Saturday, February 14, 2026

TAKSIL - KABANATA 19


"Spin the bottle."

 

Richard

Tuwang tuwa ako ng araw na yun. First time ko ulit ngumiti at tumawa ng ganoon. Kung ano ano pa ang nilaro namin sa pool. Kaya lang ng may mga sumali ng iba na hindi namin kilala ay nagsipag ayawan na kami.

Parang automatic na umayaw rin ang mga pamangkin ni Andrei lahat ng sabihin nito na hindi na ito sasali. 

Nagutom na rin kasi kami nun. Isabay mo pa na medyo tirik na tirik na ang araw. Kaya sabay sabay na rin kaming umahon lahat upang kumain na. Kasabay ko sa paglalakad si Marikit.

“Shuta..! Nagutom ako ng malla sa nilaro natin. Kaya kakain talaga ako ng marami ngayon. Hindi ako papayag na hindi ko makain ang lahat ng putahe na nasa function room na yan.“ Desididong sambit sa akin ni Marikit.

Natawa na lang ako sa sinabi nito. Nagtataka talaga ako kung saan nito nilalagay ang pagkain na kinakain nito.

Napaka takaw kaya niyan ni Marikit. Madalas kung makita ito na may nginangata sa lahat ng oras. Puro nga pagkain ang laman ng bag nito. Samantalang fit na fit naman ang pangangatawan nito.

Mataas lang ba talaga ang metabolism nito kaya hindi ito tabain. Nakakainggit naman kung gayon. 


Pag pasok namin sa loob ay bumungad agad sa amin ang napakaraming pagkain. Hindi lang maganda ang Resort na ito. May buffet style rin na kainan sa loob. Sobrang mahal siguro talaga dito.

“Wow. This is heaven. Shuta. Kailangan ko ng mag simulang kumain para makarami ako. Tabeeeeee… dadaaan ang dyosa.” Sigaw nito.

Ito ang unang unang kumuha ng plato. Dalawang plato nga ang inilagay nito sa tray na hawak nito. Sinundan ko na lamang ito at kumuha na rin ako ng plato. 

Kasunod ko sila Andrei kasama ang mga pamangkin nito. Lumapit din sa akin si Christof. Siguro tinatantya kung galit pa din ba ako sa kanya o hindi.

Hindi ko kasi pinapansin ito. Iniiwasan ko rin na tumingin. Hindi pa rin ako maka move on sa sinabi nitong GAME lang ang naging halikan namin kanina.

Wala naman kami kung makaarte ako. Daig pa ang may relasyon. Naiinis din ako sa sarili ko. Ako pa nga ang may sabi noon na bawal magkagusto sa kanila dahil may unfinished business pa ako. 

Ngunit ngayon kung maka pag inaso ako. Akala mo may puke. Asar.

Sumandok na ako ng egg rice. Kinontian ko lang dahil diet nga ako. Hindi ako katulad ni Marikit na may tangke sa tiyan. Pagkatapos ay kumuha ako ng ilang Buttered Shrimp. California Maki. Fried Chicken. 

Tapos tumigil ako sa may Ginisang Corned Beef. Naalala ko si Emmet sa ulam na ito. Madalas ay ito ang iluto ko sa kanya. Hanggang ngayon naman ay paborito pa rin niya ito. May mga bagay talaga na mag papaalala na lang sayo bigla. 

Sumandok rin ako nun. At pagkatapos ay umupo na kung saan naroon sila Andrei. 

Umupo ako sa tabi ni Marikit na katabi naman si Samjo, na nasa tabi naman nito ay si Abraham. Bakante naman ang dalawang upuan na malapit rito.

Ilang saglit pa ay umupo na satabi ko si Christof. Ang katapat naman sa  upuan ay si Blue na katabi ni Tristan. Sunod si Andrei, si Newt, si Klein at si Yozack. Bakante rin ang isang upuan sa kanan nito. 

Habang abala ang lahat sa pagkain at nagkwekwentuhan ay bigla na lang may umupo sa tatlo na bakanteng upuan na nasa tabi nila Abraham at Yozack.

“Hi, pwede ba kaming umupo rito.” Sambit ng isang lalaki na naka polong puti.

Kasama pa nito ang dalawa pa nitong kaibigan, na pawang mga lalaki rin. Teka, hindi pala ako sure kung lalaki sila. Medyo feminine kasi sila kung kumilos.

Although, malaki naman ang katawan nila ay may pagka magaslaw lang sila kumilos at magsalita. Wala naman kaso iyon, kung ganun sila. Kagaya lang din naman sila ni Marikit. Kaya walang problema.

“Wala na kasing bakanteng upuan pa.” Sagot pa ng isa na naka muscle tee na kulay neon pink.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko na marami pang bakanteng upuan. Sinungaling ang puta. In the end ay si Andrei ang tinignan ko. Kami palang lahat.

“Sure. Nakaupo naman na kayo. Wala na kaming magagawa pa.” Sagot lang ni Andrei sa mga ito. Ngumiti lang din ang mga ito sa amin.

Nag tuloy tuloy muli ang kwentuhan at hindi naman namin sila pina pakialaman habang kumakain sila. Ilang sandali lang ay napasigaw na lang si Abraham. Kaya naman napatingin kami ritong lahat. 

“Bakit?” Tanong ni Andrei rito. Umiling iling lang ito at pagkatapos ay nag tuloy na muli sa pagkain.

Nagkatinginan naman ang tatlong lalaki at ngumiti ng palihim. Nahuli ko silang tatlo dahil sa kanila ako tumingin, pagkatapos kong tumingin kay Abraham kanina.

“Marikit, mukhang may ginagawa silang hindi maganda kay Abraham.” Bulong ko sa katabi kong si Marikit.

“Wag kang mag alala. Naka alerto na rin si Boss Andrei. Umakto ka lang na hindi mo napansin.” Mahinang sagot nito sa akin sabay subo ng kinakain nitong sushi.

“By the way, ako nga pala si Kim. Captain ng Volleyball team. Fourth Year. BSA. Sila naman si Brad at Wally mga classmate at teammates ko rin. Pasensya na kung sisingit kami sa pag uusap niyo.

