"Luhaan at Talunan."
Richard
Lumabas muna ako ng auditorium para lumanghap ng sariwang hangin. Nanginginig pa rin ako sa galit hanggang ngayon. Mabuti na lang at napigilan ko talagang gulpihin yung Stephen na iyon.
Kung nagkataon, baka nang hiram na yun ng mukha kay Endrick. Alam ko naman kasi na kayang kaya ko na silang labanan. Lalo na pag dating sa palakasan ng katawan. Kaya nga ako trinain nila Andrei ay para sa ganun bagay. Swerte pa rin talaga ang retokada na iyon.
“AAAAAAAAARRRRRRRRGGGGGGHHHHHHH…! Putang ina mo talaga..!” Sigaw ko para ilabas ang nanggigigil ko na galit. Ilang sandali lang ay may narinig ako na pag tawa.
Pagtingin ko sa gilid ko ay may nakita akong binata na nakatingin sa akin. Hindi nito naitago ang pag tawa nito sa akin. Tinaasan ko lang ito ng kilay.
Potaena. Akala ko walang tao. Shit. Nakakahiya.
Hindi ko na lamang pinakita na napahiya ako. Bagkus ay sinupladuhan ko pa ito. Offense is the best defense. Ika nga nila.
“Sorry, hindi ko napigilan na hindi matawa. Mukhang ang laki ng galit mo sa kung sino man, ah.” Wika nito sa akin. Ngumiti ulit ito ng pilyo kaya naman doon ko lang napansin ang kabuuan nito.
Ang gwapo naman nitong bata na ito. Nakakabighani pa ang mga mata nitong may pagkapilyo ang dating. Bagay na bagay sa mukha nito.
“Sorry. Akala ko kasi walang tao.” Paghingi ko ng paumanhin rito.
Mukhang dayo lang ito rito dahil parang ngayon ko lamang ito nakita sa university.
“Sorry rin at natawa ako. Nagulat lang kasi ako. Kanina kasi ay ang wild mo sa stage. Tapos ngayon parang gusto mo naman pumatay ng tao. Bakit ka ba sumisigaw?” Tanong nito sa akin.
Kung usisain ako nito ay akala mo ay matagal na kaming mag kakilala. Katakataka rin na tila palagay naman ang loob ko sa lalaking ito. Imbes na sagutin ito ay nakaramdam ako ng hiya dahil sa binanggit nitong sayaw namin kanina.
“Shit..! Napanood mo ang sayaw namin?” Tanong ko rito. Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko sa sobrang hiya. Ngayon ko napagtanto ang ginawa kong kalaswaan sa harapan ng maraming tao.
“Oo. Sa malapitan pa nga ako. Kaya kitang kita ko ang mga ginawa ko. Ang galing nga, eh. Kayo ang pinaka magaling sa lahat ng nag perform.” Tugon nito sa akin na lalo kong ikinahiya.
“Salamat.” Sambit ko rito. Kahit paano ay nawala na ang inis at galit na nararamdaman ko. Napakalma na ko dahil sa pag kausap nito sa akin. Laking tulong din kasi na gwapo ito.
“Simon nga pala.” Wika nito sabay lahad ng palad nito sa akin. Tinanggap ko iyon at kinamayan ito.
“Richard.” Sambit ko habang patuloy lamang kaming nagkakamay. Ang lambot ng mga kamay nito. Halatang hindi naghuhugas o nag lalaba man lang. Mukha rin anak mayaman.
Nang mapansin nito na matagal na ang pagsisiklop ng mga kamay namin ay binitawan na rin nito iyon. Masyado ko rin inenjoy dahil hindi naman ako nag reklamo.
“Dayo ka lang dito?” Tanong ko pagkaraan. Tumango naman ito.
“Oo, pinapunta lang kasi ako ng kapatid ko rito para manood at kunan na rin sila ng larawan kasama ang mga kaibigan niya. 1st year college ako. AB Journalism.” Saad nito sa akin.
“I see. Kaya pala hindi ka pamilyar sa akin.” Sambit ko na lamang rito. Ngumiti lang ito sa akin.
Gusto ko pa sanang kausapin ito kaya lang ay baka hinahanap na ako sa loob. Sakto naman iyon ng makita kong paparating si Marikit.
"Senpai, Tara na. Iaannounce na ang mananalo." Sigaw nito sa akin habang papalapit ito. Nang makalapit ito ay sinipat pa nito si Simon. Napangisi pa nga ito sa akin.
“Ahmmm.. Sige, una na kami sa loob. Nice to meet you, Simon.” Paalam ko rito. Saka ko hinila na si Marikit pabalik sa auditorium.
“Grabe talaga ang ganda mo, Senpai. Mapanganib. Shuta. Para kang pang huli ng isda na kung saan saan nakakabingwit ng Tite.” Natatawang sambit nito sa akin.
“Anong koneksyon ng Tite sa pamingwit?” Tanong ko rito na ikinatawa lang ng siraulo kong kaibigan.
Hindi ko na lamang inintindi iyon dahil palagi naman ganun si Marikit. Akala siguro nito ay nilalandi ko na si Simon.
Magka katabi sa stage ang lahat ng grupo na nag sayaw kanina. Kabilang na nga kami. Katabi namin ang grupo nila Endrick. Nang tingnan ko ito ay masama ang tingin ipinupukol nito sa amin.
Nginitian ko lamang ito. Alam kong nasaksihan nito kung paano namin nilandi si Pietro sa harapan nito. Kaya hindi lamang si Stephen ang umuusok sa galit ngayon. Maging ito rin ay galit na galit at hindi mainpinta ang mukha sa inis.
"Kita nyo nga naman. Pang world class ang hinanda ng ating mga kalahok sa araw na ito, Partner. Unang bahagi pa lamang ito ng selebrasyon ng pagkakatatag ng College Education sa ating unibersidad, pero pasabog na.
Kasabay na rin ng pagdiriwang natin ang pride month para sa mga kapatid natin sa lgbt plus community. Sinong mag aakala na mga straight lahat ang mga sumali. Nakakatuwa naman. Palakpakan po natin silang lahat." Natutuwang smabit ni Rosalinda.
Nag palakpakan naman ang mga lahat ng nasa auditorium kabilang na ang mga hurado.
"Straight daw? Duh..! Baka straight sumubo. Hahaha. Kung alam mo lang girl" Komento pa na tugon ni Marikit rito na ikinatawa ko.
"Tama ka dyan, Partner. Initially, dapat iaannounce na natin ang nanalo. Subalit, sobrang nahirapan talaga ang mga hurado natin sa pagpili ng pagwawagi. Dama ko ang pag hihirap nila. Dahil kahit ako ay nahirapan pumili. Pero may paborito akong performance. Ikaw ba, Partner. May na bet-an ka ba sa kanila.?” Tanong ni Fernando ang co host ni Rosandlina.
