Saturday, February 14, 2026

TAKSIL - KABANATA 30


"Alipin ni Braiz.”

 

Richard

“Mr. Legaspi, let me remind you na wala pang ipinapasa ang college niyo na kinatawan sa Mr. & Ms. Le Grande University. Kayo na lang ang wala pang kandidato ngayon. Anong petsa na.” Wika sa amin ni Mr. Macaspac.

Mister gasolito ang tawag ni Marikit dito dahil sa liit at pagiging mataba nito. Malakas din kasi mang asar si Sir ng mga bading.

Ipinatawag kami nito sa opisina nito. Siya ang Dean ng College of Education. 

“Sir, naging busy lang po kasi kami sa kanya kanya naming thesis. Kaya hindi namin naasikaso agad. Pero ngayon din ay hahanap na kami ng mag rerepresent sa department natin. Promise yan, Sir Macaspac.” Sagot ni Estanislao sa Dean namin.

“Siguraduhin niyo lang na dalawa. Ayokong mapahiya sa Dean ng Nursing. Sila meron na. Ang gwapo at maganda pa. Mga putang ina nila hindi sila pwedeng manalo this year. Gawan nyo ng paraan yan kundi aalisin ko kayo sa pagiging iskolar niyo.” Gigil na sagot nito sa amin. 

May lihim na away talaga ang department namin at ang mga nasa medical courses. Hindi ko alam kung bakit ganoon pero bago kami tumuntong sa school na ito ay ganun na talaga ang kalakaran dito. Ang sabi ng mga naunang senior sa amin na grumaduate na ay inagaw daw kasi ni Sir Dela Cruz ang Dean ng College of Nursing ang jowa ni Sir Macaspac.

“Sige na at umalis na kayo. Kailangan ay maipakita na kayo sa akin bago matapos ang araw na ito.” Wika pa sa amin ni Sir. Lumabas na rin kami agad sa opisina nito.

“Hayop talaga yung matandang bakla na yun. Kung maka pag demand sa atin akala mo siya talaga ang nagpapaaral sa atin. Tinakot pa talaga tayo. Tang ina.” Naaasar na wika ni Stan ng makalabas na kami.

“Hoy, bibig mo. Mamaya may makarinig sayo. Maghanap na lamang tayo ng makukumbinse. May makikita naman siguro tayo.” Pag saway ko rito. 

“Sa tingin mo may papayag kapag ako ang nag kumbinse. Saka busy ako. Mag sasayaw pa ako ng tiktok. Dahil sasali ako sa isang patimpalak. Aasikasuhin ko pa yung Retreat. Ano, tayong dalawa lang ba ang estudyante sa department natin, Richard? Kaya babu na. Tanggalin niya nag scholar ko at wala na akong pakialam pa. Mag ko call center na lang ako pag nangyari yun. Bahala ka na dyan. Sayonara.” Sambit nito at nag lakad na palayo sa akin.

Ni hindi man lang ako nito hinayaan makapag salita. Pota. Hala…! Ano na ang gagawin ko. Shit. Sino ang pwede kong kumbinsihin? Natataranta na nga ako. Iniwan pa ako ni Estanislao. Fuck. Ano na ang gagawin ko ngayon?

“Uy, Senpai…! Kanina pa kita tinatawag. Nabungol ka na ba dahil active ang sex life mo. Shuta ka.” Hampas sa akin ni Marikit.

“Sorry, Marikit at may iniisip lang ako. Naloloka na nga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.” Sagot ko rito na napapak amot na lang sa ulo. 

“Teka. Teka. About ba ito sa apat na malalaking tite na naisubo at naipasok sayo nitong buong linggo lang ang pino problema mo?” Wika nito na ikinalaki ng mga mata ko. 

Jusko ang bunganga talaga nito kahit kailan ay walang preno. Lumingon lingon pa ako sa paligid kung may tao sa paligid o may nakarinig ba sa amin. Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala.

“Gaga. Hindi iyon. Hindi iyon ang problema ko. Yung tungkol sa paghahanap ng kandidata natin para sa Mr & Ms Le Grande University. Ang department na lang kasi natin ang wala representative. Kinukulit ako ni Dean Macaspac na mag hanap.” Sagot ko rito. 

“Shuta. Yun lang naman pala. Akala ko kung ano na.” Sambit nito.

“Anong yun naman pala? Ang hirap hirap kaya kumumbinsi ng mga first year na sasali. Mga mahiyain lahat. Eh, ayaw mo naman sumali. Ikaw sana ang ipapasa ko.” Sagot ko rito. Ilang beses ko na kasi itong pinilit pero ayaw nito.

“Paano ba naman kasi. Ako ang magiging Mr. Education. Duh..! Bute sana kung Ms. Hindi ko keri ang mag brief sa swimwear competition. Baka tigasan ako kapag nakita ko na ang mga lalaking kasama. Kaya wag nga ako. Tulungan na lang kitang mag hanap, Senpai. Ang dami dami pa dyan.” Saad nito sa akin.

“Paano nga natin sila mapipilit? Saka may mahahanap ba tayong gwapo at maganda sa department natin.?” Nag aalala kong tanong rito.

“Luh, GRABE siya..! Parang sinabi mo naman na walang gwapo at magaganda sa college natin. Sabagay, may point ka diyan. Hahaha. Si Braiz ba ay nasubukan mo ng kausapin?” Tugon nito sa akin pagkaraan.

“Oo. Tumataginting na AYAW KO ang isinagot kay Estanislao. Muntik pa siyang masapak dahil sa nalaman na lalambot lambot si Stan.” Sagot ko rito.