Pwede ba namin kayong maimbitahan mamaya sa inuman sa silid namin. Marami kaming biniling alak. Hindi kasi namin kayang ubusin iyon. Tiyak na mag eenjoy kayo dun, Boys.” Pag anyaya ng nagpakilala Kim sa amin.

Nagkatinginan ulit ang mga pamangkin ni Andrei. Hindi malaman kung ano ang isasagot sa imbitasyon ni Kim. Kaya ako na lamang ang sumagot sa kanila. Nababastusan kasi ako.

“Sorry, may inuman na kasi kami mamaya. Yung iba na lang ang imbitahan niyo. Sigurado akong marami ang sasama sa inyo.” Magalang na pag tanggi ko rito.

“Ahmhmm.. Sorry ah. Kaya lang hindi naman ikaw ang inimbitahan namin. Sila lang walo. Hindi kayo kasama na tatlo.” Singit sa usapan ni Wally. Sabay turo sa amin nila Andrei at Marikit. Ito yung naka neon pink na muscle tee.

“Tama. Ayaw naming malason. Alam naman na mga halamang dagat kayong tatlo. Kaya, sorry hindi kayo invited.” Sang ayon naman ni Brad na nakaupo sa tabi ni Abraham.

“Okay lang. Hindi rin naman kami sasama. Ewan ko lang sa kanila kung sasama sila. Sasama ba kayo?” Inosenteng tanong ni Andrei sa mga pamangkin nito. Kasama na si Christof at Yozack.

Sabay sabay na umiling ang mga ito. Hindi na nga rin ako nagulat na ganun ang isinagot ng mga ito. Imposible na mapasama mo ang mga iyan. 

Kung si Brandon at Thomas. Baka pa. Pero yung matitinong iyan. Hindi talaga. Kaya magsilayas na kayo rito. Habang kalamado pa si Andrei.

“Ganun. Aww. Sayang naman. May inihanda pa naman kaming sorpresa sa inyo na siguradong ikasisiya ninyo. ” Wika ni Kim.

Pinalandi nito ang boses nito at hinimas himas ang mga braso ni Yozack. 

“Habang maaga pa. Kung ako sa inyo ay aalisin ko na ang mga kamay niyo kay Yozack at kay Abraham. Pakiusap, Wag niyo ng hintayin na mabali pa ang mga kamay niyo. Utang na loob. Baka hindi na kayo makahawak pa ng bola.” Malumanay na pag kakasabi ni Andrei sa mga ito. 

Napatingin tuloy si Abraham sa pwesto ni Andrei. Sabi na, eh. Kanina pa hinahalay ang batang ito. Hindi lang pumapalag. Bakit kaya? Nagustuhan ba nito iyon?

“Hahaha. Eh, kung ayaw namin. May magagawa ka ba?” Nakangiting hamon pa ni Kim kay Andrei. Natawa naman ang dalawang kasama nito na si Brad at Wally.

“Oh No.. Oh No.. Oh No, No, No, No, No, No. Oh No.. Oh No.. Oh No, No, No, No, No, No.” Kanta ni Marikit.

Kinindatan ako ni Andrei bago ito tumayo. Tumayo rin ako kasabay ito at dahan dahan kaming nag lakad. Ako papalapit sa pwesto ni Abraham, habang si Andrei ay kay Yozack.

“Eto ang magagawa ko.” Sambit ni Andrei sabay ngudngod sa pag mumukha ni Kim sa plato nitong may laman ng pagkain. Ginaya ko lang si Andrei at hinawakan ko rin sa ulo si Brad at inginudngod ko rin ang pagmumukha nito sa sarili nitong plato.

Pilit pumapalag at gustong kumawala ni Brad sa pagngudngod ko pero hindi ito makawala sa higpit ng pag diin ko.

“Mga putang inang niyo.. Bitawan niyo sila.. Isa.. dalawa.. Tatlo..! Fuck. Ayaw nyo talaga.. Tang ina niyo..!” Sigaw ni Wally at akmang susugurin si Andrei para tulungan si Kim.

“Wag mo ng subukan pa, boy. Mapapahamak ka lang. Kasalanan naman nila, di ba. Binalaan sila kanina pero hindi sila nakinig.” Babala ni Marikit na nakatayo na pala at nasa likuran na rin ni Wally.

Napatigil sa pagkilos si  Wally at tiningnan na lamang ang dalawang kaibigan nito kung paano namin sila nginudngod ni Andrei. Ginagaya ko lang ang bawat kilos ni Andrei. Kaya ng iniangat na nito ang mukha ni Kim ay siyang pag angat ko na rin ng mukha ni Brad.

Punong puno ng kanin at sarsa ang kabuuan ng mukha ni Kim ng makita ko. Maging si Brad ay ganun rin.

“Gusto mo pang malaman ang iba kong kayang gawin?” Tanong ni Andrei kay Kim. Mabilis itong umiling.

“Hindi na po.. S-Sorry. Hindi na mauulit.” Tugon ni Kim kay Andrei. Halatang natakot ito sa ginawa dito.

“Makita ko pa kayong lumapit lapit sa isa man sa mga lalaking narito sa lamesang ito. Babaliin ko talaga ang mga kamay niyo. Hala..! Lumayas na kayo rito. Hanggat kaya ko pang mag timpi.” Dagdag pang paalala ni Andrei sa kanila.

Mabilis na nag sitayuan ang mga ito at umalis na ng function hall na iyon. Saka kami bumalik sa pwesto namin tatlo.

“Kaya ayokong iniinis itong si Tito Andrei, eh. Nakakatakot magalit. Parang si Mommy lang. Lodi.” Sambit ni Blue na ikinatawa lang ng mga pinsan nito.

“Kayo nga, wag nga kayong papayag na hinahawakan at hinihipuan kayo ng basta basta. Not unless kung gustong gusto niyo ang ginagawa sa inyo.” Wika ni Andrei sa mga ito.

“Kaya naman namin protektahan ang sarili namin, Tito. Hindi ba guys.. Kaya lang iba yung pakiramdam kapag pinoprotektahan mo kami. Ang sarap lang. Hahaha. Ramdam na ramdam namin ang halaga namin.” Sambit ni Tristan.