Natsitsismis na bading ito pero hindi naman nito iyon inaamin. Katunayan ay mag girlfriend ito ngayon.
“Of course, Meron. Pero syempre sa akin na lang iyon. Dahil nga nahirapan ang mga hurado natin na mag isip ng mananalo ay humantong sila sa desisyon na pag labanin pa muli ang dalawang grupo. Ang dalawang grupo na mag aadvance sa Final Round. Agree ba kayo roon, guys?" Sigaw nito sa mga manonood. Hiyawan naman ang mga tao na naroon.
Hindi naman namin inaasahan na may ganoon palang twist na mangyayari. Pakana na naman siguro ito ni Stephen. Potaena.
"Shuta...! Ano to, beauty contest? Mabuti sana kung yung kalaban natin may mga beauty. kaya lang wala. Walang wala. Unfair..! Booooooo…!" Malakas na komento ni Marikit na rinig na rinig nila Endrick dahil katabi lang namin sila.
Duda ko pa nga na halatang ipinarinig nito iyon sa mga panget.
Nang tumigil na sa kakasigaw ang mga manonood ay nagsalita na muli si Rosalinda.
"Hawak ko na ang papel ng dalawang mag lalaban muli at isa sa kanila ang tatanghalin na mananalo sa patimpalak na ito. Malaki ang prizes na mapapanalunan nila kung sakali, pero saka na natin sasabihin yun kapag nanalo na sila. Para surprise, diba guys" Sabi muli ni Rosalinda.
Magaling talaga si Andrei. Ang advanced nito mag isip talaga. Palagi itong handa. Kasi bago pa lang sabihin ni Rosalinda ang twist na ito ay nasabi na sa amin nito na baka ganoon ang mangyari. Hindi nga ito nag kamali. Tama nga ito ng hinala.
"Ang unang team na pasok at lalaban muli.... *drum rolls* Team Endrick...!" Nag talon talon pa ang katabi namin sa saya.
"Shuta...! Akala mo naman nanalo sa pbb house kung makapag celebrate. Mga chakang ito.." Singhal ni Marikit sa mga ito.
Nginisihan lang kami nila Endrick at pumunta na ito sa kaliwang bahagi ng stage katabi si Rosalinda. Binati ito ng congratulations ng babae. Matapos nun ay si Fernando naman ang nag salita.
"At ang team na makakalaban nyo, ay walang iba kundi.. *drum rolls* Team Richard!" Sigaw naman ni Fernando.
Hindi ako nagulat sa pagpasok namin sa final round. Nagulat ako sa lakas ng pag sigaw ni Marikit. Hinampas hampas pa nito ang dibdib nito mala Tarzan. Sigawan at palakpakan ang mga manonood. Pumunta na kami sa kanan ng stage.
Akala ko ba oa sila Endrick. Mas oa din ito mag celebrate puta.
"Kayong dalawa ang mag lalaban at isa lamang sa inyo ang tatanghalin na mananalo. Congratulations to the both of you. KINGS….! Handa na ba kayo mapanood muli silang mag pasiklaban!?" Hiyaw ni Rosalinda sa manonood.
“Handa na….!!!!” Sabay sabay na sigaw at hiyawan ng mga ito.
“Okay. Mag jack en poy muna kayong dalawa. Sino ang representative niyo?” Tanong ni Fernando sa amin.
Ako na ang nag volunteer sa amin ni Marikit. Habang si Endrick naman ang sa kanila. Nagwagi ako sa laban kaya naman nag desisyon ako na sila na ang mauna. Para naman sa amin ang focus ng lahat pagkatapos.
“Isa na naman pagkakamali na desisyon ang ginawa mo, Richard. Wala ka talagang kadala dala. Pweh.. Lalampasuhin namin kayo. Watch..! Pokpok.” Pang aasar pa nito sa akin.
Mukhang confident ang mga ito sa gagawin na sayaw. Halata talaga na plinano na ito ng Rainbow Gang kaya naman hindi na ako nagulat pa. Hindi naman talaga patas ang mga ito kung lumaban.
K pop naman ang Tema ng sasayawin ng bawat team. Binigyan kami ng 30 minutes para mag handa sa likod ng stage.
Agad naman kaming tumalima sa instruction nito. Pag balik namin agad ni Marikit sa likod ay naroon na si Andrei at Samjo. Dala na rin ng mga ito ang damit na gagamitin namin.
“Akala siguro ng mga hunghang na ito ay hindi tayo handa. Pwes, makikita nila. Bwahahahaha.” Natatawa na wika ni Marikit. Pati ako ay nahawa na sa kasiyahan nito.
Napanatag ang loob ko dahil magkasama na kaming apat. Ikaw ba naman ang mag karoon ng mga kakampi na tulad nila. Wala ka talagang katatakutan.
Nag tanguan lang kaming apat at napangiti sa isa’t isa. Ang laking pasasalamat talaga namin kay Andrei. Kung hindi dahil dito ay baka natataranta na kami.
Habang ang team naman nila Endrick ay abala na sa pagbibihis. Hindi na rin kami nagulat kung bakit kasama na sila Peter at Stephen sa performance ng mga ito. Planado nga nila ng mga hinayupak ang lahat.
Basang basa talaga sila ni Andrei. Ang husay. Kung kanina ay lima ang team ni Endrick. Bumaba na lang ang mga ito sa apat. Tiyak din namin na yun ang sasayawin nila dahil yun din ang bago at uso ngayon. Yun sana ang sasayawin namin kaya lang, magkapareho lang kami ng sasayawin. Baka isipin pa nila na nanggaya kami.
"Humanda na kayong matalo, dahil tiyak na magiging talunan kayo ngayon." Kumpiyansang sagot pa sa amin ni Stephen.
May gana pa itong mag taray matapos kong masampal at maisubsob kanina. Walastik talaga tong tao na ito. Walang kasing kapal ang pagmumukha. Ang lakas ng apog talaga.
“Bring it on.. Bitch…!” Sambit ko rito na hindi natatakot. Tinignan lamang ako nito ng masama.
Hinanap ko sa paligid si Emmet pero hindi ko ito nakita. Natagpuan kaya nito iyon ng hinabol nito kanina. Ang napansin ko lang ay panay ang tingin ng boyfriend ni Peter sa gawi namin. Partikular sa gawi ni Marikit.
Lumipas pa ang ilang minuto at tinawag na muli ang grupo nila Stephen sa stage.. Nang makaalis ang mga ito ay kinausap kami ni Andrei.
"Tayo ang mananalo ngayon, ipakita natin sa kanila na mali ang kinalaban nila..! Sakali man na mag kadayaan muli. Ayos lang basta alam ng mga tao na tayo ang nanalo. Duda kasi ako na tinatakot nitong retokada na ito ang mga hurado. Gawin natin ang best natin sa sayaw na ito." Sigaw na paalala sa amin ni Andrei habang nakapabilog kamng apat.
