“Ang Prof kong si Kuya Luis.”
( Part 1 )
Andrei
Ikalawang araw na ng klase ngayon. Grabe. Parang ang dami ng nangyari kahapon. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala talaga. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang isa sa mga Prof ko ay bayaw ko pala. Punyeta.
Gosh! Bakit ba ang ho-hot at ang yu-yummy ng mga naging asawa ng Ate ko. Saan ba silang lugar nakakuha nun ng makapunta rin? Ang hirap kasi nilang hindi pag nasahan. Alam nyo yon. Sobrang hirap talaga.
May orientation daw ngayon lahat ng freshmen students sa auditorium. Mukhang lahat ng kurso ay nandito. Kaya naman kasama ko ang kambal na si Calvin at Klein. Ang pinsan nilang si Abra at maging ang kaibigan kong si Marco.
Grabe ang lawak pala talaga ng school namin. Ilan pa lang ang lugar na napupuntahan ko pero palagi akong namamangha sa ganda ng bawat gusali na nakikita ko.
Kahit nga itong auditorium ang laki-laki. Para kaming nasa isang concert arena. Ganun kaganda at ka-lawak ang pasilidad. Iba talaga kapag sa exclusive school ka nag aaral.
Katabi ko si Marco na panay ang tingin sa paligid. Malamang sa malamang nagbibilang na naman ito ng Pogi. Gawain namin yan noon pa. Kaya alam na alam ko ang ginagawa nito.
“Baka naman mabali na yung leeg mo sa kakalingon mo.” Pagbibiro ko rito.
“Gaga! May hinahanap lang ako. May nakilala kasi akong lalaki kahapon bago tayo magkita. I-stalk ko lang. Hahaha.” Sagot nito sa akin ng mahina.
“Malandi ka talaga! Lalaki na agad ang hanap mo. Si Samjo nga pala. Bakit di mo na naman kasama?” Tanong ko rin sa mahinang boses.
“Wow, Boss. Hiyang-hiya naman ako sa pagka dalisay mo. Ang linis mo. Bakit di ka kaya mag Madre. Pota ka! Hanap mo si Samjo? Puyat yun. Kaya nauna na ako. May kinantot na naman iyon. Kaya baka di na yon dumalo rito. Nga pala, kumusta ang pag uusap nyo ng Prof mo? Sabi mo sa gc ay ikwe-kwento mo ng detalyado ang nangyari. Kwento ka na. Dali…” Tanong nito sa akin.
Hindi talaga kami nakikinig sa nagsasalita sa stage. Medyo boring kasi ang speaking voice nito. Kaya nakakaantok. Tulog na nga sa tabi ko si Klein.
Kaya mas trip na lang namin na mag chismisan. Bumalik tuloy sa alaala ko ang nangyari na eksena sa pagitan namin ni Kuya Luis.
Flashback
Sumilip muli si Prof Luis sa ilalim ng table nito. At halatang windang na windang pa rin sa akin ng magsalita ito.
“Ano ang ginagawa mo dyan, Bunso? Teka, kanina ka pa ba dyan?” Nag aalala na tanong nito.
Nagko cross-stitch. Punyeta! Malamang nagtatago. Ano pa bang gagawin ko?
Inalalayan ako nitong makalabas sa pagkakatago ko. Nang nakatayo na ako ay pinag pagan ko yung uniform ko na naalikabukan. Nag punas na rin ako ng butil-butil na pawis sa noo ko. Bago ako humarap kay Sir Luis.
Gosh…! Ngayon ko lang sya nakita ng malapitan. Napaka gwapo pala talaga nito. Ang macho pa nito. Ang effortless lang ng pag bakat ng mga muscles sa katawan nito. Jusko talaga. Ang galing din talaga pumili ni Ate Katherine.
Ang laki talaga ng katawan nito. Kung hindi ko lang na pigil ang sarili ko ay baka nahimas ko na ito ng malala.
Pati ang kargada nito ay nakakamangha. Jusko. Mapapalunok ka na lang talaga ng laway. Natitiyak ko na DAKS ito. Tiyak na mapapasama talaga ito sa 12 inches Society. Sure na sure ako dyan. Ako mismo ang mag i-endorso rito.
“Nakalimutan mo na ba na pinapapunta mo ako rito, Sir. Kaya lang nawala sa isip ko ang oras after ko mag lunch. Kaya medyo late na ako nakarating. Ilang beses akong tumawag pero walang nasagot. Kaya pumasok na lang ako sa loob. Doon ko na kumpirma na wala pa lang tao dito. Tapos lalabas na sana ako pero ng makarinig ako ng pagbukas ng pinto ay bigla ako napa tago sa ilalim ng lamesa. Ewan ko nga bakit ko ginawa yon.” Mahabang sagot ko sa kanya.
“Ganoon ba. Kanina ka pa pala nagtatago dyan sa ilalim ng mesa. A-Alam mo ba ang nangyari kanina?” Napalunok pa na tanong nito. Bakas sa mukha ang pangamba.
“Ah, yung chinupa ka ng babae kanina? Yup, oo narinig ko. Narinig ko ang lahat ng ginawa niyo.” Sambit ko. Nawindang siya sa pag amin ko sa kanya.
“B-Bunso, Sorry hindi ko naman gi—------” Putol ko sa ano pa mang sasabihin nya.
“Wag kang mag alala, Sir. Gaya nga ng sinabi ko. Narinig ko ang lahat-lahat. Alam ko ang sitwasyon mo. Narinig ko ang mga sinasabi nung babaeng yun. Alam kong naiipit ka lang. Kaya hindi mo kailangan mag paliwanag sa akin. Kilala ko ang mga likaw ng mga bituka ng mga pokpok na ganun.” Paliwanag ko.
Nakahinga naman ito ng maluwag. Saka bigla na lang ako nitong niyakap ng mahigpit. Hindi ako nakapag handa sa ginawa nito. Kaya naman nag mukha tuloy akong poste habang yakap nito.
Punyeta! Ramdam ko ang malambot nyang burat na tumama sa katawan ko. Oh, Shit…! Ang laki nga ng burat niya. Damang-dama ko yon. Kung ano-ano na tuloy na kahalayan ang tumakbo sa isip ko. Naalala ko pa ang barakong pag ungol nito kanina.
Teka lang, Andrei… Hindi ka marupok…! Erase. Erase. Erase…! Naka tatlong bayaw ka na. Utang na loob. Wag ka na mag apat. Sobra-sobra na yon. Kotang-kota ka na talaga.
“Grabe…! Ang laki-laki muna. Kilala mo pa ba ako?” Tanong nito sa akin. Pagkatapos ako nitong bitiwan ng yakap.
“Oo. Ang laki-laki mo nga.” Sambit ko ng wala sa sarili. Natawa ito.
“Hahaha. Oo nga. Kanina nga noong nakita kita sa loob ng classroom ay gusto na kitang yakapin. Kaya lang baka magulat ang mga kaklase mo. Kaya nag pigil na lang ako. Naalala mo pa ba ako?” Tanong muli nito.