“Putangina, mukhang iiyak ka pa yata pinsan. Hahaha. I agree, Tito. Saka pag kami ang pumatol sa kanila ay kawawa naman sila. Baka ma bash pa kami na bayolente. Kaya ikaw na lang, para mas cool. Hahaha.” Sang ayon naman ni Newt. Sinang ayunan rin ito ng lahat ng nakaupo roon.

“Ewan ko sa inyo.” Singhal ni Andrei sa mga ito. Pero halata naman sa mukha nito na pinagtatakpan lang nito ang tuwa na nadarama. Kitang kita iyon sa pamumula ng pisngi nito.

“Ang sama rin naman kasi nila. Bakit kaya ayaw kayong isama na tatlo? Sasama na sana kami kung kasama kayo, eh.” Sambit ni Blue.

“Gago. Maka kami ka. Hindi ako sasama. Baka ikaw lang ang may gusto. Nakarinig ka lang ng sorpresa na sinasabi nila, eh. Hahaha.” Reklamong sabi naman ni Klein na sinang ayunan pa ng iba.

“Hahaha. Biro lang Tito Andrei. Si Kuya Newt talaga ang may nais na sumama. Pakipot lang yan.” Panunuro pa ni Blue kay Newt. Binato lang ito ng tissue sa mukha ni Newt.

“Pero seryoso, bakit ayaw kaya nila kayo isama? Ang saya niyo kaya kasama. Hindi ba nila alam iyon.” Dagdag pa nito.

“Ano pa ba sa tingin mo. Gusto nila kayong katasan. Sairin ang sisidlan niyo ng katas.” Sagot ni Marikit na patuloy pa rin nakain matapos makaupo nito. Pagkain is life talaga kay Marikit.

Tila hindi naman maintindihan ni Blue ang sinabi ni Marikit. 

“Chupain. Ubusin ang tamod niyo. Ba yan siya. Slow.” Wika ulit ni Marikit na ikinatawa namin lahat.

Tinapos na lamang namin ang pagkain namin lahat. Nag pababa lang saglit ng mga kinain. Nang hindi na tirik ang araw at hindi na masyadong mainit ay muli na kaming nag swimming lahat.

Ang saya saya ko lang nung araw na iyon. Akala ko nga dun na magtatapos ang kasiyahan na nadarama ko.

Umpisa lang pala yun, dahil nung gabi iyon, ay niyaya naman ako ni Marikit papunta sa lugar kung saan ang kwarto nila Tristan. Medyo malaki kasi ang nakalaan sa kanila, dahil ang disenyo ng kwarto nila ay pang sampuan ang pwedeng matulog.

Nagulat pa nga ako ng pag bukas ko ng pintuan ay kami na lang ni Marikit ang hinihintay. 

Kumpleto ang pamangkin ni Andrei na nakasama sa outing ang naroon. Narito si Tristan, Newt, Klein, Abra at Blue. Kasama din si Yozack. Maging si Christof at Pietro ay narito na, kaya gulat na gulat ako.

Pumaupo na kami ni Marikit at lumapit ako kay Christof at Pietro. Sa gitna nila ako mismo umupo. Paikot ang pwesto namin na nakaupo sa lapag ng kwarto.

Mula sa pwesto ko, nasa kanan ko si Christof. Katabi nito si Samjo na katabi naman si Klein, tapos si Marikit at si Abra, na sinundan naman ni Newt na katabi ni Andrei, tapos si Tristan. Next nito si Blue tapos si Yozack at si Pietro na nasa kaliwa ko naman.

“Bakit nandito ka?” Tanong ko kaagad ng makaupo ako sa tabi nito.

“Luh. Parang ayaw mo naman na nandito ako. Sawa na ako sa pag asikaso kay Endrick. Hayaan mo naman na sumaya ako, Richie boy sa bakasyon na ito.” Stress na sabi nito sa akin.

Nakalimutan ko tuloy na naiinis ako sa kanila ni Christof. Ngumiti  na lamang ako rito. Sa kabila ng pagiging kabado ko. Lalo na ng makita ko na naman ang mga makahulugan pag ngisi ni Marikit sa amin. Tiyak na may baon na naman itong kalokohan sa amin.

“Pasalamat ka, Pare. Wala rito si Rain.” Nakangiting sabi ni Blue.

Sino naman iyon at bakit naman nito sinabi na pasalamat si Pietro na wala ang taong sinabi nito. Napatingin na lang sa lalaking katabi ko. Nagtatanong ang mga mata ko rito pero ngumiti lang ito habang nag kakamot sa batok.

Nawala na lang ang atensyon ko rito dahil pumalakpak na si Marikit para makuha nito ang atensyon namin lahat.

"So, alam nyo na kapag ganito. Spin the bottle tayo. Para naman mas masarap ang inuman. I'm so excited. Shit..! Kailangan pa bang sabihin ang mechanics sa inyo?" Tanong ni Marikit. Halata nga sa pag mumukha nito kung gaano ito kasaya.

Nag sitanguan kami nila Christof at Pietro. Syempre ayaw na namin maulit ang ginawa nito sa bahay ni Samjo. Akala namin simpleng truth or consequence lang, hindi pala.

Iba na ang sigurado para safe. Jusmio. Ayoko ng mahiya muli sa dalawang ito. Ayoko ng maulit pa iyon.

"Okay, madali lang naman ito. Pag natapat sayo tong bote, pipili ka muna kung TRUTH or DARE. Kapag TRUTH ang pinili mo, ikaw ang pipili ng tatlong tao na mag ta-tanong sayo. 

Uulitin ko. Tatlong tao na mag ta-tanong sayo. Kailangan lahat ng itanong ng tatlong tao na yun ay sasagutin mo ng katotohanan at walang halong kasinungalingan. Yun ay pag TRUTH ang pinili mo. Ang hassle diba. Hahaha. 

Pero kapag DARE naman ang pinili mo. Dito na papasok ang dalawang box na inihanda ko." Ngisi ni Marikit at ipinakita nito sa amin ang dalawang box na kulay pula at itim.

“Punyeta. Kulay pa lang nakakatakot na. Ano naman kayang kalokohan ang naisip mo diyan?” Tanong ni Andrei rito. Hindi ito pinansin ni Marikit at patuloy lamang na nag paliwanag.