Ang astig ng damit namin. Kuhang kuha ang design ng damit na sinuot ng grupo na sasayawin namin. Mas pina astig lang at ginawang pan lalaki yung style. Kaya bagay na bagay talaga sa amin iyon. Shit..! Nag selfie muna kaming apat para may remembrance din ako.
Rinig namin ang hiyawan at palakpakan ng mga manonood habang naghihintay kami sa likod ng stage. Hindi na ako nakakagulat na How you like that ng Blackpink ang sinayaw ng mga ito. Hindi na rin namin pinanood pa ang pagsasayaw nila.
"Wala rin naman kasing kwenta yun. Kaya masasayang lang tayo ng oras doon." Sagot pa ni Marikit sa akin ng tanungin ko kung panonoorin ba namin iyon.
Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na rin ang mga kupal sa pagsasayaw. Tinarayan pa nga kami ng mga ito ng maka salubong namin sila. Dedma lang kaming lahat at dumiretso na ng lakad paakyat sa stage.
Nag handa na kami sa stage. Pinapatay rin namin ang ilaw para may konting drama kami. Pasasabugin namin ang auditorium na ito. Papasabugin sa matinding hiyawan at palakpakan.
Inabutan na kami ng tag iisang mikropono ng organizer. Pumuwesto na kami para simulan ang gagawin namin performance.
Tumapat isa isa sa amin ang spotlight at bigla muli iyon nawala at nag dilim ang paligid. Saka na nag umpisa ang tugtog na sasayawin namin.
"I go by the name of Marco of Team MARS. It's been a long time comin', But we're here now. And we bout to set the roof on fire baby. You better get yours, cuz I'm getting mine" Simula ni Marco.
Halos dumagundong ang sigawan ng mga tao at ng bumalik ang liwanag sa buong auditorium ay lumitaw na kaming apat sa harap ng stage. Kaya naman nag sigawan muli ang mga ito. At nakisabay pa.
Andrei & Samjo
(Eh eh eh eh eh eh eh) 2NE1
(Eh eh eh eh eh eh eh) You'd better ring the alarm
(Eh eh eh eh eh eh eh) We 2NE1
(Eh eh eh eh eh eh eh) Hey hey hey hey
Marikit
Come in come in come in, dareun sesangeuro
jigyeopgimanhan gomineun ije deungeul jigo
lalalala gashigeomneun naye konnoraero
hahahaha dashin neol biutji motadorok. Richard….!
Sigaw ni Marikit hudyat na para ako naman ang kumanta ng part ko.
Richard
Now let's chumeul chumeul
chumeul chweoyo Wanna get down?
Nag split ako na alam kong hindi aasahan ng mga manonood maging sila Marikit at Andrei nagulat sa ginawa ko. Pinag patuloy ko lang ang pag kanta ko.
boda keun kkumeul kkumeul
kkumeul kkweo sesangeun nae mamdaero
da hal su itgie keun jayureul wihae Tonight tonight oh
Hindi pa nag sisimula ang kanta pero sigawan na sila ng makita nilang part na ni Andrei. Sobrang lakas talaga ng dating ni boss. Ang daming fans nito. Kung sasali ito at si Samjo ng Mr. University ay malamang ay isa sa kanila ang manalo talaga.
Andrei
nae nunbiche binnaneun byeoldeuldo
nae shimjangsogeul taeuneun jeo bulppitto
yeongweonhajin anketji But ireulgeon eopji
Ooohhh ooh
Oooh wooh yeah
Nang dumating na ang chorus at nag sabay sabay kami, halos mag wala na ang lahat ng tao. Tumayo pa, kumanta at nakisayaw sila sa amin.
nan mi mi mi mi mi mi michigo shipeo
deo ppalli ttwi ttwi ttwi ttwi ttwi ttwi ttwi ttwigo shipeo
jeo nopeun bilding wiro jeo pureun haneul wiro
keuge sori ri ri ri ri ri ri chigo shipeo
Hindi pa yun natapos ng si Samjo naman ang kumanta. Patuloy lang silang nakisabay sa amin. Para tuloy concert ang dating at nag peperform kami sa harapan nila.
Samjo
You got that fire naye gaseumeul kung kung kung
You gotta drop it like it's hot jigeum meomchuryeohaji ma
Ooh that fire nae meorisogeul bum bum bum
I gotta drop it like it's hot meomchuryeohaji ma.
Eh eh eh eh eh eh eh eh
2NE1
Eh eh eh eh eh eh eh eh
You better ring the alarm
Eh eh eh eh eh eh eh eh
We 2NE1
Eh eh eh eh eh eh eh eh
Samjo
Meoriga chalrang chalrang chalrang chalrang daedoreuk
Eongdeongil salrang salrang salrang salrang heundeulo
Meoriga chalrang chalrang chalrang chalrang daedoreuk
Eongdeongil salrang salrang salrang salrang heundeulo Uh
Pagkatapos nun, ay sinigaw muli ni Marikit ang pangalan ko at pumatapat sa akin ang spotlight. Kaya naman nag head spin ako. Na ikinatuwa ng manonood.
Tumutugtog pa rin ang chorus ng kanta at ng malapit na matapos ito ay sabay sabay na kami pumosisyon sa harap at nag last pose kaming apat ng tumigil na ang kanta.
Palakpakan at sigawan ang lahat ng tao roon sa loob ng auditorium. Maging kaming apat ay napangiti na lang kaht hinihingal pa ang bawat isa sa amin.
Sobrang saya lang ng ginawa namin. Ngayon lang ako nakaramdam ng totoong saya kasama ang masasabi kong mga totoong kaibigan ko. Nag uumapaw ang kaligayahan ko. Maluha luha ako sa tuwa.
Bumalik na kami sa likod ng stag. Subalit hindi namin inaasahan ang madadatnan roon.
"Hi, Tito Andrei. Long time no see. Gulat ka ba? Ako rin, eh. Hahaha. Miss me?" Sabi ni Beatrice kasabay ng pag halakhak nito.
Kitang kita ko kung paano nito pinusan ang labi ni Tristan gamit ang kamay nito. Huling huli namin sila sa aktong nag lalaplapan kanina.
Habang pinapanood sila ng grupo nila Stephen. May kasama pa silang isang lalaki pero hindi ko ito kilala at ngayon ko lamang ito nakita. Walang umawat, tila natutuwa pa sa nangyayari at patuloy pa na vinideohan pa nga ito ni Timmy.
Hindi kaagad naka galaw si Andrei kanina. Nakatingin lang ito, at bakas naman sa mukha ni Tristan ang pag kalito sa nangyayari. Hindi nito alam ang gagawin dahil nakakapit ng mabuti si Beatrice sa katawan nito,
"Kinukuha ko lang ang akin. Tama lang naman iyon, di ba." Dagdag pang asar ni Beatrice dito. Natawa pa ito at todo himas sa dibdib ni Tristan. Ngumiti si Andrei rito at saka ito nagsalita habang naglalakad.