“Sa totoo lang. Wala akong ideya. Hindi ko kayo nakilala, Sir. Bata pa lang kasi ako noon. Wala pang isip. Hindi ko nga alam na nagpupunta kayo roon. Kung hindi pa naikwento ni Inang at Tatang sa akin. Tapos noong may isip na ako ay hindi naman na kayo dumalaw pa sa bahay ni Ate Katherine.” Tugon ko habang kinukurot ang sariling braso. Para naman maging maayos ang pag iisip ko.
“Hahaha. Oo nga pala. Well, naging busy na rin kasi kami ng Ate Kath mo sa kanya-kanya naming trabaho. Alam mo ba noong baby ka pa salitan kami ni Kuya Jack mo sa pagpapadede sayo.” Tuwang-tuwa na sagot nito.
Pwede pa rin naman mangyari yun, Sir. Hanggang ngayon naman ay pinapadede pa rin ako ni Kuya Jack. Baka bet mo rin? To bring back memories lang. Pota! Ang manyak ko talaga. Naimagine ko tuloy na chinuchupa ito.
“Baby pa ako nun, Sir. Kaya di ko iyon maalala. Pwede bang paki-demo.” Biro ko sa kanya na slight totoo. Natawa naman ito.
“Hahaha. Palabiro ka pala. I’m sure ilang beses mo ng narinig ito pero kamukhang-kamukha mo talaga ang Mama mo. Sorry to say this pero ang ganda mo na lalaki.” Manghang sabi nito.
“Sus. Maliit na bagay, Sir. Wag na natin palakihin pa.” Ngiting ngiti na sagot ko.
“Wag mo na akong tawagin na Sir. Kuya Luis na lang kapag tayong dalawa lang. Saka pagpasensyahan mo na talaga yung narinig mo kanina. Nangangako ako. Hinding-hindi na talaga yun mauulit.” Seryoso na saad nito.
“Sino ba kasi yun, Kuya Luis. Bakit ka nya ginugulo? Siguro naman pwede kong malaman ang dahilan diba. Since alam ko naman na blina-blackmail ka nya.” Tanong ko.
Pinaupo muna ako nito sa upuan bago ito pumunta sa table nito at umupo doon. Pumikit muna ito at hinilot pa ang noo. Halatang stress ito na pag usapan iyon. Pagkatapos ay saka lamang ako nito tinignan ng mariin.
Gosh! Wag ganyan, Kuya Luis. Sa ganda ng mga mata mo. Nalulusaw ako sa mga tingin na ibinibigay mo. Baka mahalikan kita ng wala sa oras niyan. Pota ka.
“Mahabang istorya. Nangyari yun last year. Last Semester. Akala ko simpleng inumin lang ang binigay niya sa akin. Hindi ko akalain na may droga pala na kasama yon.” Umpisa na kwento nito.
Medyo naguluhan pa nga ako sa sinabi nito. Mabuti na lang at napansin nito iyon. Kaya mas inayos pa nito ang pagpapaliwanag sa akin. Hinayaan ko lang ito na ituloy ang kwento nito.
“Huling araw na yon ng pasok ng mga estudyante. Kaya karamihan sa mga estudyante ay nag papaalam at nagbibigay pugay sa mga Professor nila. Lalo na yung mga gagraduate.” Saad nito.
Nakita ko ang pag rehistro ng galit sa mukha nito. Alam mong hindi nito ginusto ang sinapit nito.
“Gabi na noon… That time ay ako na lang ang naiwan na mag isa dito sa faculty. Pauwi na rin talaga ako ng pumasok dito si Maria.” Sambit nito.
“Maria? Sino ba ang Maria na yun, Kuya Luis?” Hindi ko mapigilan na hindi mag tanong.
“Maria Mercedes Saavedra. Estudyante ko sya. Hindi naman lingid sa akin ang nararamdaman niyang paghanga. Hindi ko naman in-entertain yon. Tinatawanan ko lang siya gaya ng ibang estudyante na hayag din ang pagka crush sa akin.
Alam ko na lilipas din yun. Mali pala ako ng akala. Wala akong ideya na masyado na pala siyang naging obsess sa akin. Gusto na nya akong angkinin sa asawa ko.
Nagsimula sa kung ano-anong mga regalo ang binibigay nito, na ilang beses ko naman tinanggihan. Kasi nga ayokong magkaroon ng isyu at wala akong panahon sa kung ano man ang binabalak nya.
Pinilit ko talaga siyang iwasan, Bunso. Alam ng diyos yan. Pero masigasig siya. Pursigido na makuha ako. Hanggang sa naabutan na nga niya ako na mag isa sa faculty.
Iyak siya ng iyak dahil may problema raw siya. Naawa naman ako sa lagay niya. Hindi naman bato ang puso ko para iwan sya na mag isa.
Sinamahan ko sya sandali. Pinakinggan at pinayuhan ng dapat gawin. Maayos naman siyang nakinig sa akin.” Wika pa nito.
Napahinga ito ng malalim. Mukhang papunta na kami sa climax ng kwento nito.
“Hanggang sa naihi ako nun. Nag excuse naman ako na magpupunta lang ng banyo. Lingid sa aking kaalaman. Iyon lang pala ang hinihintay niya na pagkakataon. Nilagyan na pala nya ng droga ang tumbler na iniinom ko.
Last thing I know may nangyari na pala sa amin and worse na videohan pa. Hindi ko alam kung sino ang kasama nya na nag vivideo noon, pero isa lang ang sigurado ko. Wala ako sa tamang pag iisip ng may mangyari sa amin, Bunso. God knows, Hindi ko talaga alam ang nangyari at ginagawa ko.
Kaya ngayon hirap na hirap ako dahil hindi lang propesyon ko ang nakataya. Pati na rin ang pagsasama naming mag asawa ng Ate Kath mo ay naapektuhan na. Fuck…!” Problemadong sambit nito.
Napa hilamos na nga lang ito ng mukha sa inis. Ilang minuto rin kaming natahimik lang. Hinihintay ko kung may sasabihin pa ito.
“I see. Hindi mo kilala kung sino ang kasama ng hudas na yun? Wala ka man lang ideya, Kuya Luis?” Tanong ko habang pinipigilan ang umusbong na galit ko.
“Wala talaga akong ideya, Bunso. Hindi ko talaga kilala. Ilang beses ko ng tinanong si Maria pero tatawanan lang ako nito. Nahihirapan na nga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko? Mahal na mahal ko ang Ate mo at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nalaman nya ang ginawa kong pagtataksil sa kanya.” Ramdam ko ang hirap sa boses nito.
Mas lalo lamang kumulo ang dugo ko sa babaeng yun. Inosente pala talaga si Kuya Luis. Kailangan kong malaman kung sino ang hudas na kasama nito. Kailangan kong tulungan si Kuya Luis.
“Wag kang mag alala, Kuya Luis. Malulutas din natin ang problema mo. Tutulungan kita. Ako ng bahala sa higad na yun.” Wika ko.
