang doon. Kami na ang bahala dito sa likuran.

Nagsitanguan pa nga kaming tatlo. Alam na namin ang gagawin. Ewan ko lang sa tatlong nasa harapan.

Nag toss coin naman na kanina at ang team ni Sir Francis nga ang mag served ng bola. Si Awra ang titira nun.

Tinapon na nito ang bola sa ere. Jump served ang ginawa nito. Sa lakas ng palo nito at bilis na rin. Diretso ito sa may pinaka gilid ni Marikit. Pasok din ito sa guhit. 

“Yes!” Sigaw pa ni Sir Francis. Malakas na hiyawan ang pumuno sa gymnasium.

Mabilis silang nakakuha ng puntos. Kumendeng-kendeng pa nga si Awra at sabay hampas sa pwet nito para asarin kami.

Nag tinginan kaming tatlo bago muling itinuon ang pansin sa laro.

Nag served ulit si Awra. Gaya ng ginawa nito kanina ay tumalon ulit ito ng mataas at pinalo ang bola ng malakas. Sa gilid naman ni Samjo pumunta ang bola. Pasok na naman. Puntos na naman nila.

Naiinis na nga ang mga ka team namin dahil bakit daw ang bagal ng reflexes naming tatlo. Napangiti lang si Samjo.

Tumira muli si Awra at this time sa akin na nya pinapunta ang bola. Muntik na akong matamaan nun sa mukha. Kung hindi lang hinarang ni Marikit ang kamay nya.

“Hahaha. Ang galing mo talaga, Awra…!” Sigaw ni Sir Francis. 

Halata ang tuwa sa mukha nito. Tinaas pa nga nito ng ilang ulit ang kilay nito kay Kuya Jack. Parang sinasabi na ihanda na ang sarili para sa pagkatalo.

 Puntos muli iyon ng kalaban. Nakaka tatlong puntos na sila sa kaka served lang.

Kanina ko pa napapansin na pinupuntirya kaming tatlo nito. Tapos mang aasar. Para bang sinasabi na wala kaming kwenta.

Nag tinginan muli kaming tatlo at this time nag singitian na kami. Tumingin muli ako kay Kuya Jack na kanina pa pala nakatingin sa akin. Wala man lang pag aalala sa mukha nito.

Sinenyasan ko ito na mag time out muna. Sinunod naman ako nito at sumigaw ng timed out.

Kita ko na pinagtatawanan kami ng kabilang team. Umirap pa nga at nginisihan ako ni Awra. Tinignan ko lang sya. Pagkatapos ay lumapit na ako sa pwesto nila Kuya Jack.

Richard, maglalaro lang muna kami. Antayin mo kami at may bakla lang kaming ilalagay sa lugar nya. Mabilis lang to.






No comments:

Post a Comment

Latest Update

TAKSIL - KABANATA 35

"Moaning Star at si Theo Olivarez.”   Richard "Moaning Star?! Moaning Star talaga. Marikit. Punyeta ka anong klaseng lugar ba tong...