Isa iyon sa iilan na gwapo sa college namin. Kaya lang hindi daw pumayag ito. Halos nanikluhod na nga daw si Stan dito pero wa epek pa rin. Kaya hindi ko na rin sinubukan pa na kausapin iyon. Isa pa ay galit daw yun sa bakla. 

“Matapang nga daw yun. Saka galit sa bakla. At chismis din na malaki ang Tite. Well, tamang tama lang na siya ang maging katawan ng department natin. Tara, Senpai hunting-in na natin si Braiz.” Kinikilig na sambit nito sabay hatak sa akin.

“Teka lang. Nababaliw ka na ba, Marikit. Kakasabi mo lang na matindi ang galit nun sa bakla. Tapos siya pa talaga ang kakausapin natin. Baka masapak lang tayo nun.” Pagpipigil ko rito.

“Sapakin din natin para kwits. Saka paano natin malalaman kung hindi natin subukan, hindi ba. Saka dalawang magagandang dilag na ang kukumbinsi sa kanya. Choosy pa ba siya. Kaya tara na.” Hindi papatalong sagot nito sa akin. 

Wala na akong magawa kundi ang mag pahila rito. Kailangan ko na rin talaga na may maipresent kay Dean Macaspac. Kung hindi kailangan ni Stan ng scholarship. Ako, kailangan ko yun. Kaya hindi talaga pwedeng mag walang bahala na lamang ako.

“Hello, Samjo. Paki scan nga sa laptop mo ang buong building ng college namin. Hanapin mo kung nasaan si Braiz, nakatambay. Oo. Yung Braiz, na first year na itinuro ko sayo nung nasa cafeteria tayo.

Ah, hindi mo hahanapin? Bubwisitin at kantahan kita araw araw, kapag hindi mo ginawa yun. Gugulihin rin kita kapag nakikipagtalik ka. Wag mo akong inisin, Samjo. Sinasabi ko sayo. Mawawalan ka ng sex life. Bilisan mo..!” Singhal nito sa kausap at saka ibinaba ang tawag. 

Maldita talaga itong lalaking ito. Hindi uso talaga ang makiusap rito. Nananakot. Baka yun din ang gawin nito kay Braiz. Pota. 

“Maghintay muna tayo rito. Hayaan natin si Samjo ang maghanap sa laptop niya. Tutal hinack niya naman ang lahat ng cctv dito sa campus. Nang hindi tayo masyado magpagod. Para pag humarap na tayo kay Braiz. Fresh tayo at maganda. Teka, mag retouch muna kaya tayo, Senpai sa CR. Ano sa tingin mo?” Kalmado lang na sagot nito sa akin. 

Pota. Nakuha pa mag ayos ng gaga. Hindi na hinintay ang sagot ko at dumiretso na ng lakad papuntang restroom. Sumunod na lang ako dahil mas malakas ang convincing power ni Marikit. Kita mo nga si Samjo, na papatiklop nito. 

Matapos maghugas ng kamay sa lababo ay nag sipilyo ito. Hindi lang iyon. Nag mouthwash pa ang gago. Napa aaya na lang tuloy ako dahil pinag duldulan nito sa akin iyon.

“Basta magtiwala ka lang, Senpai. Kakailanganin natin yan. Isa yan sa paraan para makuha este mapapayag natin si Braiz. Teka, nakapag linis ka ba ng werut mo?” Tanong nito sa akin pagkatapos.

“Ano naman ang kinalaman nun sa pag kumbinsi natin kay Braiz. Gago ka, Marikit. Ano ba itong pina plano mo?” Takang tanong ko rito. Ano bang kalokohan ang gagawin namin dalawa.

“Basta sagutin mo na lang ang tanong ko. Nakapaglinis ka ba?” Tanong nito sa akin.

“Oo. Hindi ba’t araw araw na nga akong nag lilinis. Sa turo niyo na rin ni Andrei. Kaya nga ang tagal ko ng maligo. Pota. Inaabot na ako ng dalawang oras sa CR.” Sagot ko rito.

“Very good. Para sa kabutihan mo din yan. Hindi kasi natin alam ang magaganap. At Least ready to go tayo. Hindi tayo mag aalala na baka may papaitan na matikman sa atin. Para sa kalinisan din natin iyon.” Paalala pa nito sa akin. 

Nang makuntento na kami sa ginawa namin ay lumabas na kami roon. Sakto naman iyon na nakatanggap ng tawag si Marikit. Niloud speaker nito iyon para marinig ko.

“Room 303. Ano na naman ba ang balak mong gawin, Marikit. Ah? Talagang sinama mo pa si Richard dyan.” Wika ni Samjo. Hindi na ako nagulat na alam nitong mag kasama kami ni Marikit. 

May cctv kasi na malapit sa amin. Kaya malamang ay nakikita kami ngayon sa laptop nito.

“Hi, Samjo.” Sambit ko ng mabanggit ang pangalan ko.

“Samuel Joshua…! Makabintang ka naman. FYI lang noh. Tinutulungan ko lang si Senpai. Anyway, salamat sa tulong my kantutero friend. Dyan ka na at may gagawin pa kaming importante. Babush.” Sambit nito at ibinaba na ang tawag. Napangiti ito sa akin at sabay na kaming naglalakad patungo sa Room 303. 

5th floor yun ng building namin. Mukhang nakatambay ito roon. Kaya naman nag madali na kami ni Marikit na puntahan ang lalaki.