"Sa Itim na box na ito. Dito mo bubunutin ang mga DARE na gagawin mo. Halo halo ang challenge dito. May madali lang, may mahirap at may pinaka mahirap. Ang kailangan mo lang gawin ay sundin ang nasa papel na mabubunot mo. Naiintindihan ba?" Paliwanag pa nito.

"Paano kapag hindi nagawa yung DARE?" Tanong ni Yozack dito.

"Magandang tanong yan, Pogi. Kapag hindi nagawa ang DARE, sasapakin ng three thousand o kaya pipitikin ang itlog ng isang daan beses. Kaya wala kayong choice kung hindi gawin ang Dare. Kaya wag kayong duwag. Bulbulin na kayo kaya wag KJ.

Kaya nga rin mag isip muna kayo ng mabuti, kung ano ang pipiliin nyo. Entiendes. Ano may tanong pa?" Tanong pa muli ni Marikit.

"Yung pulang box hindi mo pa naipapaliwanag?" Tanong ni Blue dito.

"Ay oo nga pala. Dito naman nakalagay ang mga pangalan natin lahat. Kung saan sa kanya mo gagawin ang DARE na mabubunot mo dito sa itim na box. For example, natapat kay Pietro ang bote at nag Dare sya. Bubunot sya dito sa itim na box kung ano ang dare na gagawin niya.

at ang nabunot nya halimbawa ay, HUBARAN MO ANG LAHAT NG DAMIT NG TAONG MABUBUNOT MO. Yun yung DARE. Pagkataposay  bubunot naman sya dito ng pangalan na huhubaran nya. Dito nga yun sa PULANG box.

Pero ang twist dun. Hindi nya sasabihin kung sino ang nabunot nya. 

Siya lang ang makakaalam nun. Basta gagawin nya na lang bigla. Tapos pag nagawa niya na ang DARE sa kung sino man na tao na nabunot niya. 

May chance tayo na mahulaan kung sino yun. Pipili siya ng isang tao na maaring humula kung sino ang nagawan niya ng DARE. Kapag hindi nahulaan ng taong napili niya kung sino iyon ay hindi natin malalaman. Ang sad.

Pero pag nahulaan niya naman ng tama ay irereveal niya iyon. Saka nya lang ipapakita yung pangalan ng nabunot nya, para walang dayaan. Diba kakaiba, pero exciting. Gosh ang talino ko talaga. Ano may tanong pa? Nang makapag start na tayo" Sabi pa ni Marikit.

Tumango lang kaming lahat. At naunawaan ang paliwanag nito. Mukhang game naman ang lahat kaya naman inilapag na ni Marikit sa gitna ang boteng walang laman at iniikot na nito iyon ng malakas.

Tahimik ang lahat habang umiikot at nakatutok ang mga mata sa bote. Unti unti itong humina ng ikot hanggang sa tumigil ito sa tapat mismo ni Andrei.

"Punyeta!" Sabi nito na ikinatawa namin. Nakahinga naman ako ng maluwag sa nangyari.

"Paano ba yan, Boss ikaw ang una. Ang Tanong..! Nong, nong, nong nong...! Truth or Dare? Nakakahiya naman siguro kung mag tu truth ka, Boss. Parang alam naman na namin ang lahat lahat sayo. Kaya kung ako sayo ay mag de DARE na lang ako." Tanong ni Marikit dito ng nakangiti. 

Napunta ang lahat ng mata kay Andrei. Hinihintay ang isasagot nito sa tanong ni Marikit.

"Nagtanong ka pa kung truth or dare, punyeta ka. Sige na nga, Dare..!" Malakas na sabi nito. Pumapalakpak pa ang mga pamangkin nito ng sumagot ito ng Dare. Ngumiti naman si Marikit.

Tumayo si Andrei at lumapit na kay Marikit. Bumunot na ito ng magiging DARE nito sa ITIM na BOX. Pagkatapos ay binasa yun ni Marikit ng malakas ng natatawa.

"LAPLAPIN MO ANG TAONG MABUBUNOT MO NG 60 SECONDS. Gosh…! Ang saya nito. Hahaha. Gusto mo ako na lang Boss ang gumawa? Pwede akong mag volunteer?" Suhestiyon ni Marikit rito. Tawanan ang lahat ng marinig ang gagawin ni Andrei.

Hindi naman sineryoso ni Andrei ang sinabi ni Marikit at bumunot na lamang ng pangalan sa Pulang Box. Nahulog pa nga ang papel na nabunot nito.

Hindi ko alam pero parang naexcite ang lahat sa mangyayari. Kahit ako excited eh. Ang hot lang kasi. Imagine hindi mo makikita kung sino ang lalaplapin nito. 

Dahan dahan pang binuklat ni Andrei ang papel at ng makita nito ang nandoon ay napapikit na lamang ito.

"Ano na, Boss. Kilala mo na kung sino ang lalaplapin mo ng 60 Seconds?” Tanong ni Marikit ng nakangisi. 

Tumango si Andrei sa tanong nito. Napalunok pa nga ito. Habang hawak hawak ng mabuti ang papel. Hindi malaman kung gagawin ba ang DARE dito. Mukhang nag dadalawang isip kasi ito.

“Kailangan tandaan mo kung sino yun at kung saan siya nakapwesto, ha?" Sabi ni Marikit dito. Na ikinanoot noo namin.

"Bakit kailangan tandaan ko pa, eh kilala ko naman sya. Saka makikita niyo rin naman ang gagawin namin?" Tanong ni Andrei dito. Ngumisi lang si Marikit at inilabas ang maraming sleep mask.


"Dahil ito pa ang twist ng laro. Maglalagay kaming lahat nito at tatalikod pa. Kaya hindi namin makikita kung sino ang lalaplapin mo. Kaya kayong dalawa lang ng makaka halikan mo ang makakaalam muna ng gagawin nyo. Para mas exciting. At iwas hiya na din, di ba maganda. ANG GALING ko talaga mag isip ng laro. Shuta." Puri ni Marikit  sa sarili nito.