"Kaya lang kasi ay wala namang sayo, Beatrice." Rinig kong sabi ni Andrei at unti unti itong lumapit sa pwesto ng dalawa.
Mabibigat ang mga salitang binibitawan nito. Ramdam mo ang pagpipigil nitong manakit. Nakakatakot ang tunog ng boses nito. Kahit ako ay tinayuan ng balahibo sa may batok. Bawat bigkas.
Pinaghiwalay nito ang dalawa ng walang kahirap hirap. Gumitna si Andrei sa pagitan ng dalawa. Muntikan pa ngang matumba si Beatrice. Inilahad ni Andrei ang kamay nito at agad naman na inabot ni Samjo dito ang isang rolyo ng tisyu.
Maingat at dahan dahang pinunasan nito ang labi ni Tristan. Hindi naman gumalaw si Tristan at hinayaan lang nito ang Tito nito sa ginagawa nito sa kanya. Napalunok pa nga ito ng laway nito.
"Hindi ko alam kung paano ka nakatakas sa kulungan kasama ang tiyahin mo na bruha pero tinitiyak ko sayo na babalik ka roon. Hintayin mo lang." Banta ni Andrei rito. Hanggang sa matapos nitong matanggal ang lipstick na dumikit sa labi ni Tristan.
May inabot muli si Samjo kay Andrei. Isa iyong botelya na sa tingin ko ay bactidol. Agad nito iyong inabot kay Tristan. Na agad naman tinanggap ng huli at mismong nag mumog doon. Nainsulto naman si Beatrice sa ginawa ng ex nito. Bakas na bakas sa mukha ang matinding galit.
"Kailangan talaga mag mumog. Ano, may sakit ako? How dare you, Tristan. Eh, halos mag enjoy ka nga sa laplap ko sayo kanina." Sigaw ni Beatrice dito.
"Oh, talaga? Sa tingin mo maniniwala ako. Please, Try harder, Beatrice. Medyo kulang pa. At gusto ko lang maging malinis ang pamangkin ko, baka kasi alam mo na. Mag kasakit pa sya sa pag halik mo. Safety first." sabi ni Andrei rito.
Akmang sasampalin nito si Andrei pero naunahan na itong sapakin ni Andrei. Tumalsik ito kila Stephen na sinalo naman ng mga gaga. Tulog ito sa isang sapak ni Andrei.
"Sis, okay ka lang. Jusmio..! Buhay pa ba to?" Rinig kong tanong ni Peter sa katabi nitong si Stephen.
"Hindi ka na natuto. Ilang beses na kitang sinabihan na wag na wag kang lalapit kay Tristan. Punyeta ka." Sabi ni Andrei at lumapit ito kay Timmy.
Hinablot ang cellphone nito at buong pwersa nito iyong hinagis sa pader. Sa lakas ng impact nun nagka lasog lasog iyon. Napanganga na lang si Timmy sa ginawa ni Andrei.
"Ganyan dapat, Richard. Wag kang papayag na apak apakan at mag papaapi sa mga kutong lupa na ito. Protektahan mo ang pag aari mo at gantihan mo ang mga taong mang aapi sayo. Wag na wag kang papayag na dumami pa ang mga katulad nila." Wika pa ni Andrei sa akin.
Pagkatapos ay hinawakan na nito si Tristan at hinila palabas sa likod ng stage. Hindi ko alam kung saan sila pupunta pero isa lang ang nasisiguro ko. Lagot na lagot talaga si Tristan.
"Tabeeeeee…..!" Sigaw ni Marikit bigla.
Nagulat tuloy ang lahat, maging ako ay nagulat sa biglang sigaw nito.
"Dadaan ako. Wag kayong harang harang dyan.. Kung ayaw nyong samain." Sabi pa nito at isa isang tinignan ng masama ang mga naroon.
Agad na nag sigilid sila Timmy at Peter. Napangiti na lang ako sa mga inaasta nito. Mga duwag ang mga puta. Halatang takot na takot sa mga kaibigan.
Takot na takot ako sa kanila noon. Nabulag at nadala lang ako ng takot ko. Hindi ko nakita na matatapang lang ang mga ito. Kapag ang mga binubully nito ay ang mga hindi lumalaban. Gaya ko noon.
Nag huling sulyap pa ako sa kanilang lahat. Inisa isa ang mga pag mumukha ng mga tao na nang api at nanakit sa akin bago ko sinundan si Marikit.
Nagtaka pa nga ako kung bakit nag paiwan si Samjo kasama sila. Hindi ko na lamang iyon pinansin pa at naglakad na rin ako palabas ng backstage.
Hindi ko naabutan si Marikit. Malamang ay may pinuntahan na naman ito na kainan. Mabilis talaga magutom ang isang iyon.
“Oh, Hi again.” Sambit ni Simon sa akin. Napangiti ako ng makita ko ito. May dala itong bulaklak. Mukhang sa gf yata nito iyon ibibigay.
“Naks. May pa flowers pa. Sinong malas na babae ba ang pagbibigyan mo niyan.” Pagbibiro ko rito. Ewan ko ba bakit panatag ang loob ko na kausapin ito. Parang ang tagal na namin magka kilala sa inaasta namin na dalawa. Natawa lang ito sa akin.
“Sa kapatid ko ito. Nag sayaw kasi sila. Ang saya ng performance niyong apat kanina. Halatang nag eenjoy lang kayo kasama ang mga kaibigan mo. Saka ang cute mo pang ngumiti kanina. Pamatay.” Pamumuri nito sa akin.
Potaena. Ang lakas naman nitong mambola. Konti na lang at iisipin kong nakikipag flirt na ito sa akin.
“Salamat. Ang swerte naman ng kapatid mo sayo. Napaka supportive mo at sweet pa. Sana all.” Balik pamumuri ko rito. Ngumiti ito sa akin.
“Hindi naman. Napilit lang ako. Pero ayos na rin ito. Kasi kung hindi ako pumunta ay hindi kita makikilala. Nga pala, pwede ko bang makuha ang numero mo, Richard. Kung ayos lang?” Tugon nito sa akin na ikinagulat ko.
“Numero ko. Sigurado ka? Bakit naman gusto mong makuha?” Tanong ko rito. Tama bang mag assume na ako na tipo ako nito.
“Imbitahan sana kita sa birthday ko. Magkaibigan naman na tayo, di ba?” Nangingiting tanong nito sa akin.
Na hopia ako roon. Potaena. Hahaha.
“Oo naman. Friend na kita. Konti lang ang mga kaibigan ko kaya marami pang bakante. Yun ay kung matatagalan mo ang ugali ko. Hahaha. De joke lang. Pahiram na ako ng phone mo ng maitipa ko na numero ko. Wala kasi sa akin ang phone ko ngayon.” Saad ko rito. Inabot naman nito sa akin ang iphone nito at tinipa ko na ang numero ko.