Papa sakay na sana kami ng elevator ng palabas naman, dun si Peter. Agad na sumama ang mukha nito ng makita ako. Hindi lang ito masyadong nakapalag ng makita nito si Marikit na nasa tabi ko.

“Malandi. Pokpok. Mang aagaw.” Narinig ko pa na sinambit nito bago nagsara ang elevator. 

“Hindi ba siya natatamaan sa sinabi niyang iyon sayo, Senpai. Minsan talaga ang mga tao, marunong lang tumingin ng dumi sa iba. Sariling dumi at baho nila ay hindi nila makita. Tsk. Tsk. Tsk. 

“Kailan daw ba kayo ulit magkikita ng kapatid nun na si Simon? Gusto ko rin matikman ang american sausage na ipinagmamalaki niya. Infairness, namiss ko na ang burat ni Lance. Sana talaga ay sumama na lang ako sayo nun, noh. Di sana na gangbang tayo. Haaay..” Wika nito sa akin.

“Hayaan mo na. Kapag nakumbinsi natin si Braiz na sumali sa pageant. May premyo ako sayo.” Sagot ko rito.

“Talaga? Binibigyan muna ako ng pahintulot na matikman si Christof at Pietro?” Tanong nito sa akin.

“Gaga. Hindi yun. Pero seryoso ka ba na gusto mo silang matikman?” Tanong ko na rin rito.

“Hindi ko naman hilig makisawsaw sa lovelife ng iba. Kaya kahit pinagnanasaan ko sila ay hindi ko tinitikman. Not unless kung papayag ka. Papayag ka ba?” Balik tanong nito sa akin.

Hindi ko naman sila pagmamay ari talaga. Saka paano kung gusto rin naman ng dalawa. May magagawa ba ako? Mabuti nga at tapat si Marikit sa akin. Sinasabi niya talaga at very vocal naman siya na nag nanasa siya sa dalawa. Saka parang gusto ko kasi na makita rin ang dalawa na nakikipagtalik sa iba. 

Putang ina. Ang lala talaga ng utak ko na mag isip. Bakit ba ako naging ganito. Malibog na nga. May weird na fetish pa.

“Kung gusto naman nila. Hindi ko naman sila mapipigilan, Marikit.” Sagot ko na lamang rito pagkaraan. Natawa ito sa akin.

“Nasasabi mo lang yan kasi nakipag tikiman ka sa iba ng hindi nila alam. Nagi guilty ka. Tapos nalaman mo pa na sa mismong unit ni Christof kayo nagkantutan na tatlo. Hahaha. 

Alisin natin ang pangyayaring iyon. Isipin natin na hindi ka nakipag chukchakan sa pinsan ni Christof. Na hindi iyon nangyari. Ngayon, tatanungin kita ulit. Gusto mo ba na tikman ko silang dalawa?” Tanong muli nito sa akin.

“Gusto ko na ayaw. Pota. Ewan ko, Marikit. 50-50 talaga. Siguro tanungin mo na lang ako after na lang na matapos ang isyu ko kila Stephen. Baka doon ay may konkretong sagot na ako sayo.” Saad ko rito. Natawa at tumango na lang ito.

Pagkalabas namin ng elevator ay agad na kaming nagtungo sa Room 303. Sarado naman ang pintuan at mukhang walang tao. Kaya lang nakarinig kami ng kaluskos na nanggaling sa looban.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Marikit. Pareho ang duda.

“Mukhang may mga daga na naglalampungan sa loob. Tara guluhin natin. Hahaha.” Sambit nito na ngumiti sa akin ng nakakaloko. 

Kapag ngumiti na iyon ng ganun. Asahan mong kahihiyan at gulo talaga ang dala nito. Nakakatakot talaga ang mga ito. Mas nakakatakot pa kila Stephen at sa Rainbow Gang. Shit. Mabuti na lang talaga at mga naging kaibigan ko silang lahat.

 “Operation : COCKBLOCK. Hahahaha.” Sambit nito sabay tadyak ng malakas sa pintuan. 

“What the Fuck..!” Sigaw ng boses lalaki na pumaharap sa amin. 

Wala na itong suot na pantaas kaya naman nakalantad sa amin ang napaka ganda nitong pangangatawan.

“Ooh, Lala..” Hindi napigilan sambitin ni Marikit ng masilayan ito. 

“Braiz, sabi naman kasi sayo na ayoko. Shit.” Tinig ng babae na nasa likuran ng lalaki. 

Abala ito sa pag aayos ng bra nito. Taranta ito habang nagmamadali na ayusin ang kasuotan nito.

“Putang ina. Sino ba kasi kayo. Bakit ba kayo ng istorbo. Fuck..! Celine, teka lang naman.” Singhal nito sa amin. Saka pinipigilan ang babae na kalampungan nito na umalis.

Nauunawaan ko ang sintemyento nito. Ikaw ba naman ang mabitin sa pakikipagtalik. Malamang maasar ka talaga ng malala. Potaena naman kasi nito ni Marikit. Hinintay na lang sana namin si Braiz at ang Celine na ito na matapos. Baka sakaling maging maganda pa ang mood ni Braiz. Kaso lang hindi. Mukhang masasapak pa kami talaga ng lalaki.

“Ano ba, Braiz. Mag usap na lang tayo bukas. Hindi mo ba nakikita na tadhana na ang pumipigil na may mangyari sa atin. Mabuti na rin na nangyari ito. Ayusin mo na ang sarili mo.” Sambit ng babae kay Braiz at nag madali na itong lumabas. Napasabunot na lang sa ulo ang lalaki dahil sa matinding frustration nito.