“Wala ka naman kinalaman sa problema ko, Bunso. Problema ko ito. Kaya ako rin ang dapat lumutas nito. Saka ayoko na madamay ka pa. Ako ng bahala dito. Malulusutan ko rin ang sitwasyon ko. Makikiusap na lang ako kay Maria.” Sagot nito sa akin.
“Narinig mo naman ang mga sinabi niya kanina. Ilang beses ka na rin nakiusap sa kanya. Hindi naman siya pumayag, diba? Ang babaeng malandi na tulad niya ay hindi mo talaga madadaan sa maayos na pakiusapan.
Ako na ang bahala sa kanya. Basta iupdate mo na lang ako lagi. Kapag kinukulit ka nya. Akin na nga ang phone mo. Save ko ang number ko.” Saad ko pa.
Hindi naman na ito nagsalita pa at inabot na lang sa akin ang phone nito. Tinype ko ang numero ko at tinawagan ang phone ko. Nang mag vibrate ang phone ko sa bulsa ay saka ko lang pinatay ang tawag.
“I-save mo na lang ang number ko, Kuya Luis. Basta palagi mo ako i-update kung kukulitin ka na naman ng gagang yun. I mean, lahat-lahat ng gagawin niya sayo. Naiintindihan mo ba ako?” Mariing kong sabi. Tumango na lang ito.
“Kumain ka na ba?” Tanong na lang nito pagkaraan.
“Oo, tapos na. Bago ako magpunta rito ay nag lunch muna ako. Kasama ang mga pamangkin ko. So, ano nga pala ang sasabihin mo sa akin. Bakit mo ako pinapunta rito, Kuya Luis?” Tanong ko.
Yung tamod mo ba? Hahaha. Char. Magpapadede ka ba? Haha.
“Oo nga pala. Mabuti at pinaalala mo. Teka at kunin ko lang.” Sagot nito habang may kinuha ito sa drawer nito.
Isang maliit na sobre ang inabot nito sa akin. Kinuha ko ito at tinignan ang laman. Pera ang nasa loob at mukhang ilang libo iyon.
“Bigay namin ng Ate Kath mo yan sayo. Pambaon at kung ano-ano pa na magagastos mo sa school year mo.” Nakangiti nitong sambit.
“Hala…! Pero sobra-sobra naman yata ito, Kuya Luis. Saka may pera pa naman ako. Bigay ni Ate Sally at Ate Mira.” Sagot ko at akmang ibabalik dito ang sobre ng pigilan ako nito.
“Kulang pa nga yan, Bunso. Sige na. Tanggapin mo na. Baka kailangan mo rin yan balang araw. Pandagdag na rin sa gastusin mo.” Pag pupumilit nito. Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin yon.
“Salamat, Kuya Luis. Dumagdag pa tuloy ako sa gastusin niyo. Hayaan mo at titipirin ko ito. Pakisabi na lang din kay Ate Kath na salamat. Nakakahiya talaga sa inyo.” Nahihiya kong tugon dito.
“Privilege yan ng pagiging Bunso. Hahaha. Kaya wag ka ng mahiya. Mag aral ka na lang ng mabuti. Iyon na lang ang gawin mong kabayaran sa amin. Enjoyin mo lang ang pag aaral mo. Saka obligasyon namin na tulungan ka.” Sagot nito.
Eh, ang tikman ka Kuya Luis. Kasama ba sa pagiging privileged ko?
“Salamat ulit dito, Kuya Luis.” Nahihiya pa rin na sagot ko. Natawa lang ito at ginulo ang buhok ko.
Punyeta…! Ano ba ang meron sa ulo ko at trip na trip ng mga bayaw ko na guluhin. Sayang ang ginagawa kong pag aayos doon araw-araw eh.
Haaaaay naku…! Kuya Luis, dumagdag ka pa talaga sa tukso na dapat kong iwasan.
Nagkwentuhan pa kaming dalawa. Hanggang sa sabay na rin kaming lumabas ng faculty. Inihatid pa nga ako nito sa susunod na subject ko.
Kasalukuyan
“Kaya ayun. Naawa nga ako sa kanya. Ang hirap din talaga minsan maging gwapo noh. Kailangan nating alamin kung sino yung kasama ng pokpok na yun.” Sambit ko.
“Sinabi mo pa, Boss. Nakita ko na si Sir Luis. Grabe. Naiihi ako sa kagwapuhan niya. Ang ganda pa ng katawan. Halatang Hardfucker sa kama. Kaya naman hindi ko rin masisi ang mga taong humahabol sa kanya. Anyway, excited na ako sa bagong adventure na gagawin natin dito sa school. Hindi ako nagsisisi na sumunod kami sayo. Hahaha.” Tugon nito.
“Hindi ka talaga mag sisisi. Magiging kapanapanabik ang bawat araw natin dito.” Sang ayon ko kay Marikit.
Ilang sandali pa ay nag concentrate na kami sa pakikinig ng nagsasalita sa stage. Baka kasi biglang matanong iyon sa klase. Although, rules and regulations lang naman at pagpapakilala ng mga admins ang karamihan sa ipinaliwanag doon.
Tatlong oras din ang itinagal ng orientation. Cancel ang lahat ng klase ngayon araw. Punyeta. 2nd day pa lang pero ang tatamad na ng mga Prof. Ano ang matututunan namin nito?
Saktong natapos ang orientation ng lunch time. Kaya dumiretso na kaming lahat sa cafeteria. Hindi magkamayaw ang mga estudyante na nagsisiksikan doon. Napakaraming tao. Jampacked talaga.
Pagpasok pa lang namin sa loob kasama ang mga pamangkin ko ay nakarinig na kami ng mga tilian. Karamihan sa kapwa rin naming first year. Nakabuo na agad ng fans club ang mga hayop.
Well, hindi naman na kasi nakakapagtaka yon. Sa gwapo ba naman na taglay nila. Papasa talaga silang artista o modelo.
Kaya lang parang wala lang pakialam sa mundo ang mga pamangkin ko. Kahit pinagtitilian na ang mga ito. May mga saltik din talaga, eh. Tanging si Marco nga lang ang enjoy na enjoy sa atensyon na natatanggap.
I'm sure mamaya masusuka ito pag kami na lang dalawa. Never itong tumikim ng babae. Bottom to for life. Yun ang motto nya sa buhay. Mukha lang talagang pang Top ang itsura nito.
Sa wakas ay nakapasok din kami sa loob na kumpleto pa ang mga katawan namin. Kanya-kanya na rin kami ng order ng pagkain at ng matapos ay sabay-sabay din kami nag hanap ng pwesto namin. Medyo nahuli nga lang ako ng paglalakad.
Papunta na sana ako sa pwesto na kinauupuan ng mga pamangkin ko ng makita ko ang isang bading na estudyante. May balak ito na patirin ako kapag dumaan na ako sa pwesto nila.
Napangiti na lang ako habang naglalakad. Bago pa nya ako mapatid ay mabilis ko ng inapakan ang paa nya ng madiin. Yung tipong madudurog ang mga kuko nito sa paa.