Napangiti si Andrei sa sinabi nito. Mas lalo lang tuloy naging hot ang eksena sa sinabi nito. Nakakawindang man iyon pero nakakadagdag ng antisipasyon. Lalo na’t wala kaming ideya kung sino ang hahalikan nito. Fuck. 

Isa isa ng inabot ni Marikit ang mga sleep mask sa amin. Maging ito ay mag susuot rin ng mask kaya patas talaga ang magiging laro.

"Handa ka na, Boss? Oh, sabay-sabay tayong magtatakip ng mata guys, ah. Walang madaya. At sabay sabay rin tayo mag bibilang. Alam niyo naman siguro kung paano mag bilang, ano po? Sumigaw ka lang din Boss ng GAME NA..! Para makapag simula na kaming mag bilang.“Sabi ni Marikit at tumango lang si Andrei.

Ilang paalala pa sa amin ni Marikit at sabay-sabay na kaming nag lagay ng mask. Pagkatapos ay tumalikod pa kami. Para talagang wala kaming makikita.

Kung sino man ang nabunot ni Andrei ay hihilahin na lang nito iyon papunta sa gitna at doon sila mag lalaplapan. Iyon ang sabi ni Marikit sa amin. Kaya naman nasabik tuloy ako sa laro.

Maya-maya pa ay nararamdaman ko na naglalakad na si Andrei at ilang saglit pa ay sumigaw na ito ng GAME. Doon na kami nag simula mag bilang.

“One thousand One.. One thousand Two.. One thousand Three.” Sabay sabay na bigkas namin lahat. 

Wala kaming ideya kung sino man ang nakalaplapan nito. Pero naririnig ko ang mga tunog ng paglalaplapan. Shit. Ang hot nun. Parang gusto ko tuloy hilahin ang pagkakapiring sa mata ko at silipin sila. Sino kaya ang kahalikan ni Andrei. Pota.

Gosh..! Hindi ko alam pero parang mas exciting nga itong naisip na laro ni Marikit. Excited tuloy ako malaman kung sino ang nilalaplap ni Andrei ng malala.

Rinig na rinig namin ang tunog ng pag hahalikan ng mga ito. Sa kabila ng pagbibilang namin. Nakakalibog sya sa totoo lang. Imbes na kabahan ako ay natuwa pa ako sa nangyayari.

“One thousand Fifty Eight. One thousand Fifty Nine. One thousand Sixty..” Sabay sabay na wika namin. At hudyat na pagtatapos na rin ng laplapan nila Andrei.

“Bibigyan pa kita ng limang segundo, Boss para makabalik na kayo sa pwesto niyong dalawa. 

5..... 

4.... 

3... 

2.. 

1. Times up na, Boss. Nakabalik ka naman na siguro sa pwesto mo at ang nakalaplapan mo." Wika ni Marikit. 

Nang maalis ko na ang piring sa mata ko at pumaharap na muli kami. Ang una ko kaagad na tinignan ay ang pwesto ni Andrei at halata sa mukha nito ang pamumula niyon.

"Hmhmhmhm.. Sino kaya ang hinalikan ni Boss. Correction, hindi pala hinalikan. Nilaplap. Nilaplap ng malala. So, Pili ka na Boss ng huhula. Kapag nagkamali siya ng hula, pwede mong hindi ireveal ang hinalikan mo. Pero pag tumama siya ay wala kang choice, kundi ang ipakita sa amin ang papel na nabunot mo. So pili na." Excited na sambit ni Marikit rito.

"Punyeta. Bakit kasi kailangan pang ireveal, eh. Pwede bang sa amin na lang iyon. Wala ng reveal reveal pa.” Reklamo ni Andrei.

"Hindi na masaya kapag ganun. Sumunod ka na lang Boss. Wag kang KJ. Wala naman nagrereklamo, eh. Hindi ba, guys." Sagot ni Marikit dito.

Sumanga ayon naman ang lahat sa sinabi  ni Marikit. Pansin kong nakasimangot si Tristan ng mapatingin ako rito.

Madaya talaga to kahit kailan, ganyan din ang ginawa niya sa amin, nung kila Samjo. Nahihiya pa rin talaga ako pag naaalala ko yung game na yun. Nakakahiya talaga

Isa isa kong tiningnan ang mga naroon. Inaalam kung sino ba ang nakahalikan nito. Lahat ay maaaring maging salarin pero nahihirapan ako tukuyin kung sino sa kanila.

Tinignan ko si Blue na nakangisi. Sumunod si Klein na natatawa naman. Habang seryoso naman ang mukha ni Newt at Tristan. Lahat sila ay pwedeng nakahalikan ni Andrei. Ang hirap. Shit.

Oh di kaya isa kila Christof at Pietro. Fuck. Ang hot siguro nun kung nakita ko lamang.

"Punyeta talaga. Sige si Yozack,  ang gusto kong humula." Sagot ni Andrei. Habang tinitignan nito ang lalaking madalas nitong kabangayan.

Lahat naman kami ay napatingin sa gawi nito. Hinihintay ang isasagot nito. Hindi ito sumasagot. Tinitignan lang nito si Andrei ng mariin.

“Ako. Ako ang kahalikan ni Andrei kanina.” Sagot ni Yozack na kinagulat naming lahat. Maging si Andrei napanganga sa sinabi nito.

Hindi nito siguro inaasahan na mag sasalita si Yozack ng ganoon. Maganda ang strategy nito actually kaya lang mismong si Yozack ang nag laglag dito.

Lumapit si Marikit kay Andrei at kinuha ang papel na bununot nito at binasa iyon ng malakas.

"Pota si Yozack nga! Hahahahaha" sabi ni Marikit natatawa.

"Punyeta ka." Namumula na sabi ni Andrei. Nag tawanan naman ang lahat sa nangyari. Si Tristan lang medyo nakasimangot ng makita ko.

“Dahil dyan, ito na ang pinaka twist ng larong ito. Uulitin niyo ang ginawa niyo kanina sa gitna ng nakaharap na kami sa inyo at walang piring sa mata. Oh, laplapan na.” Anunsyo ni Marikit.

“Hah? Punyeta ka, Marikit. Wala sa usapan iyan. Bibigwasan talaga kita. Punyeta..” Singhal rito ni Andrei. 