“Fuck. Putang ina kasi..! Sino ba kayo?!” Galit na wika nito sa amin.

“Isa kami sa ipinadala ng langit para katasan ka. Charot…! May sasabihin sayo si Richard. Senpai, go. Kaya mo na yan.” Sambit ng tarantado sa akin. Sabay tulak palapit kay Braiz. Dali dali itong pumalabas ng classroom pagkatapos.

Muntik na akong masubsob sa dibdib nito. Mabuti na lang at nabalanse ko pa ang katawan ko. Tang ina talaga ito ni Matikit.

“Ahhhhmm.. Gusto ka sana namin maging representative ng College natin upang sumali sa pageant na Mr & Ms Le Grande University.” Mabilis na sambit ko  rito.

Nakatunghay lang ito sa akin ng ilang minuto. Para bang tinubuan ako ng ikatlong mata sa tingin na ibinigay nito sa akin. Ilang minuto rin itong hindi gumalaw at nakatingin lang sa akin. Maya Maya pa ay bumakas na ang galit sa mukha nito.

“Nang istorbo ka sa sweet moments namin ng girlfriend ko, dahil lang sa lintik na pageant na yan. Yun lang talaga? Putang ina mo pala, eh. Wala akong panahon sumali sa pageant na yan, okay? Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo yun, ha.. Hindi ako interesado!” Sigaw nito.

Tang ina. Nabingi yata ako sa lakas ng pagkaka sigaw nito. Nag umpisa na itong mag bihis sa harapan ko. Nakatitig lang ako sa ginagawa nito. Habang agaw pansin sa akin ang nakabukol na kargada nito sa pantalon.

Halatang matigas pa iyon. Base na rin sa matinding pagkaka hulma at bakat nun. Nakakatuyot naman ng lalamunan iyon. Isa rin DAKILA na nilalang itong si Braiz. Potaena.

“Pwede kang maging exempted sa lahat ng midterm exams natin. Bukod pa dyan sa mga papremyo na naghihintay sayo kapag tinanghal kang Mr. Le Grande, Braiz. May Cash Prize at Scholarship Grant yun.” Pangkukumbinse ko pa rito.

“Nakakaintindi ka ba ng tagalog o sadyang bobo ka lang. Ano ang hindi mo naiintindihan sa salitang hindi ako interesado..? Tang ina ka, lumayo layo ka sa akin habang nagtitimpi pa ako baka samain ka.” Paalala pa nito sa akin. 

Napaka tapang naman ng lalaking ito. First year pa lang pero kung makaasta na ay akala mo mas ahead pa sa akin ng taon. Paano na lang pag naging senior na rin ito.

“Please, Braiz. Sige na. Ano ba ang gusto mo para makumbinsi kita na ikaw na ang sumali para sa department natin. Please..!” Pagmamakaawa ko pa rito.

“Kulit mo rin, eh noh. Ayoko nga sabi. Isa pa.. Isang pilit pa at masasapak na kita.” Sagot nito sa akin. 

Nang maayos na nito ang polo nito ay naglalakad na ito papunta sa pintuan. Akmang lalabas na ito ng pigilan ko ito sa mga kamay. Napalingon tuloy ito sa akin. Bakas ang galit sa mukha.

“Please naman, Braiz. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Pumayag ka lang. Parang awa mo na. Nakasalalay kasi ang scholarship ko rito. Kapag hindi ako nakapag pasa ng lalaking kandidato kay Dean Macaspac ay mawawalan na ako ng scholarship.” Wika ko rito na naiyak na. 

Desperado ko ng sabi rito. Natigalgal ito at ilang minuto rin na hindi nakapag salita. Lalo na ng pagmasdan nito ang mukha ko. Marahil ay naawa na ito sa pag iyak ko. 

“Akina ang phone mo.” Sambit nito pagkaraan. Naguguluhan man ay inabot ko na rin rito iyon. 

May kinalikot ito roon pagkatapos ay ibinalik rin nito iyon sa akin. 

“Tawagan mo ako kung libre ka bukas at walang gagawin. Pag uusapan natin ang gagawin mo sa akin. Sabi mo diba, gagawin mo ang lahat? Tingnan natin kung magagawa mo nga ang lahat. Kapag nagawa mo yun ay sasali na ako sa lintik na pageant na yan.” Sagot nito at mabilis ng naglakad palayo sa akin.

Paglabas nito ay siya naman pasok ni Marikit. Pinunasan ko ang mga luhang nag landas sa mga mata ko. 

“Grabe ka, Senpai. Ang galing ng pag iyak mo. Sobrang makatotohanan. Maski ako nadala. Pang MMK ang peg mo. Shuta.” Puri sa akin ng tarantado.

“Leche ka. Hindi yun arte lang. Talagang napaiyak ako. Talagang mawawalan kasi ako ng scholarship kapag wala akong naipasa kay Dean. Desperado na ako.” Sagot ko rito.

“Ganun. Eh, ayos lang yun. Si Samjo, na lang ang magbibigay sayo ng scholarship. Mayaman yun. Kaya barya lang sa kanya ang tuition mo.” tugon nito sa akin na parang tanga lang.

“Ano ako siraulo. Baldado. Nakakahiya kay Samjo. Saka wala naman siyang obligasyon sa akin. Isa pa kaya ko pa naman. Yung pagpapatira at pa food niyo lang sa akin ay nakakahiya na. Pang tuition pa kaya.” Sagot ko rito. 