“Aaarrrggghhh… Fuck…! Ang sakit… Aaarrrggghhh…!” Sigaw nito. Saka ko sya nginitian ng pagka tamis-tamis.
Mga punyetang to. Asal high school pa rin. Hindi kayo uubra sa akin. Bago nyo ako gaguhin siguraduhin nyo muna na magugulat ako sa gagawin nyo. Mga ulol…! Basang-basa ko ang kilos niyo. Pambata ang mga pambubully nyo. Mga hudas kayo…!
Pumaupo na ako sa pwesto ng pamangkin ko. Nakita rin pala ni Marco ang ginawa ko. Kaya natawa na lang ito. Tanging ang mga tao lang sa paligid at tong mga pamangkin ko ang walang kaalam-alam sa nangyayari.
“Galing mo talaga, Boss. Hahaha. Durog malamang ang kuko nun. Shuta. Hahaha.” Komento pa ni Marikit na katapat ko sa lamesa.
Ngumiti lang ako at nag simula ng kumain. Katabi ko si Abra at Klein habang katapat ko naman si Marco at katabi nito si Calvin.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain at pag kwe-kwentuhan ng may biglang isang grupo ang pumasok sa cafeteria. Nag sitayuan ang mga tao sa paligid pero tanging ang grupo lang namin ang walang pakialam sa nangyari.
Yung ibang first year nga ay naki gaya lang sa karamihan. Kahit wala rin naman silang ideya sa nangyayari. Tuloy pa rin ang tawanan namin dahil sa mga kalokohan na kwento ni Marikit. Kiber talaga namin sa kanila.
Ilang sandali pa ay may isang bading na lumapit sa pwesto namin. Hinampas nito ng malakas ang lamesa. Kaya napatigil at nakuha nito ang atensyon namin. Tumingin ako sa taong umistorbo sa pag uuspa namin.
“Wala rin talaga kayong respeto, noh. Nakita nyo nang pumasok ang leader namin tapos nakaupo pa rin kayo? Hindi ba kayo tinuruan ng magulang niyo na rumespeto sa makapangyarihan sa inyo. Ha?!” Galit na galit na sabi nito.
Medyo hawig nito ang isang Senator na lumabag noon sa lockdown protocol at nag S & R pa. Pinabaklang version nga lang.
Tinignan ko lang sya na para bang kulangot sa pader. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Marco. Hinayaan ko na ito at ayokong mapagod. Kaya sya na lang ang pinaasikaso ko.
“Bakit? Sino ba ang pumasok? Presidente ba siya ng North Korea?” Tanong ni Marikit dito.
“Aba at pilosopo ka pa talaga, ah. Etong sayo…!” Kinuha nito ang tray kung saan nakalagay ang pagkain ni Marikit. Tinaob nito iyon, dahilan para matapon ang mga pagkain na nakalagay dito.
Umani iyon ng malakas na tawanan sa grupo nito na nanonood lang sa amin.
“Iyan ang nangyayari sa mga bastos na tulad mo. Pwe!”
Wika pa nito na dinuraan pa ang lamesa namin. Ngumiti lang si Marikit sa lalaki. Saka ito tumayo. Nagulat ang kambal sa nangyari at akmang susugod na si Calvin ng pigilan ko ito.
“Relax lang. Hayaan mo na si Marco.” Wika ko na sinunod naman nito. Tahimik lang kami na pinanood ang gagawin ng kaibigan ko.
“Ganun ba. Hmmm… Alam mo ba na masama ang magsayang ng pagkain?” Umpisa na wika ni Marikit dito.
“Tangina mo wala akong pakia-------- Aaaaackkkk…!” Sagot sana nito na hindi na natapos matapos hawakan ni Marikit ang ulo nito at ingudngod sa ibabaw ng lamesa, kung saan nandoon ang pagkain na tinapon nito.
“Ayoko sa lahat yung mga aksayado sa pagkain. Hindi mo ba alam ang hirap at pawis na pinuno ng mga tao sa likod ng mga pagkain na yan? Kaya lamunin mo lahat yan…! Dilaan mo… Shuta ka…!” Sambit pa ni Marco habang ipinang punas ang mukha ng bading sa lamesa. Ginawa nitong basahan ang pagmumukha ng bading.
Lumapit ang mga kasamahan ng bading kay Marikit. Para siguro pigilan ito sa ginagawa sa kasama nila. Pero pinatigil lang sila nito. Gamit lamang ang hintuturo sa kaliwang kamay nito.
“Oooooppssss… Isa-isa lang. Mahina ang kalaban. Masyado naman kayong duwag kung umasta nyan, eh. Nakikita niyo naman na hindi pa sya tapos kumain, oh!
Wag kayong atat. Darating din ang time nyo. Kaya pumila kayo ng maayos, kung ayaw nyong manghiram ng mukha sa aso pag nangielam kayo agad…!” Saad pa nito na bakas sa boses ang pagbabanta. Rumehistro ang takot at pag aalinlangan sa kanila.
Kung hindi ko lang kaibigan at kilala ito. Kahit ako ay matatakot sa banta na inihayag nito. Agad na nahinto sa pagkilos ang mga kasamahan nito. Pinanood na lamang ang ginawang pag lampaso sa kawawang mukha ng bading.
“That's enough…! Bitiwan mo sya…! Mga putang ina nyo ang babastos nyo… Sa harapan ko pa talaga kayo gumanyan. Mga wala kayong galang…!” Malakas na sigaw ng pinaka leader na yata ng mga ito. Siya rin kasi ang sinasabi kanina ng bading na nilalampaso ngayon ni Marikit.
Deadma lang kami sa sinabi nito. Lalo na si Marikit na patuloy pa rin na nilampaso ang mukha ng bading. Sa kabutihang palad ay malapit na nito malinis ang lamesa. Hindi kasi talaga pumayag ang kaibigan ko na hindi nito higupin ang pagkain na nakakalat sa lamesa.
Mas lalong naiinis ang leader sa amin. Kaya kumuha na ito ng bangko. Saka lumapit na kay Marikit. Narinig ko ang pag singhap ng mga tao sa paligid. Akmang ihahampas na kasi nito ang bangkuan sa kaibigan ko ng biglang may pumigil sa kamay nito.
“Oh, Oh… Not a chance…” Sambit pa ng baritonong tinig na pumigil dito. Napalingon ito sa lalaking pumigil dito.
“Putang ina…! Sino ka naman, ha?! Kasama mo ba ang mga bastos na ito? Bitawan mo ako…! Hindi nyo ba ako kilala. Mga hayop kayo. Asar na asar na ako, ah…!” Sigaw nito. Halos ikaputok na ng litid sa leeg nito ang matinding galit sa amin.
“Kilala. Pero wala kaming pakialam kung sino ka. Hindi ka worth it ng time namin. Bitawan ka? Bakit hindi mo subukan kumawala sa hawak ko. Gago.” Sagot pa ng baritono na boses ng lalaki.
“Aaarrrggghhh… Ginagalit niyo talaga ako. Putang ina…!” Sigaw muli nito.