Tinawagan ko na iyon para naman makita ko ang number nito mamaya. Pagkatapos ay muli ko ng binalik rito ang phone nito.
“Itext or tawagan mo na lamang ako. Sige na, puntahan mo na ang kapatid mo at hahanapin ko pa ang kaibigan ko. Baka kasi iaannonce na ang mananalo.” Wika ko rito.
“Sige. Salamat muli, Friend. Haha. Sana kayo ang manalo. Kayo ang pinaka magaling talaga.” Sambit nito sa akin. Ngumiti lang ako rito at nag lakad na para sundan si Marikit.
Sa kasamaang palad ay hindi ko nakita ang bruha. Kaya naman bumalik na lang ako agad sa auditorium.
Doon ko na ito nakita. Katabi pa nga nito ang boyfriend ni Peter at palihim na nag sisignalan ang dalawa. Anong meron sa dalawa? Hmhmhmhm..
-------------------------------------------
"Sayang noh, hindi tayo ang nanalo. Ang lakas talaga ng kapit ni Stephen sa mga hurado potek yan." Buntong hininga ko.
Narito kami ngayon sa tambayan namin. Sa bahay ng mga pamangkin ni Boss Andrei sa likod ng building ng college of engineering.
"Ano ka ba, Senpai. Ayos lang yun. Hindi naman tayo ang napahiya di ba. Saka hindi naman yun ang plano natin. Kiita mo naman kanina. Kulang na lang batuhin ng kamatis sila Endrick nung tinanggap nila yung trophy. Hahaha. Sila talaga ang tunay na talunan." Natatawang sagot ni Marikit sa akin.
Kanina kasi ng inanunsyo na ang team nila Endrick ang nanalo ay nagulat ang lahat. Panay ang boo ng mga estudyante rito at ng mag sspeech na si Endrick ay agad nag sitayuan ang mga tao at mabilis na umalis ng auditorium.
As in halos karamihan. May nabato pa nga ng kamatis sa mga ito. Nakakahiya talaga.
Pulang pula tuloy sa kahihiyan ang mukha ng mga ito. Tawa pa ng tawa si Marikit kaya naman mas lalong naasar ang team nila Endrick sa amin.
Hindi ko na nakita pang bumalik si Andrei at si Tristan, ang sabi na lang ni Marikit sa akin ay umuwi na ang mga ito. At wala ng balak pang umattend ng event ngayon sa school.
Naiwan tuloy akong kasama si Marikit at Christof. Narito nga kami sa tambayan nila. At busy kami ni Marikit mag kwentuhan, habang sila Christof at ang iba pang pamangkin ni Andrei ay busy sa paglalaro ng Xbox.
Mayamaya pa ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Pietro.
"Hello, Richie boy. Nasaan ka?" Tanong agad nito sa akin. Bakas sa boses nito ang pagkataranta.
"Kasama ko sila Marco at Christof. Bakit? May nangyari ba?" Balik tanong ko rito. Bigla akong kinabahan.
"Nandito ako sa condo ko ngayon kasama si Endrick. Mukhang balak akong lasingin ni Endrick, Richie boy. Pwede bang pumunta kayong dalawa ni panget ngayon dito. Please." Pakiusap nito.
Hindi ko na kailangan pang tawagin ang pansin ni Christof dahil agad na itong lumapit sa akin. Lalo na ng malaman nito na si Pietro iyong kausap ko.
"Oo, papunta na kami ni Christof. Ikaw lang ba at sya ang nandyan?" Tanong ko dito habang kinuha ang bag ko.
"Oo, nasa cr sya ngayon. Bilisan nyo, please." Sagot nito sa akin. Nataranta naman ako sa sinabi nito.
Agad kong sinabi kay Christof ang pag uusap namin at bakas din sa mukha nito ang pag aalala. Kaya naman nag handa na kami para umalis.
Palabas na sana kami ng tinawag ako ni Marikit at may inabot ito sa kamay ko. Hindi ko pa naunawaan ang plastic bag na inabot nito.
"Iba na ang ready...! Good luck, Senpai. It's time to double double again. Yeaaaahhhh….!" Sagot nito na ikinalaki ng mata ko.
Mukhang alam ko na ang laman ng supot na iyon. Inilagay ko na lang iyon sa loob ng bag ko. Narinig ko pang nag tanong ang isang kambal kay Marikit. Si Black yata iyon.
"Ano ang inabot mo kay Richard?" Tanong ni Black dito.
"Ano pa ba. Eh, di Kapote...!" Sabi ng walang hiya na natatawa.
Hindi ko na nakita o narinig pa ang reaksyon ni Black dahil nag lakad na kami papunta sa parking lot. Patungo sa kotse ni Christof.
Nang maka sakay na kami ay tinawagan ko si Pietro. Subalit hindi na ito nasagot pa sa tawag ko.
"Hindi na nya sinasagot ang tawag. Paano natin malalaman kung saan yung condo nya?" Tanong ko kay Christof.
"Wag kang mag alala. Alam ko kung saan. Mag seatbelt ka na, Richard." Sagot nito sa akin.
"Ahh" Yun na lang ang nasabi ko sa sagot nito. Mabuti ito alam ang condo ni Pietro. Samantalang ako hindi. Mukhang mas nagiging malapit na talaga ang dalawa. Bagay na ikinatutuwa ko.
Ang bilis nito mag patakbo ng sasakyan. Akala mo naman may humahabol sa amin o nakikipag karera kami. Naiintindihan ko naman na masyado rin itong nag aalala kay Pietro. Napangiti na lang ako dahil noong una ay parang aso't pusa ang mga ito sa tuwing nakikita.
Ngayon ay mag kaibigan na talaga ang dalawa. Halata na ang concern sa bawat isa. May magandang naidulot rin talaga ang mga masasakit na nangyari sa akin. Hindi lang pala puro sakit.
Ilang saglit pa ay narating na rin namin ang condo ni Pietro. Medyo malapit lang din pala ito sa apartment namin nila Emmet. Kaya pala madalas ako nito hintayin dati sa sakayan ng bus.
Agad na ipinarada ni Christof ang sasakyan nito. Nang makababa kami ay nag lakad kami agad papasok sa loob ng condo. Tinanguan lamang ito ng guard na nasa loob at pumasok na kami sa elevator.
Mukhang kilala ito ng mga guard doon. Madalas ba itong mag tungo sa condo ni Pietro. Napatingin na lang ako dito ng pindutin nito ang numerong otso. Maging ang palapag kung saan naroon ang unit ni Pietro ay alam nito.
Napatingin din tuloy ito sa akin pag katapos. Huling huli ako sa akto na nakatingin dito. Patay malisya na lang ako.
Nang marating namin ang 8th floor ay naglalakad pa kami sa may bandang dulo. Nasa likod lamang ako ni Christof dahil hindi ko naman alam kung saan banda ang unit ni Pietro. Nakabuntot lang ako rito.