Tinignan ko na lamang ang cellphone na hawak ko. Naroon ang numero ni Braiz. Agad kong sinave yun sa contacts ko.

“Saka bwisit ka. Sabi mo tutulungan mo akong kumbinsihin si Braiz. Wala pang isang minuto na nakasama natin siya ay iniwan mo na agad ako sa ere. Hayop ka.” Inis na turan ko rito.

“Tinulungan naman kitang mahanap siya, Senpai. Kaya nga dinala kita rito. Syempre, inalam ko muna kung makukumbinse mo siya. Kapag hindi ay saka na ako kikilos. Pero nagawa mo naman makumbinse siya, eh. Di ba?” Palusot na sagot nito sa akin. Si Samjo kaya ang nag hanap kay Braiz.

“Hindi pa. May kailangan pa akong gawin para sa kanya bukas. Potaena. Ano naman kaya iyon? Hindi na natapos ang problema ko. Hayop kasi itong si Stan, eh. Hindi man lang ako tulungan.” Pagmamaktol ko kay Marikit.

“Kailangan mo ba ng tulong ko pa?” Tanong nito sa akin ng maglakad na kami palabas ng silid na iyon. Umiling na lang ako.

“Wag na. Kapag kailangan na kailangan ko na lang ulit. Saka may aasikasuhin ka pa di ba? Ano ba yung plano na sinasabi mo tungkol sa sorpresa kay Andrei?” Tanong ko rito. Napangisi ito.

“Sorpresa nga di ba. Malalaman mo na lang iyon. Basta wag kang mawawala, ah. Masaya yun. Kailangan kumpleto tayo.” Sagot nito na abot tenga ang ngisi.

“Oo na. Wala naman akong gagawin na nun. Kumain na nga lang tayo. Nagutom ako sa ginawa ni Braiz. Nakakatakot pala talaga siya. Mabuti na lang at ang yummy niya.” Sambit ko rito na sinang ayunan din nito.

“Sinabi mo. Hindi ko nga naiwasan na hindi tingnan ang bakat ng pagkalalaki. Ang tigas tigas nun. Hahaha. Halatang nabitin natin sila ni Celine. Hahaha.” Tugon nito sa akin na natatawa.

“Pansin ko nga rin iyon kanina. Kasama yata siya sa Dakilang Lahi Club. Hahaha.” Sagot ko rito. Listahan namin ni Marikit iyon kasama ang mga lalaking na natikman namin at sa tingin namin ay may mga malalaking kargada. 

“Nilista ko na nga siya. Ang dami talagang masasarap sa campus. Hindi ka mauubusan. Hahaha.” Wika naman nito at naglakad na kami papunta sa cafeteria.


Kinabukasan

“Sorry talaga, Pietro. May kailangan akong asikasuhin ngayon. Hindi naman kita iniiwasan. Buang ka. Saka bakit ko naman gagawin yun?” Sagot ko sa kausap ko sa phone na si Pietro.

Iniimbitahan kasi ako nito ngayon sa condo niya. Kasama si Christof. Upang mag bonding lang. Kaya lang ay may lakad nga ako. Mas importante ito talaga. Nakasalalay ang scholarship ko rito.

Tuwang tuwa nga si Mr. Macaspac kay Braiz ng ipakita ko ang larawan nito. Kinuha ko iyon sa IG nito. Tamang tama lang daw na nakakuha na ito ng babaeng kakatawan sa departamento namin.

Kaya kailangan ko ng makumbinse talaga itong si Braiz. Kundi malalagot talaga ako kay Dean. 

“Ano ba kasi ang gagawin mo? Samahan ka na lang namin ni Panget.” Suhestiyon pa nito sa akin.

“Hindi na. Kaya ko na ito. Sa ibang araw na lang talaga, Pietro. Pangako at babawi ako sa iyo. Kung gusto mo ay siya na lang ang imbitahan mo. Kayong dalawa na lang muna ang mag bonding. Close naman na kayo, di ba.” Sagot ko rito.

“Syempre mas okay na nadun ka. Pero sige. Subukan kong yayain. Baka kasi hindi mag punta kapag nalaman na hindi ka makakapunta.” Tugon nito sa akin.

“Sasama yun. Sabihan ko siya. Sige na, Pietro at may gagawin pa talaga ako. Update niyo ako kung natuloy kayo. Ingat ka lagi. Bye.” Pagpapaalam ko rito. 

“Sige na nga. Ikaw rin mag ingat. Saka pag isipan mo na yung sinasabi ko na dito ka na lang tumira sa akin. Mag isa lang naman ako rito. Dito na kayo ni Christof tumira kasi.” sambit nito at pagkatapos ay binaba ko na ang tawag.

Naghanda na rin akong maligo. Magkikita pa kami ni Braiz. Hindi ko alam kung ano ba ang ipapagawa nito sa akin. Buti sana kung mag papatikim ito mas mainam. Hahaha. Kasi magagawa ko talaga iyon ng tama at masarap pa.

Pero ginawa ko pa rin naman ang routine ko kapag naliligo. Sabi nga ni Marikit. Iba na ang handa palagi. Malay niyo naman diba at makapunta ako sa condo ni Pietro kapag maaga ko natapos ang pinapagawa ni Braiz.

Matapos maligo at makapag ayos ay tinawagan ko na si Braiz. Naka apat na tawag ako bago nito sinagot ang tawag. 

“H-Hello? Who’s this?” Tanong nito sa akin na nakaka paninding balahibo na boses. Puta. Bedroom voice ang boses ng hayop. Mukhang bagong gising lang ito.