Pilit nitong inaagaw at kumakawala sa pagkahawak ng lalaki pero wala itong laban sa lakas nito. Kaya binitawan na lang nito ang bangko at bigla nitong sinapak sa mukha ang lalaki.
“Yan ang nababagay sa pakielamero na tulad mo. Sayang ka. Ang gwapo mo pa naman. Di bale, ipapadroga na lang kita para matikman ka ng grupo namin. Hahaha.” Sagot nito at malakas na natawa pa.
Pero hindi rin nag tagal ang pagsasaya nito dahil sinapak din ito ng lalaki. Sa lakas ng pwersa ng pagsapak dito naging dahilan iyon para ikatalsik iyon palabas ng cafeteria. Bumulagta ito sa lupa at mukhang kinuha na ng puting ilaw.
Laglag ang panga ng lahat ng tao sa cafeteria sa nasaksihan.
“Not the face, Baby. Not the face.” Sambit pa ng lalaki at pagkatapos ay tumabi na sa pwesto ko.
Saka lamang din binitiwan ni Marikit ang bading na nilampaso nito. Parang wala lang nga ang nangyari ng bumalik na ito sa pwesto nito.
“Bakit ngayon ka lang, ha? Ang OA ng pagka late mo. Shuta ka. Hindi kana naka attend ng Orientation. Gago ka. Ang hilig mo kasi mag puyat.” Sermon dito ni Marikit.
Parang wala lang talaga ang nangyaring kaguluhan sa inaasal namin. Maging ang mga pamangkin ko tuloy ay takang-taka sa pagka-kampante naming tatlo.
“Mari-Marco, ang aga-aga putak ka na naman ng putak. Kumain ka na lang diyan.” Sagot nito.
“Paano ako kakain. Tinapon na nga ng panget na to ang kinakain ko? Tapos—-----” Hindi na natapos ni Marikit ang sasabihin nito ng pasakan ito ng Melona ice cream sa bibig.
“That’s better. Good noon, Boss.” Sambit ni Samjo.
Ilang sandali pa ay kinuha na ng mga kasamahan nung leader ang bading na hinimatay na nilampaso kanina ni Marikit.
Dahan-dahan pa nga na binuhat ito palabas ng cafeteria. Dinaluhan din ng mga ito ang sinapak ni Samjo at tahimik na umalis. Saka lang namin napansin na pasimple pala nilang nilagay sa lamesa namin ang pink card na may nakasulat na "you're dead".
Punyeta…! Anong kabalbalan na naman ito at sinong gago ang nakaisip nito. Walang originality. My gosh…! Meteor Garden. Ano sila F4? Dinampot iyon at binasa ni Abra.
"you're dead. Rainbow 5. Ano ang ibig sabihin nito, Tito Andrei?” Tanong nito. Sa akin ito nag tanong pero napansin ko na nakatingin ito kay Samjo. Kinuha ko na lang iyon at inabot sa lalaking na nasa tabi ko.
Pinang punas lang nito iyon sa lamesa. Pagkatapos ay binilog nito ang papel saka hinagis sa pinakamalayong basuran. Pasok na pasok iyon sa loob. Shooter din talaga tong gagong to, eh.
Palakpakan tuloy ang mga taong naka saksi sa ginawa nito. Hindi sila pinapansin ni Samjo. Kaya balik na lang ulit sa kanya-kanyang pagkain at sariling mga mundo. Nawala na nga sa isip namin ang mga kumag na umiistorbo sa amin kanina.
“Nga pala, Calvin, Klein at Abraham. Si Samjo. Isa ko pang bestfriend.” Pakilala ko sa mga pamangkin ko. Ngumiti naman ito at kinamayan pa sila.
“Ang astig mo naman. Naglalaro ka ba ng basketball, Tol? Para kang si Tito lang mag shoot… Hanep yan… Lupet…!” Papuri pa ni Calvin Kay Samjo.
“Naglalaro pero hindi ko masyado sineseryoso.” Tipid na sagot ni Samjo rito.
“Tito Andrei, Mga basagulero pala ang mga kaibigan mo. Mukhang sanay na sanay sa gulo.” Nangingiting komento naman ni Klein.
“Hindi naman. Lumalaban lang kami kapag ina-agrabyado. Saka mas malala tong Tito nyo sa amin. Walang-wala kami sa kalingkingan niyan. Siya talaga ang dahilan ng gulo na kinasasangkutan namin madalas. Hindi ba, Mari–co.” Muntik pa magkamali ito sa pagtawag sa kaibigan namin.
“Gago…! Mabait ako. Wag nyo akong siraan sa mga pamangkin ko. Teka, kilala mo ba kung sino yung sinapak mo?” Tanong ko para maiba ang usapan. Tumango ito.
“Isa siya sa mga sub-leader ng Rainbow Gang na binuo ni Stephen. Yung lalaking iniimbestigahan ko ngayon. Rainbow 5 ang tawag sa kanila. Bale, lima silang tumatayong leader. Si Stephen na pinaka Boss nila. Si Endrick, Timmy, Ulysses na sinapak ko kanina lang at si Peter ang pang huli.” Paliwanag nito.
“Ang baho naman ng pangalan nila. Yun na yun. Shutangina walang kwenta pala.” Komento ni Marikit at pagkatapos ay dumila na naman sa ice cream nito.
“Makapangyarihan ang grupo nila sa school na ito. Kaya nga kinakatakutan sila ng karamihan ng estudyante. Malakas kasi ang kapit nila sa may ari ng school. Lalo na si Stephen, Ulysses at Peter. Galing sa Buena familia talaga sila. Kaya maimpluwensya sila rito.” Dagdag paliwanag pa nito.
“Shuta ka…! Kung maimpluwensya pala sila. Bakit mo sinapak yung Ulysses kung malakas pala ang kapit nun sa school?” Singit muli ni Marikit. Tapos balik na naman sa pagkain nito. Naalibadbaran ako sa ginagawa nito. Punyeta.
“So? Mas mayaman ako sa kanila. Kaya wag nila akong ginagago. Kayang-kaya kong bilhin ang buhay nila isa-isa. Saka kahit naman sino sasapakin ko. Lalo na kapag nakita kong inaapi kayo.” Sagot nito. Napangiti na lang ako sa sinabi nito.
“As if naman na kaya nila kaming apihin ni Boss. Saka, Ulol ka…! Kilala kita. Sinapak mo yun dahil sinapak ka sa mukha. Ang arte mo pa naman kapag mukha na ang pinag uusapan. Ayaw mo nga ipahawak ang mukha mo kahit kanino. Shuta.” Singit ulit ni Marco.
Punyeta…! Hindi ako maka reak sa hayop to! Panay ang singit. Mabuti na lang at dedma lang si Samjo sa sinasabi ng ugok.
“Masyadong tuso at mautak si Stephen. Gaya nga ng sabi ko. Siya ang pinaka leader nila. Kilalang brutal sa pambubully dito.