Nang tumigil ito ay inabihan ako nito na tawagan muli si Pietro, na ginawa ko naman. Subalit hindi talaga nito iyon sinasagot.
Ilang saglit pa ay may pinindot na si Christof na passcode sa may pintuan ni Pietro at tumunog iyon pagkatapos. Senyales na tama ang nilagay nito doon.
Wow...! Maging iyon ay alam ni Christof. Nakaka bilib. Sobrang close na nga talaga ng dalawa. Nainggit ako ng slight.
Dali dali itong pumasok sa loob. Naglalakad ng mabilis patungo sa isang kwarto roon. Nasa likod lang ako nito kaya naman ng buksan nito ang pintuan, ay tumambad sa amin ang nakataling si Pietro sa kama.
"What the fuck..!" Sambit ni Christof. Nag kawag kawag si Pietro habang nakatali ito. May busal din kasi ang bibig nito.
Nilapitan ito ni Christof at inalis ang pag kaka busal dito.
"Mag tago kayo sa cabinet. Madali kayo..!" Wika nito sa mahina pero matigas na boses.
Nag tinginan kami ni Christof. Binalik muna namin ang pagkakabusal sa bibig ni Pietro at agad na ako nito hinatak patungo sa cabinet na malapit sa kama.
Sa laki ni Christof ay napag kasya nito ang sarili nito at ako sa loob ng cabinet. Magkadikit at magkaharap ang aming mga katawan. Masyadong malapit ang mga mukha namin sa isa’t isa.
Seryoso din ang mukha nito. Ilang minuto din kami hindi kumilos at lumikha ng ingay sa loob. Nag tititigan lang kami at nakikiramdam sa nangyayari sa kama ni Pietro.
Mayamaya pa ay narinig namin bumukas ang pintuan ng kwarto ni Pietro.
"Hi, Mine. Nainip ka ba? Don't worry maya maya lang ay siguradong titirik na rin ang iyong mga mata. Aww. Nakabusal ka nga pala kaya hindi ka maka sagot. Teka alisin natin. Be a good boy, ah. Kung ayaw mong masaktan." Boses ni Endrick.
"Walang Hiya ka, Bestot. Pakawalan mo ako rito. Gago ka..! Ano bang pumasok sa kukote mo at ginagawa mo ang bagay na ito." Bulyaw ni Pietro dito. Tumawa lang si Endrick ng malakas.
"At ikaw, Bestot. Hindi? Patawa ka. Tama bang pag laruan mo ang puso ko. Akala mo naman siguro hindi ko mapapansin ang ginagawa mo. Hindi ako kasing bobo ng iniisip mo. Sino nag utos sayo niyan? Ang LOSER na si Richard..? Sumagot ka..!." Bulyaw ni Endrick kay Pietro. Hindi sumagot si Pietro sa sinabi nito.
So, alam pal nito ang plano ni Pietro. Paano nitong nalaman?
"Sa susunod kasi ay wag kang magpapahuli. Nakakagigil. Tang ina nyong dalawa ni Richard. Ang sarap talagang patayin ng hayop na iyon. Lagi na lang siyang balakid sa mga plano namin.
Una ang crush kong si Emmet tapos ngayon naman ang mahal ko. Putang ina niya..! Pero wag muna natin siyang alalahanin. Ang importante ay yung ngayon. Yung tayo, Bestot.
Nakikita mo ba itong red pill na hawak ko, Bestot?" Rinig pa rin naming tanong ni Endrick dito.
"Tangina mo...! Wala akong pakialam sa sinasabi mo at sa hayop na pill na yan. Pakawalan mo ako ritong gago ka..!" Galit na turan ni Pietro kay Endrick
"Hahahaha. How sad. Hindi ka interesado sa bagay na ito. But anyway, sasabihin ko pa rin. Alam mo ba ang magiging epekto nito sayo kapag nainom mo ang pill na ito, Bestot ha? Ayaw mo bang malaman? hahahaha." Tanong ni Endrick kay Pietro.
"As if naman na inumin ko yan, gago..! Pakawalan mo ako dito. Binulag ka na ng kalibugan mong tangina ka. Pati sarili mong bestfriend ay tinatalo mo. Wala kang kasing sama. Pare pareho kayo ng mga kaibigan mo. Mga demonyo." Galit na turan ni Pietro rito.
"Matagal na kaming demonyo at ipapakita ko sayo kung bakit ako isang miyembro ng sinasabi mong demonyo.
Dahil oras na nainom mo na ito ay magiging akin ka na. Hindi ka na maiinlove pa kay pokpok na Richard. Masosolo na kita.
Oras na mainom mo ito. Ang buong isip, puso at katawan mo ay wala ng ibang iisipin pa kundi ako na lang. Hahahaha. Ako na lang ang magiging mundo mo, at wala ka ng magagawa pa kundi ang pasiyahin ako. Hahaha" Natatawa na sabi ni Endrick.
Nakita ko ang galit na bumakas sa mukha ni Christof. Ramdam ko rin ang pagkuyom ng mga palad nito na nakadikit sa akin.
"Tangina mo ulol...! Mangarap ka. Hinding hindi ako mapapasayo. Nakakadiri ka. Tama nga ang sinabi ni Elise sa akin. Masama kang nilalang. Sinayang mo lang ang tiwala ko sayo. Gago ka. Pakawalan mo ako dito. Tang ina mo...!" Sabi ni Pietro at nakarinig kami ng pag langitngit ng kama.
Mukhang pinipilit nitong makaalis sa pag kakatali nito. At malakas na pagsampal sa pisngi. Pagkatapos ay narinig rin namin na tumawa ito ng malakas. Para na itong baliw talaga.
Pilit kong inabot at hinawakan ang mga kamay ni Christof. Kailangan nitong kumalma at baka mabuko pa kami ni Endrick rito.
Wala talagang kasing sama ang grupo nila Stephen. Tila namana na iyon ni Endrick. Hindi ko akalain na naging BES ko ang hayop na katulad nito.
Ilang sandali pa ay narinig nalang namin ang boses ni Pietro na sumisigaw. Pumapalag palag siguro ito kay Endrick.
"Aaaagggghhhh...! Tangina ka, Endrick. Bitiwan mo ako. Tangina ka...!" Sigaw ni Pietro.
"Wag ka ng manlaban pa, Bestot. Mas mahihirapan ka lang. Matatagalan pa tayo. Wag kang mag alala. Mag eenjoy ka rin naman, eh. Mahal kita kaya hindi magiging problema yun. Sasambahin kita at magiging masaya lang tayo habang buhay. Mas magiging masaya ka sa akin. Kaysa sa baklang si Richard.
Putang ina, ibuka mo ang bibig mo..!" Galit na wika ni Endrick rito.
Bago pa man may mangyari na hindi maganda kay Pietro ay dahan dahan na akong lumabas sa cabinet na pinagtataguan namin.