“Ahmmm.. Ako si Richard. Sabi mo tawagan kita kapag free na ako. Nag text na rin ako sayo kagabi. Sabi mo tawagan kita ngayon umaga.” Sagot ko rito.

“Oo nga pala. Anong oras na ba?” Tanong nito sa akin. Narinig ko pang nag hikab ito.

“Alas otso na ng umaga.” Sagot ko rito. Fuck. Nakaka tigas ng kargada ang boses nito. Paano na lang kaya ang ungol nito? Ganun rin kaya.

“Ah. sige, ibili mo ako ng makakain. Kakagising ko lang. Send ko na lang sayo ang address. Bilisan mo dahil marami ka pang gagawin.” Sagot nito sa akin sabay baba ng tawag. Hindi man lang ako nito hinintay na makasagot sa sinabi nito. Pota. 

Saka ano naman ang bibilhin ko rito na pagkain. Potaena naman talaga. Mukhang papahirapan ako ng lalaking ito. Bahala na nga. Naglakad na ako palabas ng condo ni Samjo. Kumuha muna ako ng pera sa naipon kong pera. Sana naman ay bayaran niya ito mamaya. 

“Oh, alis ka na?” Wika ni Marikit ng makasalubong ako. Galing ito sa taas dahil nag exercise ito sa gym. Pawis na pawis pa nga ito.

“Oo. Badtrip nga e. Mukhang kung ano ano ang iuutos sa akin ng lalaking ito. Mukhang katulong ang peg ko buong maghapon nito.” Naiinis na sagot ko rito.

“Hahaha. Ayos lang yan. Pakunswelo na gwapo ang amo mo. Kaya may inspirasyon ko kahit paano. Good luck, Senpai. Kaya mo yan.” Pagpapalakas pa nito ng loob sa akin.

Dumaan muna ako sa malapit na palengke para bumili ng iluluto ko. Mas tipid kasi kung mag luluto na lang ako. Kaysa ang bumili pa. Dinamay ko na rin ang pang lunch nito para sulit na sulit na. 

Matapos maka pamili ay sumakay na ako ng grab para mag pahatid sa address na isinend sa akin ni Braiz. Muntik pa akong maligaw dahil hindi rin alam ng driver kung saan yung mismong bahay ni Braiz. Kaya nag tanong tanong na lang ako habang bitbit ang mga pinamili ko. Mabuti na lamang at yung napag tanungan kong ale ay kilala ang lalaking iyon kaya itinuro ako sa apartment na kinatutuluyan ng ungas.

Nakita ko ang kotse nito na gamit nito kapag papasok sa school. Kaya tama na ito ang apartment ni Braiz. Tinawagan ko muli ito  at isang ring lang ay sinagot na nito iyon.

“Nasaan ka na? Ang tagal mo naman.” Sagot agad nito sa akin. 

“Naligaw po kaya ako. Saka nandito na ako sa tapat ng bahay niyo.” Sambit ko rito. Pinatay na agad nito ang tawag ng malaman nito na nandun na ako. Bastos talaga ang mokong.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan at iniluwa ang lalaking masarap. Nakatopless lang ito at naka jersey short. Halatang bagong gising pa talaga ito. Shit. Ang gwapo.

“Pasok.” Tipid na sambit nito sa akin. Hindi man lang ako tinulungan ng depungal. Nakita naman nito na ang dami kong bitbit. Tang ina talaga. Halatang spoiled brat. 

“Kanina ka pa pala roon di sana ay kumatok ka na. Nasaan na ang pagkain na pinabili ko?” Tanong nito sa akin.

Umupo ito sa sofa at kinuha ang game console. Mukhang nag lalaro ang hayop. Base na rin sa nakita kong game sa malaking tv nito. Muling itinuon nito ang pansin sa nilalaro.

Nilibot ko ang tingin sa buong apartment nito. Basurahan ba itong pinasukan ko. Napakaraming kalat. Putang ina. Mga damit na nagkalat sa kung saan saan. 

Sapatos. Medyas. Mga bote na walang laman at mga chichirya na nasa lamesa. May likidong natapon pa sa mesa at sahig. Pota.

“Magluluto pa ako ng kakainin mo. Since hindi ko naman alam ang bibilhin ko. Wala ka naman kasing sinabi, eh. Pwede ba akong maluto, Sir?” Pagtawag ko ng Sir dito. Nakakabanas ang kadugyutan ng lalaki na ito. Naturingan na gwapo pero ang bahay na tinutuluyan nito ay napaka dumi. Mas malinis pa yung bahay na alagang pagong ni Samjo. Pota.

“Magluluto ka? Anong lulutuin mo?” Nakarinig ako ng pagka sabik sa boses nito. Mukhang puro padeliver lang ang alam nitong kainin. Mga instant.

“Mag pancit guisado sana. Kumakain ka naman siguro nun.?” Tanong ko rito. Tumango ito. Bumalik na ito sa pag lalaro habang ako ay nag tungo na sa kusina nito at nag prepara na para sa lulutuin ko.

Matapos maihanda ang lahat ng sangkap. Nagsimula na akong mag gisa ng bawang at sibuyas. Humalimuyak ang bango nun sa buong kusina. Kailangan kong sarapan ang pagluluto. Para naman wala na itong iutos pa na malala. 

Makalipas ang ilang sandali ay nailuto ko na rin iyon. Sinunod kong isalang sa kalan ang ibinabad kong manok kanina. Adobo naman kasi ang niluto ko sa lunch nito. 