Walang pumapalag sa kanya. Maraming takot na kalabanin siya. Lahat ng lalaking matripan nito ay nakukuha nito. Kaya ilag na ilag ang mga tao sa kanya. Siguro dahil nga half of the shares ng school ay hawak ng pamilya nya. Kaya ang lakas ng loob mag mayabang. Pero yun ang akala pa nito.” Nangingiti nitong sabi.
Sa aming tatlo na magkakaibigan. Masasabi kong si Samjo ang pinaka tuso. Tuso pero siya naman ang pinaka protektor namin ni Marco.
Mabuti na lang talaga naging kaibigan ko ito. Kung hindi baka mahirapan ako na mapatumba ito. Wala rin akong laban sa yaman nito.
“Ano-anong klase na pambubully ba ang ginagawa nila?” Curious na tanong ko pa. Sumimangot si Samjo. Halatang hindi nito nagustuhan ang mga nakalap na impormasyon sa Stephen na yon.
“Malala, Boss. Sobrang lala. Kalimitan ang pinag titripan ng grupo nila ay yung mga freshmen. First Year students na kagaya ng mga pamangkin mo. Ikaw mismo nasaksihan mo kung paano nila minolestiya kahapon si Abraham.
Ganun ang ginagawa nila. Once na may natipuhan talaga sila. Literal na gagatasan talaga nila. Ipinaparanas ang matinding sex na hindi pa nila nararanasan. Dinodroga hanggang sa maging hayok na hayok na sa sex ang taong pag titripan nila. Paano ka pa nga ba makakalaban nun. Kung wala ka ng lakas para pumalag.
Walang nagrereklamo dahil kalimitan binabayaran na lang nila ng malaking pera ang pamilya ng na agrabyado nila. Bukod pa rito na tinatakot na ilalabas ang mga scandal video na nirecord ng mga ito.
Kaya ang madalas na nangyayari ay lumilipat na lang ng ibang school ang nabibiktiman nila. Tinitiis na lang ang kahihiyan ng ginawa nilang pambababoy sa kanila” Mahabang salaysay pa nito.
Lalong kumulo ang dugo ko sa nalaman ko. Putang ina yan. May ubo yata sa utak ang mga hayop na yun.
“At mukhang fan sila ng Meteor Garden, Boss. Doon nila nakuha ang konseptong ito. As you can see may tatlo silang card na nilikha para sa grupo nila. Sumasalamin dito ang kulay ng gagawin nila sa mga taong pagbibigyan nila nito. Ang GRAY card, ang VIOLET card at ang pang huli ay ang PINK card.” Dagdag pa ni Samjo.
"Shutanginames…! Ang lakas maka straight ng kulay na napili nila. Sino ba ang nag desisyon nyan ng maingudngod ko ang mukha sa inidoro. Nakakabadtrip yun taste nila.” Singit na naman ni Marco.
Natatawa tuloy yung mga pamangkin ko sa kanya, eh. Bwisit to.
“Bakit kailangan tatlo pa? Saka para saan naman yung mga yun?” Tanong ko pa.
“Let me explain. Ang Gray Card ay ibinibigay lang nila sa mga taong gusto nilang TIKMAN. Ang Violet Card naman ay para sa mga taong nais nilang pag tripan at gulpihin. At ang pang huli na pink card ang pinakamalala sa lahat. Actually, combination yun ng dalawa kulay pero hindi lang grupo nila ang pwedeng tumikim at bumugbog sa makakatanggap nito. Lahat ng estudyante sa school na may gusto. Pwedeng-pwede.” Saad pa ni Samjo.
Natahimik tuloy ang mga pamangkin ko na nakikinig sa usapan namin. Kasi nakatanggap kami ng pink card. Pangalawang beses na nga ito. Napansin naman iyon ni Samjo.
“Pero wag kayong mangamba. Hindi nyo naman kailangan matakot. Hindi nila alam kung ano ang kayang gawin ng Tito Andrei nyo. Saka kahit mukhang orangutan tong si Marikit ay maasahan ito. Nakita niyo naman ang ginawa niya sa lalaking nanggulo kanina." Natawa pa na wika nito
“Sinong Marikit yun, Kambal? Kilala mo ba?” Mahinang bulong pa ni Abra kay Klein.
Punyeta…! Nadulas na si Samjo ng hindi sinasadya. Hindi din napansin ni Marco ang sinabi nito.
“Tapos ka na? Pwede ako naman ang mag se-share ng nakalap ko?” Tanong ni Marco kay Samjo.
Tumango lang ito at nag suot na ng shades. Saka sumandal sa balikat ko. Sweet din tong kumag na ito, eh. Parang si Klein. Antukin din. Masandal lang tulog na.
“Lahat naman ng sinabi ni Samjo ay totoo, Boss. Yun din naman ang sasabihin ko sayo talaga. Subalit may nakaligtaan sya. Si Richard. Ang pinaka matagal na biktima ni Stephen. Kasama yun sa files na sinend ko sayo kagabi.” Saad ni Marikit.
“Hindi ko siya nakaligtaan. Alam ko kasing sasabihin mo yon. Kaya hindi ko na binanggit pa kay Boss.” Sambit pa ni Samjo.
“Shuta ka. Sinabi mo na sana para hindi na ako nahirapan pa magpaliwanag.” Gigil na wika pa ni Marikit dito.
“Boss? Kanina ko pa naririnig na tinatawag ka nilang ganun, Tito?” Tanong sa akin ni Abraham. Natawa tuloy ako.
“Ewan ko ba sa mga ogag na yan. Sinabihan ko na sila na wag nila akong tawagin na ganun eh. Ang kukulit.” Sagot ko rito.
“We need to help him, Boss. Ang lala ng sitwasyon ngayon ni Richard. Kung alam mo lang.” Pakiusap sa akin ni Marco.
“We will. Pero kailangan muna natin kumalap pa ng mga ebidensya laban sa kanila. Tutal nasa isang college lang naman kayo. Mas mababantayan mo sya. Ikaw na lang muna ang bahala sa kanya. Sa ngayon ay may kailangan lang muna ako dispatsahin na higad. Nagawa mo ba yung pinagagawa ko sayo, Samjo.” Tanong ko sa lalaking natutulog sa tabi ko.
Iniabot sa akin nito ang isang flash drive. Kinuha ko iyon. Alam kong nandito na ang lahat ng impormasyon na kailangan ko. Mabilis talaga ito kumilos si Samjo.
Nagbunga ang madalas na pag dikit-dikit nito sa Kuya ni Marikit. Naging tech genius talaga ito. Magaling na mentor talaga yon.
Inabot naman sa akin ni Marco ang bag na naglalaman ng laptop. Lumapit sa akin ito at bumulong pa.
“Lahat ng cctv dito sa campus ay konektado na dyan, Boss. 24/7 mo ng makikita ang mga kaganapan dito kung gugustuhin mo.” bulong nito matapos bumalik ulit sa pwesto nito.
May inabot din sakin na maliit box si Samjo. Saka bumalik ulit sa pagtulog. Mukhang napuyat nga talaga ang lalaking ito.