Hindi ito napansin ni Endrick, dahil abala ito sa pagpapabuka ng bibig ni Pietro. Dahan dahan akong lumapit rito at hinawakan ko kaagad ang buhok nito.
Ubod lakas kong kinaladkad ito palayo kay Pietro. Sa gulat nito at hindi inaasahan na pag sulpot ko ay hindi agad ito nakapag reak. Nabitawan pa nito ang red pill na hawak nito.
"AAAAAAAAHHHHHhHHhh.. H-Hayop ka, Richard...! Anong ginagawa mo dito. Kingina ka...! Aray kooo… Putang ina mo.." Galit na turan nito. Pilit itong kumakawala sa pagsabunot ko pero mas malakas ako.
Nang hawakan nito ang mga kamay ko na nakasabunot sa buhok nito ay malakas na iniumpog ko kaagad ito sa may cabinet na pinasukan namin kanina.
"AAAARRRRGGGGHHHH.. Aray ko.. Putang ina mo, Richard..!" Sigaw nito ng tumama ang ulo nito sa cabinet.
Kulang ang pwersa na ginamit ko rito. Kaya hindi ito hinimatay. Kaya naman sa pangalawang pagkakataon ay hinawakan ko ang ulo nito at iniumpog muli iyon sa cabinet. Mas dobleng lakas na ang ginamit ko roon.
Finally, hinimatay na rin ang tarantado. Hindi ko pa talaga kaya ang ginagawa nila Andrei at Marikit na isang umpog lang ay comatose na ang kaaway. Hinayaan ko lang ito na dumausdos sa sahig.
Nang lumingon ako sa pwesto ni Pietro, ay nakita ko si Christof na tinutulungan na makawala si Pietro sa pag kakatali nito sa kama.
"Ayos ka lang, Panget?" Rinig kong tanong pa ni Christof kay Pietro.
"Oo, ayos na ako. Nandito na kayong dalawa, eh. Tangina. Muntik na ako roon. Mabuti na lang at dumating kayong dalawa." Sagot nito na natatawa pa.
Nang makawala ito ay agad nitong niyakap si Christof. Akala mo mag jowa lang ang dalawa kung umasta. Itinulak naman agad ito ni Christof at naiinis na binulyawan ito.
"Talagang may gana ka pang bumanat at tumawa sa sinapit mo. Gago ka ba..!" Inis na turan ni Christof rito.
Napakamot naman ito sa ulo ng makitang naiinis ang mukha ni Christof.
“Sorry na. Pinapagaan ko lang naman ang sitwasyon.” Paghingi nito ng paumanhin sa amin.
"Ano bang nangyari, Pietro. Bakit nabuko ka ng tarantado na ito?" Tanong ko pagkaraan ng nakatayo na ito.
"Hindi ko rin alam, Richie boy pero pakiramdam ko nahulaan nya yun mismo. Nararamdaman niya siguro na wala talaga akong feelings sa kanya. Ayoko kasing halikan ang gago na yan. Hindi ko maatim na kahalikan. Nandidiri ako. Hindi ko alam kung bakit. Pag sa inyong dalawa naman ay okay na okay ako. Sarap na sarap pa nga. Tinitigasan pa." Sagot nito sa amin dalawa ni Christof.
Nagtamo tuloy ito ng batok kay Christof. Lumapit pa ako rito at kinurot ito sa tagiliran nito. Puro biro, eh. Mainam na mag sama ito at si Marikit talaga.
"Ang seryoso niyong dalawa. Nagbibiro lang, eh.” Sambit nito pagkatapos namin masaktan. Ang totoo niyan ay kinikilig naman ako sa sinabi nito. Katunayan lang na espesyal kami para rito.
“Mabuti natawagan mo pa si Richard. Kundi baka naging puppet ka na ni Endrick at ng grupo nila Stephen." Seryosong sabi naman ni Christof rito.
"Gago ka kasi. Ikaw ang una kong tinatawagan pero hindi mo naman sinasagot. Nakakainis ka. Mapapahamak na ako pero dedma ka lang." Biglang pag simangot nito kay Christof.
"Busy ako. Ikaw lang ba dapat maging busy, ha? Hindi ba yan din naman ang sinabi mo sa akin noong nakaraan." Nag tagisan ng titigan ang mga ito.
“Kaya ba gumaganti ka, Panget. Yun ba ang ibig mong sabihin sa akin. Alam mo naman kung bakit ako abala, di ba.” Sagot nito kay Christof. Habang nag sasagutan ang mga ito ay patuloy lamang dumadami ang gitla sa noo ko.
Kay bago pa mapunta sa kung saan ang pagtatalo ng mga ito ay inawat ko na. Pumagitna na ako sa dalawa.
“Kumuha ka muna ng upuan sa sala. Bilis na, Christof. May gagawin pa tayo. Mamaya na kayo mag bangayan.” Utos ko rito. Tumalima naman ito at lumabas na ng silid ni Pietro.
Kakailanganin ko yun. Doon ko kasi papaupuin itong ahas na si Endrick. Panali na lang ang kulang. Yung mga tali na lang na ginamit kay Pietro ang kinuha ko.
"Wag ka ng sumimangot dyan. Hindi bagay sayo. Para kayong tanga na dalawa. Daig niyo pa ang mag jowang nag tatalo." Sabi ko kay Pietro. Nakabusangot kasi ang mukha nito.
Kanina pa ako may napapansin sa dalawa pero hindi na lamang ako nagsasalita. Baka mali lang ako ng hinala. Baka masyado lang talagang close ang dalawa. Hindi kasi ako madalas nakakasama sa kanila. May mga ginagawa kasi ako na importante.
"Salamat, Richie boy. Ano na ngayon ang plano natin dyan sa ungas na yan? Naasar ako at hindi ko nakita ang kasamaan nyan. Mabait kasi sya sa akin. Hindi ko alam na may iba pala siyang katauhan, kapag hindi na ako ang kasama nya." Sabi na lang nito habang tinitingnan ang nakalugmok sa sahig na si Endrick.
"Ibabalik natin sa kanya ang ginawa nya sa akin." Sagot ko rito.
Nang maka balik si Christof ay may dala na itong upuan. Inutusan ko si Pietro na kunin pa ang mga taling kinalas ni Christof rito kanina.
Habang kami naman ni Christof ay mag katulong na binuhat si Endrick at iniupo sa bangkuan. Inabot naman sa akin ni Pietro ang tali na nakuha nito.
Tinali namin si Endrick sa upuan. Bago ko simulan ang balak ko, ay kailangan ko munang malaman kung papayag itong dalawang ito.
Hinarap ko silang dalawa matapos namin matali na si Endrick sa bangkuan. Hindi man lang nagising si gago. Pagkatapos ay hinarap ko na ang dalawa at sabay na tumingin sila sa akin.
"Natatandaan nyo pa ba yung nangyari sa atin noon sa may outing?" Umpisang tanong ko sa mga ito.