Pagkatapos ay lumabas na ako roon at tinawag ito na naluto ko na yung pancit. Dali dali nitong iniwan ang nilalaro at mabilis na nagtungo sa akin. Sinandukan ko ito at inihain na sa mesa. 

Kitang kita sa mga mata nito ang kasiyahan ng maihain ko na sa kanya iyon at bigyan ng tinidor. Napangiti naman ako kahit paano. 

Akmang aalis na sana ako roon para simulan ng mag linis ng bahay nito ng pigilan ako nito.

“Kumain ka na rin ba? Sabayan mo na ako rito. Mamaya ka na maglinis. Para may kasama akong kumain” Sagot nito sa akin. 

Potaena. Akala ko pa naman ay pipigilan ako nitong mag linis. Yun pala ay nais lang nito ng may makakasabay. Wala na akong nagawa since sabi ko nga sa kanya ay gagawin ko ang lahat ng gusto nito. 

Sumandok na rin ako ng pancit at malapit rito. Nag dasal muna kami. Courtesy of Braiz. Bago kumain. Hindi halata sa kanya na pala dasal pala ito. Nahiya naman ako sa ginawa nito. Feeling ko napaka makasalanan ko na.

“Masarap siya. Salamat sa pagluto. First time ko ulit na makatikim ng niluto na pagkain. Mismo pa sa bahay ko.” Sambit nito sa akin pagkaraan. Pancit ko ngang sarap na sarap ito. 

Nag uumpisa pa lang kasi akong kumain habang ito ay mukhang mauubos na. Dali dali akong tumayo at kumuha ng pitchel na may laman ng tubig at baso. Saka inabot rito. Kinuha naman nito iyon.

“Hindi ka ba nilulutuan ni Celine.” Tanong ko rito. Yun ang babaeng nahuli namin na kalampungan nito kahapon. 

“Hindi. Hindi naman siya marunong mag luto. Palagi lang kami umoorder ng pagkain.” Simpleng sagot nito sa akin. 

“Ito ba ang ipapagawa mo sa akin? Ang malinis ng apartment mo?” Tanong ko rito pagkaraan. Napangisi ito.

“Oo. Pag lalaba mo rin ako. Hindi talaga kasama ang pagluluto pero since nilutuan mo na ako. Kasama na rin iyon. Gagawin mo yun hanggang sa matapos ang kompetisyon. Ano payag ka ba?” Sagot nito sa akin.

“May choice pa ba ako?” Balik tanong ko rito na ikinatawa lamang nito. Natulala na lang ako sa malutong na pagtawa ng hudas. Pati pag tawa ay ang gwapo rin sa lalaking ito. 

Bakit ba ganun ang mga gwapo. Kahit anong gawin ay gwapo pa rin. Napaka unfair talaga ng mundo. Putang ina.

Pansin ko na naubos na nito ang laman sa plato nito. 

“Gusto mo pa ba?” Tanong ko rito na inginuso ang plato nito. 

“Pwede pa ba?” Tanong nito pagkatapos. Tumango ako. Shit.! 1 point Richard. Tumayo ako at kinuha ko ang plato nito para sandukan muli ng panibago.

“Salamat. Ang sarap mo talaga magluto. Adobo ba yung nakasalang sa kalan?” Tanong nito matapos kong maibigay ang pancit nito.

“Oo. Kumakain ka rin naman siguro nun?” Ako naman ang nag tanong rito.

“Oo naman. Katunayan nga ay paborito ko yan. Ilang beses kong sinabihan si Celine na lutuan ako niyan. Kaya nga lang ay ayaw niya talaga. Kaya nag paluto na lang siya sa maid nila. Kaya lang hindi ko naman nagustuhan.” Sagot nito sa akin.

Mukhang sabik na sabik ito sa lutong bahay talaga. Gusto ko sana itanong rito kung nasaan ba ang mga magulang o kapatid nito. Bakit mag isa lang ito sa malaking apartment na ito. Kaya lang baka sabihin nito ay nakiki chismis pa ako.

“Nga pala. Bakit ba gustong gusto mo na ako ang sumali sa Mr. & Ms Le Grande? Eh, baka matalo naman ako. Hindi naman kasi ako sumasali sa mga ganyan pageant. Mabuti sana kung boxing yun. Baka kahit hindi mo ako yayain ay sasali talaga ako.” Sambit nito pagkaraan.

“Obvious ba. Gwapo ka. Maganda ang pangangatawan. Malaki ang chance natin na maiuwi mo na manalo.” Sagot ko rito. Napangisi ito sa akin.

“Nagagwapuhan ka sa akin?” Tanong nito. Sandaling hindi ako nakapag salita sa sinabi nito. Nahiya na rin pero hindi ko naman dineny iyon kaya tumango na lang ako. Para tapos na. Eh, sa gwapo naman kasi talaga ito. Walang duda roon.

Matapos kumain ay tumayo na ito. Sinabing maliligo na muna ito. Kaya naman ako na ang nag patay ng naiwan nitong nilalaro sa sala. 

Hininaan ko na rin muna ang apoy sa kalan ng niluluto ko. Bago ko sinimulan na mag linis. Nagsimula ako sa sala nito. Maraming bote ng alak na walang laman roon. 

Mabuti na lang at may mga gamit naman ito sa pang linis at may mga kahon rin ito. Kaya doon ko pinag lalagay ang lahat ng bote saka inilabas muna iyon sa bahay. 