“Andyan na yung mga hinihingi mo, Boss. Ibibigay mo na lang sa kanila. Konektado na rin yan sa phone mo. Naayos ko na rin kagabi" Sabi pa nito.
Napangiti ako sa dalawa kong kaibigan. Maasahan ko talaga ang mga ito. Hindi ko alam kung kakayanin kong manalo sa hamon ng buhay kung wala sila sa tabi.
“Salamat sa inyong dalawa.” Sincere na pagkakasabi ko sa kanila. Napangiti lang ang mga ito.
Tinuloy pa namin ang kwentuhan habang natutulog sa balikat ko si Samjo. Ilang sandali pa ay tinawagan ako ni Tristan. Pinapapunta ako sa hideout nila.
Agad ko naman sila niyaya at dumiretso na kami sa building ng mga inhinyero. Nasa likod lang kasi nito ang tambayan ng mga pamangkin ko.
Hindi pa sila nakaka punta rito. Kaya naman ako pa ang nagsilbing guide nilang lahat. Nasabi ko na rin kay Tristan na isasama ko ang dalawa kong best friend. Para makilala na rin nila ang mga ito.
Manghang mangha sila ng makita nila ang maliit na bahay doon.
“Wow. Ang astig naman ng nakaisp nito.” Namamangha pa na wika ni Marikit.
Pagpasok namin sa loob ay naabutan namin ang iba ko pang pamangkin. Mga nakaupo sila sa napaka habang sofa. Si Tristan na nakangiti akong sinalubong, si Newt na naka apron na kakalabas lang ng kusina. Si Brandon at Thomas naman na naglalaro ng xbox sa lapag.
At ang dalawang pogi na machong kambal na nakangiti sa akin. Pamilyar na pamilyar ang itsura nila sa akin at kung tama ako ng hinala ay mga anak ito ni Kuya Jack.
“Gago! Hindi na kayo masyadong natatandaan ni Tito Andrei. Kaya wag kayong magpacute pa dyan. Magpakilala kayo. Mga tungaw.” Sambit pa ni Brandon sa dalawa. Nag tawanan naman lahat ng pamangkin ko. Kasama na sila Calvin at Klein.
“Hi, Tito Andrei. My name is Black. And this is my twin sister, Gray.” Sagot ng isa sa poging lalaki. Tawanan muli ang namayani sa loob ng bahay.
“Fuck you…!” Minura pa at sinapak ng mahina sa braso ang unang nagpakilala sa akin. Hindi nga maikakaila na kambal sila. Magkamukhang-magkamukha talaga, eh.
Hindi man ako sigurado sa mga itsura na nila ngayon pero kilala ko ang mga pamangkin kong ito. Ang lalaki na nila. Grabe ang tinangkad nila. Punyeta…! Eh, yung ano kaya nila. Lumaki na rin ba?
Agad ko silang tinalunan ng yakap. Mabuti na lang at malalakas ang mga pamangkin at nasalo nila ako. Tinumbasan din nga nila ang mahigpit kong yakap.
Punyeta…! Ang ganda talaga ng lahi mo, Kuya Jack. Lumaking masasarap ang mga anak mo. Ang bango-bango pa nila.
“Bakit ganyan ang reaksyon mo sa mga panget na to, Tito Andrei? Samantalang kami gulat na gulat ka at di mo man lang kami nakilala ng una mo kaming makita. Dito sa dalawang to ay ikaw pa ang yumakap. Unfair…!” Maktol ni Thomas.
“Sorry ka na lang dahil kami ang paborito ni Tito Andrei. Unggoy. Magrereklamo ka pa, eh.” Sagot ni Black dito na nakangisi. Kilala ko ang ngising iyon. Madalas gawin nito iyon. Lalo na kapag nang aasar ito.
Nakilala ko sila dahil ang pamilya nila ang tumira sa amin ng matagal na panahon noong mga bata pa kami. Kaya paano ko sila makakalimutan.Saka instinct na rin ang nagsasabi sa akin kung sino si Gray at si Black.
Matapos nila akong kamustahin ay saka ko lang naalala ang mga Bestfriend ko. Agad akong lumapit sa kanila at ipinakilala sila sa mga ito.
“No way…! Si Samjo na ba yan at si Marikit, Tito?” Tanong ni Black.
Punyeta. Nakalimutan ko na kilala nga din pala ng mga ito ang kaibigan ko. Dahil nakakalaro din ng mga ito yun lage.
“Sinong Marikit ba yon? Kanina ko pa naririnig ang pangalan na yon.” Tanong muli ni Abra.
Niyakap ng mahigpit ni Black si Marikit. Feel na feel naman ng hitad ang pagkaka yakap dito ng pamangkin ko.
“Wazzup!” Pasimpleng sambit naman ni Samjo sa dalawa. Agad na nilapitan ito ni Gray at may kung anong pag apir ang ginawa ang dalawa na tanging sila lang ang nakaka alam.
“Hindi ko akalain na makikita ko kayo dito. Kamusta na? Grabe ka rin talaga. Ang bato-bato mo na rin ng katawan mo. Lalampa-lampa ka pa noon at iyakin.” Pambubuska pa ni Gray.
“Hindi ako lampa at iyakin.” Depensa ni Samjo.
Habang si Marikit naman ay hanggang ngayon hindi pa rin na hiwalay ng yakap kay Black. Punyeta to…! Masyadong nag enjoy.
Namiss namin ang isat isa kaya naman hindi na ako humiwalay sa mga ito. Obvious ba sila ang paborito ko, kahit naman ang tatay ng mga ito paborito ko din eh.
Matapos makapag luto ni Newt ay sumama na rin ito sa kwentuhan namin. Adobong paa pala ng manok ang niluto nito. Pang pulutan?
“Nasaan ang alak, Kuya?” Tanong ni Calvin. Iyon din siguro ang nasa isip nito. Kaya nagtanong ng ganun.
Kaya lang ay nakatikim ito ng mga batok sa mga Kuya nito. Ipinaliwanag nila na bawal ang ganoong uri ng inumin sa tambayan nila. Lalo na kapag school days.
Pwede naman pero kung may okasyon lang. Saka pahirapan pa dahil nirerequest pa nila ito sa Dean ng mga ito para payagan sila.
“Bakit hindi na lang kaya tayo mag laro, Guys. Tutal hindi naman na tayo makaka inom. Para naman malibang tayo.” Suhestiyon ni Brandon.
“Anong laro na naman ba ang naisip mo?" Tanong dito ni Tristan.
“Pabobohan Challenge. Yung nauuso ngayon sa mga vlogs sa YouTube.” Sagot nito sa amin.
“Ay wala na. Tiyak na talo n kami sayo, Pinsan. Pinaka bobo ka samin lahat, eh.” Asar dito ni Thomas. Nabato tuloy ito ng throw pillow sa mukha.
“Akala mo talaga ay napaka sipag mo rin mag aral, eh.” Sabat naman ni Newt sa kapatid nito.