Tumayo pa nga ito at akmang sasakaling si Marikit. Iniharang naman nito ang katawan ni Yozack. Kaya hindi nito masakal sakal si Marikit.

“Eh, ganun talaga. Ako ang Game Master. Kaya wala kayong magagawa.” Palusot pa nito.

“Umalis ka nga diyan. Bakit kasi nakaharang ka diyan?” Sambit ni Andrei kay Yozack. Iiwas na sana ito ng kapitan ito lalo ni Marikit.

“Wag na muna natin iapply ang twist na yun, Marco. Sa susunod na ikot na lang ng bote.” Singit ni Tristan. Tumingin ang lahat dito.

Seryoso ang mukha nito. Kaya naman sumang ayon nalang din si Marikit. 

“Oh, siya na. Hindi na. Sa next na lang na matatapatan ng bote. At Least alam niyo na ngayon. Iikot muna ang bote, Boss. Sabik na akong may machupa este may malaplap.” Tugon na lang ni Marikit rito. 

Inambaan pa nito ng sapak si Marikit. Bumalik na muna sa pwesto si Marikit bago inikot muli ni Andrei ang bote. Mas malakas iyon

“Punyeta ka. Isang dagdag mo pa ng mga twist sa laro. Ikaw na ang papaikutin ko rito. Sinasabi ko talaga sayo..” Babala pa ni Andrei rito. Nang makabalik na ito sa pwesto nito.

Matagal tuloy pumaikot ang bote sa lakas ng pag ikot ni Andrei. Lahat ay pigil pigil ang hininga at nakatuon lamang sa boteng umiikot ang atensyon.

Alam ng lahat na mas pinalalang version ito ng laro namin kanina sa swimming pool. Kaya naman lahat ay hinihiling na wag matapatan ng boteng iyon.

Unti unting bumagal ang pag ikot ng bote. Nakailang ikot pa iyon bago iyon tumapat sa akin. Tutok na tutok sa akin. Kaya naman wala akong lusot na sa akin talaga  tumapat. Putang ina.

“Paano ba yan, Senpai. Ikaw ang ikalawang biktima este ikaw ang ikalawang natapatan. Truth or Dare?” Tanong ni Marikit nakakakaba. Napalunok na lang ako ng laway. Di mawari kung excited ba ako o kinakabahan. 

“Dare.” Sambit ko rito na ikinapalakpak nito. 

“Ang tatapang ng mga manlalaro. Yan ang gusto ko sa inyo. Halika na rito at bumunot ka na ng DARE mo, Senpai. Siguradong magiging masaya ito. Hahaha.” Tumatawa pang sambit nito.

“Paanong magsasabi ng Truth kung ipapamukha mo sa amin na dapat Dare ang piliin. Punyeta ka talaga. Sana hindi na lang Truth or Dare ang tinatanong mo. Dare or Dare na lang. Pinapili mo pa kaming hinayupak ka.” Komento pa ni Andrei na ikinatawa lang ni Marikit. Hindi talaga ito natatakot kay Andrei.

Tumayo na ako sa pwesto ko at nilapitan ito. Bumunot na ako sa itim na box ng papel at inabot agad rito. Napangiti muna ito ng nakakaloko bago binigkas ng malakas ang dapat kong gawin.

"Sipsipin mo ang dalawang utong ng mabubunot mo, in 5 minutes. Oh, Shit. Masaya ito. Hahaha. 

Bunutin mo na ang sipsipsipin mo, Senpai. Sino kaya sa amin iyon.?” Natatawa pang sabi nito sa akin.

Bumunot na ako ng gagawan ko ng Dare sa pulang box. Hindi ko alam pero hinihiling ko na sana ay isa na lang sana kila Christof o Pietro. At Least sila ay close ko naman. Baka kasi kung iba ay baka mahiya ako ng malala.

Nang makakuha na ako ng papel ay dahan dahan ko iyong binuklat.  Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ko, ang pangalan ng taong nabunot ko. Putang ina. Walang iba kundi si TRISTAN.

Pinigilan kong mapatingin rito para hindi nila malaman ang gagawin ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko nga lang sigurado kung kinakabahan ba ako dahil sisipsipin ko ang utong ni Tristan o nalilibugan ako. 

Mukhang pareho kong nararamdaman iyon. Tang ina. Si Tristan na itong pinag uusapan natin. Ibang level siya. Kumbaga siya ang pinaka masarap sa lahat ng pamangkin ni Andrei. Opinyon ko yun.

“Ano, Senpai. Handa ka na bang sumipsip? Hahaha.” Tanong ni Marikit sa akin. Tumango ako rito.

Naglakad na ako sa pinaka gitna. Habang isa isa ng dinampot ng mga manlalaro ang sleep mask nila upang ipiring sa mga mata ng nito ng sabay sabay.

“Alam mo na ang gagawin mo, Senpai. Hihilahin mo siya diyan sa gitna. Ikaw na ang bahala kung paanong sipsip ang gagawin mo. Hindi na rin kami nagbibilang. Since 5 minutes yun. Masyadong mahaba. Sinet ko na lang ang alarm ng cellphone ko. 

Tutunog ito ng malakas dahil naka konek naman ito sa speaker. Oh, sabay sabay na natin isuot ang mga piring natin. In 3.. 2.. 1. Go..!” sambit ni Marikit sabay lagay ng piring sa mata nito.

Nang lahat ay may mga piring na ay tumalikod naman ang mga ito ng upo. Gaya ng ginawa ko kanina. Huminga muna ako ng malalim bago ako nag lakad ng dahan dahan at hinawakan sa balikat si Tristan.

Tinanggal ang piring nito at dahan dahan itong umalis sa pwesto nito. Dinala ko ito sa gitna ng hindi kami lumilikha ng ingay. Tinignan ko ito sa mukha at bigla na lang namawis ang palad ko. 

Putang ina. Ang gwapo ni Tristan. Napayuko na lang ako kasi nakatitig rin ito sa akin. Hindi ko matagalan ang tingin nito.

Kinalabit naman ako nito at sinenyas ang oras. Binulungan ako nito sa tenga. Nag sitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng maramdaman ko ang init ng hininga nito. Putang ina talaga.