Tinipon ko rin ang lahat ng marurumi nitong damit sa isang lalagyan. Nang maayos ko iyon ay saka na ako nagsimulang mag walis. Tatlong malalaking plastic bag ang naipon ko ng matapos kong mawalis ang lahat ng kalat sa sala. 

May mga nakita pa akong ilang gamit na condom roon. Shit. Natuyo na nga at dumikit sa sahig ang iba. Akala ko ba virgin pa si Celine. Don’t tell me ay may dinadala itong babae rito at binabangbang. Wala na talagang LOYAL na lalaki sa mundo. Puro manloloko.

Pinatay ko na muna ang kalan bago ko naman sinimulan na mag lampaso. Gamit ang floor mop ay nag umpisa na ako. Hindi ko pa napigilan ang kumanta habang ginagawa iyon. Nag patugtog kasi ako sa cellphone ko ng kanta ni Olivia Rodrigo. Happier. 

“Oh, I hope you're happy but not like how you were with me. I'm selfish, I know. I can't let you go. So find someone great but don't find no one better. I hope you're happy but don't be happier.” Pagkanta ko na sinasabayan si Olivia. 

Nagulat na lang ako ng may pumalakpak sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko si Braiz. Kakalabas lang nito ng banyo. Tumutulo pa nga ang ilang butil ng tubig sa katawan nito. 

Bakat na bakat ang kargada nito sa puting twalya na nakapulupot sa ibabang bahagi ng katawan nito. Putang ina, ang sarap niya.

Ilang sandali rin akong hindi naka galaw sa kinatatayuan ko. Nanunuyot na nga ang lalamunan ko talaga dahil sa masarap na pagkain na nakahain sa harapan ko. Putang ina. 

Hanggang kailan ko matatagalan ang presensya ng lalaking ito. Nakakalibog ang kabuuan niya.

“Pang banyo lang ang boses ko.” Sagot ko rito at agad na umiwas ng tingin. 

Jusko baka mabugbog pa ako nito kapag nalaman niya na pinag papatasyahan ko na siya sa isipan ko. Galit pa naman ito sa bakla. Teka, hindi ba niya alam na ganun kami ni Marikit nung una namin siyang makita. 

Wala man lang ba itong ideya? Bakit parang hindi naman magaspang ang ipinapakita nitong ugali sa akin. 

“Wow..! Ngayon ko lang din napansin ang linis ng bahay. Thanks, Richard. Ang sarap palang huminga kapag malinis ang bahay. Hahaha.” Sagot pa nito sa akin. 

“Bakit ba kasi hindi ka marunong man lang mag linis. Paano ka nakakatagal na ang dumi dumi ng bahay mo.” Sagot ko rito. Iniiwasan kong mapatingin talaga rito.

“May taga linis talaga ako rito. Nag pupunta isang beses sa isang linggo. Kaya lang kasi ay nagkaproblema. Muntik na niya akong ma rape. Simula nun hindi na bumalik rito. Natatakot naman akong maghanap ng panibago.” Sagot nito sa akin.

“Ni rape ka? Babae. Babae itong pinag uusapan natin. Hindi ba mas pabor sayo yun dapat.” Wika ko rito na napa harap na.

“Grabe ka. Palagay mo naman sa akin. Hayok sa tawag ng laman. Saka may narerape din na lalaki. Hindi lang ginagawa na malaking isyu, pero hindi ibig sabihin ay hindi na nangyayari.” Naka pamewang pang paliwanag nito sa akin.

“Sabagay. Anyway, bilisan mo ng mag bihis at sa kwarto mo naman ako mag lilinis. Nang maka paglaba na ako.” Sambit ko rito. 

“Pwede ka naman pumasok habang nandun ako. Wala naman kaso iyon sa akin. Naiilang ka ba sa akin?” Dire diretsong tanong nito sa akin. Hindi ako kaaagad nakasagot sa sinabi nito. Lalo na ng lumapit pa itong lalo sa harapan ko.

“H-Hindi. B-Bakit naman ako maiilang sayo..!” Sambit ko rito na nabulol pa ng umpisa. Umatras ako ng dahan dahan palayo rito. 

Ngunit ngumisi lang ito sa akin. At naglakad pa papalapit sa akin muli. 

“Really? So, okay lang pala sayo na alisin ko ito?” Sagot nito sabay kalas ng pagkaka buhol ng tuwalya na nakapulupot sa bewang nito.

“What?!” Tila nabingi pa nga yata ako sa sinabi nito. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa malaking laman na nasa pagitan ng hita nito.

Hindi pa iyon matigas. Pero Man…! Napaka laki na nun. Jusme. Mapupunit ka talaga ng husto kapag isinalpak iyon sa tumbong mo ng malala. Putang ina. 

Hindi ko nga lang alam kapag ba tumigas iyon ay malalagpasan ang mga burat nila Christof at Pietro. Pero sure ako na malaki iyon talaga. Pota.

“A-Anong ginagawa mo, Braiz?” Tanong ko rito na tataas sa mukha nito at titingin muli sa ibaba nito. Ilang beses iyon nangyari. Nahigit ko lalo ang hininga ko ng mapaupo na lang ako sa sofa at tumayo ito sa harapan ko. 

Mas malapit at kitang kita ko na ng husto ang kargada nito. Shutang ina..!

“Ano ba sa tingin mo?” Nakangising tanong nito sa akin. 







No comments:

Post a Comment

Latest Update

TAKSIL - KABANATA 35

"Moaning Star at si Theo Olivarez.”   Richard "Moaning Star?! Moaning Star talaga. Marikit. Punyeta ka anong klaseng lugar ba tong...