“Oo nga. Tarantado yan, eh. Hahaha. Anyway, madali lang to. Mag bibigay lang ng kahit anong category ang isang tao. Tapos bawat isa sa atin ay sasagot lang din. Ang taong hindi maka pagbibigay ng sagot ay dapat may parusa. Kailangan siyang mag tanggal ng isang bagay na suot-suot sa katawan nito. Kung sino ang maubusan ng damit ay siyang talo.” Ngisi ni Brandon.
“Tangna. Ang gulo mo mag paliwanag, Tol. Magulo pa sa bulbol ko. Hahaha.” Pag basag dito ni Black.
Mukhang na gets ko naman ang sinasabi sabi ni Brandon. Kaya ako na lang ang nagpaliwanag ng mabuti.
“Siguro ang halimbawa dyan ay magbibigay ako ng tanong. Like BANSA NA NAGSISIMULA SA LETTER P. Then sasagot ako ng Pilipinas. Tapos yung next sa akin ay kailangan din nya sumagot ng bansa na nagsisimula rin sa letter P. Ang hindi maka sagot ay ayon ang magkakaroon ng consequences. Tama ba, Brandon?” Sambit ko. Nag thumbs up pa ito sa akin.
“Tama ka, Tito Andrei. Mabuti ka pa naintindihan mo agad. Pero mas maganda yung suggestion ko na magtatanggal ng anumang bagay na suot sa katawan nya. Mas masaya yon. Kaya sige na. Pumayag na kayo. Wag na kayo maarte dyan. Para naman kayong mga bakla niyan, eh.” Hamon ni Brandon sa aming lahat.
Kinakabahan ako sa kahahantungan ng games na ito pero mukhang natapakan na ni Brandon ang mga ego ng mga kapatid at pinsan nito. Kaya lahat sila ay sumang ayon na lang.
Bago kami magsimula ay inayos muna namin ang pwesto namin. Inusog namin ang lahat ng harang sa gilid. Para naman mas malawak at makakilos kami ng maayos. Saka kami sa lapag umupo lahat ng paikot. Lahat pa naman kami naka suot ng uniform. Kaya fair talaga ang magiging laban.
Mula sa pwesto ko. Katabi ko si Tristan, na katabi ni Newt, tapos si Brandon, na katabi naman si Thomas, then si Black at Grey, na katabi si Samjo at si Marco, na katabi naman ni Calvin at Klein. Tapos si Abra na katabi naman ay ako.
Magsisimula na sana kami ng biglang may isang lalaki na dumating.
Gwapo ito. Maganda rin ang katawan. Medyo nagulat pa nga ito ng hatakin na lang bigla ni Brandon at ipatabi sa pwesto nila. Nasa pagitan tuloy ito nila ni Thomas.
Nagsimula na kaming maglaro. Nagkatinginan pa nga kami ni Marco. Hindi maitago ang ngiti sa labi nito. Mukhang mag eenjoy ito ng husto sa larong ginagawa namin.
“Okay ako na ang magsisimula. Unang Category. ‘Mga gulay sa bahay kubo’. Ako ang una. SINGKAMAS…!” Sambit ni Tristan.
Newt : Mani
“Kingina mo yun talaga unang naisip mo, eh. Libog mo naman, Kuya Newt. Hahaha. UPO…!” Sigaw naman ni Brandon.
Christof : Sibuyas.
Thomas: Bawang.
Black : Kamatis.
Gray : Luya.
Samjo : Linga!
Marco : TA--------LOOOOOOONG…!
Hayop na Marikit to. Inunahan pa ako. Iyon ng sana ang sasabihin ko. Hala baka maubusan na ako. Ayokong matalo sa larong ito.
Calvin : Sigarilyas.
Klein : Kundol.
Abra : Labanos.
Ako : Mustasa…!
Tristan : Sitaw.
Brandon : Bataw.
Christof : Patani.
Thomas : Papaya?
“May papaya ba sa bahay kubo?” Tanong ni Black sa kakambal nito.
“Gago, wala. Hahaha. Bobo mo naman, Thomas. Hahaha.” Sigaw ni Gray. Kaya naman pinag babatukan ito ng mga pinsan nito.
“Teka lang…! Bakit may pag batok. Ang usapan ay mag tanggal ng bagay sa katawan. Mga gago kayo…!” Reklamo nito pero agad naman nag tanggal na suot nitong polo.
Napalunok ako sa mga nangyayari. Nag tinginan ulit kami ni Marikit at ramdam ko ang pananabik nito. Halos pareho kami ng nararamdaman ngayon.
“Ako na ang magtatanong, okay. Ang Category ay PARTE NG KATAWAN NG TAO NA NAGSISIMULA SA LETTER T. Tite…!” Sagot ni Thomas na ikinatawa naming lahat. Punyeta talaga.
Black : Tenga.
Gray : Tuhod.
Samjo : ahmmm, Talampakan.
Marco : TUMBOOOOONG…!!!
Calvin : Taba sa katawan! Pwede yun.
Klein : Talukap. Haha
Abra : Testicles.
“Ha? Tang ina. Pwede ba yun?” Reklamo ni Brandon.
“Pwede yun, Kuya Brandon. Letter T naman, eh.” Depensa ni Abra. Tinanggap na lang namin yon. Since wala naman sa rules na bawal ang english words.
Ako : Tigyawat.
Tristan : Ah, pwede pala yung ganoon. Sige, Tutule. Hahaha
“Ang daya mo naman, Kuya Tristan. Hindi naman na yun parte ng katawan ng tao. Maghubad ka.” Reklamo ni Brandon.
Natatawa naman na nagtanggal na lang polo si Tristan. Nakasando na lang ito. Kaya naman litaw na litaw sa aming harapan ang masels nito sa braso at balikat. Nakita kong napakagat labi pa nga si Marikit.
“Okay, game na. Ako ulit ang magbibigay ng category. Hmmmm… Mga sikat na loveteam dito sa pilipinas. AlDub.” Sagot nito.
“Pota. Hindi ako mahilig sa showbiz, Kuya. Ahmmm… KathNiel?.
Christof : Ahmmm LizQuen.
“Hayop naman yan. Si Ivana at yung dancer na sumasayaw sa tiktok. Yun pandak na medyo mayabang. Ano na ba ang pangalan nun?” Tanong pa sa amin ni Thomas.
“Gago. Hindi naman yun loveteam. Maghubad ka na. Bobo mo talaga. Hahaha.” Pang asar ulit dito ni Black.
Tumayo muli ito at tinanggal na ang suot na sando. Naka topless na lamang ito ngayon. Hindi tuloy mapakali sa pwesto si Marikit.
Mukhang mahaba-haba ang mangyayari sa larong ito, ah. Subalit, lingid sa aming kaalaman. Habang nagkakasiyahan kami. May mga tao na pala ang lihim na nagmamasid sa paligid ng bahay na tinatambayan namin.
Bakas ang matinding inggit sa mukha nito. Habang tahimik lang itong naghihintay ng pagkakataon para guluhin kami.
PREVIOUS : KABANATA 32 NEXT : KABANATA 34

No comments:
Post a Comment