“Umaandar ang oras, Richard. It’s okay. Part lang naman ito ng game. Kung gusto mo ay wag na lang natin gawin” Bulong nito sa akin. Mabilis na umiling ako na ikinangiti nito. 

Minsan lang ito mangyayari sa buhay ko. Kaya hindi ako papayag na hindi ko man lang malasap si Tristan. Kahit ang utong man lang nito, diba. 

HOLY COW..!

Yun na lang ang naisatinig ko ng iangat na nito ang itim na sando nito at tumambad na sa akin ang katawan nito. 

Naglalaway ako ng malala. Alam niyo yung pakiramdam na makakita ka ng mangga tas nangangasim ka.

Ganun na ganun ang dami ng laway na nalunok ko. Puta. Utong palang ang saraop na. Samahan mo pa ng pumuputok nitong abs. Shit..! Napakasarap po talaga. Susko. Nasilayan ko pa ang Ang kinis pa ng lalaking ito. Wala na. May nananalo na. Siya na talaga.

Muli itong sumenyas sa akin at itinuro ang cellphone ni Marikit. Kaya naman hindi na ako nag atubili pa. Nilapitan ko na ito. At dinama muna ng kamay ko ang matigas at matambok nitong dibdib. 

Putang ina. OA na kung OA. Shit. Iba talaga ang katawan ni Tristan. Nakakalibog. Yumuko na ako ng konti at una kong pinuntirya ang kanan utong nito. 

Sa simula ay dinila dilaan ko lang iyon. Nang di mag laon ay sinipsip ko na. Napaka bango ng katawan ni Tristan. Amoy baby powder. Shit. Nahihirapan ako sa posisyon namin kaya humawak ako sa matitigas na braso nito para hindi ako mangawit.

Tinuon ko ang pansin ko sa pag sipsip ng utong nito. Buong husay kong ginalingan ang pag dede roon. Gusto kong mag enjoy ito gaya na lamang ng pag eenjoy ko sa ginagawang pag dede sa utong nito. 

Tang ina. Nanginginig ako sa nagaganap. Tiyak kong ramdam nito ang panginginig ko. Sobrang tigas talaga ng mga muscles nito.

Gusto ko sanang idantay ang mga kamay ko sa abs nito, eh. KAya lang baka makahalata ito na sinasamantala ko na ang katawan nito. Kaya nag pigil ako. Kahit abot kamay ko na lang iyon. Putang ina talaga. Nanginginig ako sa kalibugan. Ano bang nangyari sa akin?

Para akong sinapian ng kamanyakan ni Stephen. Daig ko pa ang virgin sa ikinikilos ko. Akala mo unang beses makaka sipsip ng utong. 

Pero ibinigay ko ang lahat ng lakas ko sa pag sipsip ng utong ni Tristan. Kaya naman ng umungol ito ng mahina ay para akong kinantahan ng mga gwapong anghel.

“AHHHHHHhhHHHhh.. Fuck..! Uuuggghhhh.. AHHHhHHHhhHhHH.” Lalaking lalaking ungol ni Tristan. Mahinang ungol lamang iyon pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko. 

Shit..! Ang sarap nito umungol. Yung tipong marinig mo palang ang ungol nito ay parang lalabasan ka na.

Kaya naman ipinagpatuloy ko lamang ang pag sipsip sa utong nito. Wala na nga akong pakialam kung napapalakas na ang tunog ng pag sipsip ko. Well, alam din naman nila na sisipsip ako ng utong. Kaya galingan na natin. 

Hindi naman nila alam kung sino ang sinisipsip ko ngayon. At wag naman sana nilang malaman. Please. Please.

“AHHHHHHHhhHHHHh.. Shit..! AHHHHHhHHHHh.. Uuuggghhh..” 

Ungol muli ni Tristan. Nawala ako sa katinuan ng mga oras na iyon. Umakyat ang libog ko sa utak ko kaya naman ng lumipat na ako sa kabilang utong nito ay pinagapang ko na ang kamay ko sa namumutok na abs nito. 

Hindi naman ako nito pinigilan kaya todo himas lang ako roon. Kasabay ng pagsipsip ko sa kaliwa ng utong nito. Putang ina. Sana hindi na matapos ang limang minutong nakalaan sa amin. 

Sana maextend pa ito o di kaya mag loko ang phone ni Marikit, dahilan para hindi na mag alarm iyon.

Shit..! Ang sarap sarap mo, Tristan. Sigaw ko sa isip ko habang patuloy kong nilalasap ang katawan nito. Bukod kasi sa sinisipsip ko ang kaliwang utong nito. Nilalapirot ko naman ang kanang utong nito na kanina lang ay sinipsip ko. Kaya nagiging malikot na ito ngayon.

“AHHhhhhHHhhh.. T-Tang ina.. Uuuggghhh.. Shit.. AHHHhhHHhh.” Ikatlong ungol nito. Mukhang nasasarapan na rin talaga si Tristan sa ginagawa kong pag papak sa utong nito.

Ewan ko ba, parang gusto ko syang palibugin. Palibugin ng palibugin lalo. Amoy na amoy ko pa ang axe na pabango na ginamit sa katawan nito. Mas nakakadagdag libog lang iyon sa akin.

Si Marikit ang naging mentor ko kung paano magpaligaya ng utong ng lalaki. Pinapanood nito sa akin ang isang video nito.

Kung saan ay pina palibog nito ang isang gwapong Alkalde. Hindi ko makalimutan ang video na iyon. Kaya naman inaapply ko ngayon iyon kay Tristan. 

Mukha naman epektibo iyon dahil napapaungol ko ito ng mahihina. Siguro nga kung hindi lang ito nagpipigil ng ungol ay baka mas malakas pa ang iungol nito. 

Todo sipsip lang ako sa utong ni Tristan. Maya maya pa ay mas naging mapangahas na ako. Habang sinisipsip ko ang kaliwang utong nito kasabay ng pag lapirot ko sa kanang utong nito. 

Gumapang pa ang isa kong kamay pahimas naman sa kargada ni Tristan. Nakapa ko naman iyon. Nagulat pa nga ito sa ginawa ko.

“R-Richard.. W-Wag.. Uuuggghhh.. AHHHhhHHhHhhh.. Fuck..” Mahinang pag protesta nito sa akin. Nagtuloy tuloy lang ako sa paghimas sa umbok nito.

Nararamdaman ko na kasing tumitigas iyon. Akala ko nga mag tutuloy tuloy na iyon at hahayaan na ako nito. Pero pinigilan ako nito. Hinawakan nito ang kamay ko na humihimas roon at inilayo sa kargada nito. Doon na ako natauhan. 

Napabitaw tuloy ako rito. Kasabay ng pag tunog ng sinet na alarm ni Marikit. Ibig sabihin ay 5 minutes na ang nakalipas.

Napatingin ako sa mukha ni Tristan. Nakangiti naman ito pero ramdam ko na napilitan na lang itong ngumiti sa akin. Bumaba ang tingin ko sa dalawang utong nito at kitang kita ko ang pamumula nun. Masyado kong nasipsip iyon ng malala kaya pulang pula na ito ngayon.

Nakita ko rin ang pagkakaumbok ng kargada nito na kanina lang ay nahawakan ko. 

Putang ina, Richard. Anong pumasok sa isip mo at ginawa mo iyon. Fuck you ka. Nakakahiya. Ano na lang ang iisipin ni Tristan. Shit.

Inayos na ni Tristan ang sarili nito. Nang mapatingin ito sa akin ay sumambit ako ng salitang SORRY ng walang tunog. Nag thumbs up lang ito sa akin at sumenyas na babalik na siya sa pwesto nito. Tumango na lamang ako. 

Napasabunot na lamang ako sa buhok ko sa kagagahan na ginawa ko. Pinairal ko ang kalibugan ko. Putang ina yan.

“Hoy, Senpai. Ready ka na ba? Haharap na kami, ah. Masyado mo naman yata inenjoy ang pagsipsip sa jutong ng lalaking nabunot mo. Maayos ka na?” Tanong ni Marikit sa akin. 

“Oo, okay na. Tanggalin niyo na mga piring niyo at pwede na kayong humarap.” Tugon ko rito. Kinalma ko ang sarili ko sa mga oras na iyon. Kahit gustong gusto ko ng tumakbo sa silid namin.

Natatakot at nahihiya akong tingnan si Tristan. Nakakahiya talaga yung ginawa kong pang hihipo rito. Sipsip lang ang nabunot ko pero nag ninja moves ako dito. Fuck.

“Hoy, Senpai. Kanina pa kita tinatawag. Shuta ka. Natulala ka na diyan. Sobrang sarap ba ng lalaking nasipsip mo. Kaya napa tanga ka na lang diyan. Hahaha. 

Mamili ka na ng huhula kung sino ang sinipsip mo. Shuta ka. Nang maikot na muli ang bote. Bilisan mo.” Hampas ni Marikit sa akin. 

Doon ko lang napansin na kanina pa pala ako nito tinatawag at ang lahat ay nakatingin sa akin. Napakagaga ko talaga. Puta. 

“S-Si Yozack ang pinipili ko rin na manghula.” Sambit ko sa kanila at tinignan si Yozack. 

Kinapa ko pa ang papel na nasa bulsa ko. Sinigurado kung naroon pa iyon. 

Please. Please. Please. Wag sana nito mahulaan na si Tristan iyon. Shit. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Tang inang laro ito. Aatakihin yata ako sa puso dahil sa matinding pag kabog ng puso ko. Lalo na at ang tagal pa nitong sumagot.

Isa isa kasi nitong tinignan ang mga mukha ng kasali sa laro na yun. Pagkatapos ay napangisi pa ito sa akin. Tang ina. Pasuspense pa.

“Wala akong ideya kung sino ang nabunot ni Richard. Hula na lang ako. Hmhmhmhmhm... I’ll go for Klein.” Sagot nito sa akin. 

Literal na napa YES ako ng sigaw kaya naman nag tatakang napatingin sa akin si Marikit at ang iba pa naming kasama roon.

“Sorry. Mali siya ng hula. Ano ng gagawin ko sa papel na ito?” Tanong ko kay Marikit pagkatapos.

“Ibalik mo na rito. Sure ka na mali si Yozack ng hula, ah. Bawal ang sinungaling dito. God is watching us..” Paninigurado pa ni Marikit sa akin. 

“Oo. Promise hindi siya.” Sambit kong siguradong sigurado.

“Okay, naniniwala ako. Patingin nga. Hahaha Joke lang. Ibalik mo na ang papel dito.” Sambit nito. Ibinalik ko ang papel na naglalaman ng pangalan ni Tristan sa pulang box.  

Inalog alog iyon ni Marikit para mahalo ang mga papel sa loob. Saka ako bumalik sa pwesto ko. Kita ko ang mapanuring tingin sa akin ni Pietro. Hindi ko na lamang ito pinansin.

“Senpai, Hala siya. Iikot mo na ang bote. Shuta ka.” Sigaw sa akin ni Marikit kaya naman tumayo muli ako at inikot iyon ng malakas. 

Pagkatapos ay bumalik na ako sa pwesto kong muli. Iniiwasan ko talagang mapatingin kay Tristan. Hiyang hiya pa rin ako hanggang ngayon. Kaya naman pahapyaw lang ang pag nakaw ng tingin ko rito. Mabuti na lang talaga at walang nakahula rito. Kundi, yari na.

Habang busy ako sa pag iisip ay bigla ko na lamang narinig ang pagmumura ni Christof sa tabi ko. 

“Fuck..!” Mura ni Christof. Sa kanya na pala tumapat ang bote. 

“Oh My.. Tayo na Christof. Wag ng babagal bagal pa. Shuta..” Wika ni Marikit dito. Bago tumayo ito ay binulungan pa ako nito.

“Sana ikaw ang mabunot ko, Richard.” Bulong nito at nag lakad na papunta sa gitna. Iniwan muna nito ang sleep mask nito sa pwesto nito.








No comments:

Post a Comment

Latest Update

TAKSIL - KABANATA 35

"Moaning Star at si Theo Olivarez.”   Richard "Moaning Star?! Moaning Star talaga. Marikit. Punyeta ka anong klaseng lugar ba tong...