Sabay na tumango ang dalawa. Nag blush pa nga ang pisngi ni Christof. Habang si Pietro naman ay ngumisi ng nakakaloko.
Haaay ang cute nilang dalawa. Lalo silang naging gwapo sa paningin ko. Sarap sarap isubo at kainin ng buo.
"Gusto kong gawin natin ulit iyon.” Dagdag na saad ko sa kanilang dalawa. Bumakas ang pagkagulat sa mukha nila. Si Pietro ang unang nakabawi sa pagkagulat.
“As in ngayon na, Richie boy? Paano yan si Endrick.” Tanong nito sa akin. Wala akong nakitang pag tutol sa mukha nito.
“Gusto kong nandyan lang siya. Gusto kong makita niya ang gagawin natin tatlo. Okay lang ba sa inyo iyon dalawa.
Papayag ba kayo? Hindi ko itutuloy kung may isa man sa inyo ang tatanggi. Kaya sabihin niyo ang totoo sa akin. Hindi naman ako magagalit at mauunawan ko kung hindi kayo sasang ayon." Dugtong na tanong ko pa sa mga ito.
Nag tinginan muna ang dalawa. Tumango sa isa’t isa. Bago tumingin sa akin muli at ngumiti rin ng sabay. Pota. Nakakatunaw naman ang mga ngiti nila sa akin.
"Pabor na pabor sa akin, Richie boy. Tara na at ng makarami." Sabik na sagot ni Pietro sa akin.
"Ang manyak talaga ng gago. Tsk. Tsk." Komento ni Christof kaya hindi na pigilan ni Pietro na sikuhin ito sa sikmura.
"Naku..! Bakit ikaw hindi? Sigurado ako na namimiss mo rin ang mga pag halik ko sayo, Panget. Asus. Halika rito ng malaplap na kita ng wagas." Biro nito kay Christof at akmang hahalikan ito ng iumang ni Christof ang kamao nito sa mukha ni Pietro.
Tumawa lang ang hudas sa reaksyon ni Christof sa sinabi nito. Cute.
"Subukan mo lang. Basag talaga yang mukha mo sa akin, Panget." Banta ni Christof dito. Muli ay tinawanan lang ito ni Pietro.
"So, ano na Richie boy. Simulan na ba natin ang laban? Excited na ako. Pwede na nga akong mag hubad." Tanong ni Pietro sa akin. At akmang huhubarin na nito ang suot nitong damit. Umiling ako rito.
“Maligo muna kayo at maliligo rin ako. Gusto ko kayong pag handaan na dalawa. Hindi ako papayag na maulit muli ang nangyari noong nakaraan. Ireredeem ko ang sarili ko sa inyo. Handa na akong tikman muli kayo ng bigay todo. Ito na ang pag bawi na pangako ko." Nahihiya kong sabi sa kanilang dalawa.
Natawa lang ang dalawang kolokoy sa sinabi ko, dahilan para maramdaman ko ang pag iinit ng dalawang pisngi ko. Tiyak na namumula na ako ngayon.
Dalawa naman ang rest room sa condo ni Pietro. Kaya makakaligo kami ng matiwasay. Saka na kami mag sabay sabay na maligo.
“Sige na, Panget. Mauna ka na. Ako na muna ang mag babantay sa hudas na ito. Kumuha ka na lang kayo ng twalya dyan sa cabinet.” Wika nito sa amin ni Christof.
Inabot sa akin ni Christof ang isang twalya at tuluyan na akong pumasok sa isang banyo roon. Kailangan kong mag madali na maglinis. Excited rin talaga akong matikman silang dalawa muli.
Salamat sa mga technique na tinuro sakin ni Marikit. Tiyak kong hindi na ako mapapahiya ngayon sa dalawa. Sisiguraduhin ko yan. Nakapag practice na rin naman na ako kay Daddy Jonas.
Kailangan ko talagang bumawi sa kanila. Kaya nilinis ko ang dapat linisin. Para naman maging masarap lalo ang hagudan mamaya.
Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi makadama ng kasiyahan sa magaganap sa aming tatlo mamaya. Shit. Ngayon pa nga lang na iniisip ko ay nalilibugan na ako. Fuck.
Isang oras din ang tinagal ko sa loob bago ako natapos. Tiniyak ko talagang malinis ako at mabango. Mahirap na at baka madilaan tayo ng wagas. Mabuti na yung siguradong malinis at mabango.
Nag shave din ako ng mga buhok ko sa katawan. Kaya makinis at malambit na ang balat ko. Salamat din talaga sa mga sabon na pang mayaman ni Pietro. Tinapon ko na lang sa basurahan yung pang shave na ginamit ko para di na gamitin pa ni Pietro.
Pinahiram din ako ng boxer short at tshirt ni Pietro. Hindi ko nga napansin yung naka print doon na malaking titik B sa Tshirt na suot ko. Kung hindi ko pa nakita ang damit na suot nila Christof at Pietro.
"Para saan yang letter T na yan sa damit nyo. At talagang parehas pa kayo. Couple shirt? Hahaha" Natatawa ko pang sabi sa kanila.
Natigil lang ako sa pag tawa ng ituro nila ang damit ko. Saka ko lamang na pag tanto na may letter B, roon.
Hindi ko man lang napansin pota yan. Kakaimagine ng posisyon ko na gagawin sa kanila. Haaay Richard..! Napaka libog mo.
Saka ko lang din napagtanto kung bakit letrang T sa kanilang dalawa at letrang B naman ang sa akin.
“Mukhang hindi ko na kailangan pang itanong kung bakit letter B ang sa akin at letter T naman ang sa inyo. Hindi siya masyadong obvious talaga. Tangina mo, Pietro.” Sambit ko rito na ikinatawa lang talaga ng hudas.
“Wala akong kinalaman rito. Pinasuot lang din niya sa akin ito, Richard.” Palusot pa sa akin ni Christof.
"Saan mo na naman nabili ito?" Tanong ko kay Pietro pagkaraan. Hindi mawala wala ang pag ngisi ng gago. Tuwang tuwa sa kalokohan na naisip.
"Hindi ko ito binili. Pinagawa ko. Alam ko kasing mauulit ang nangyari sa ating tatlo. At Least may damit tayong tatlo. Marami akong set na pinagawa. Kaya ayos lang na punitin natin ito habang nag memake love tayo. Sweet ko di ba? Thank you guys, wag na kayong mag pasalamat. Maliit na bagay lang itong ginawa ko. Wag kayo masyado kiligin sa akin." Kumpiyansa nitong sabi sa amin.
"Gago.” Sagot ko na natatawa. Teka lang. Alam nitong mauulit ang nangyari sa aming tatlo. Talaga?
Pinagmamasdan ko tuloy ang itsura ng dalawa. Boxer short at white T-shirt rin ang suot nila gaya ko. Yun nga lang letter B ang naka imprenta sa akin. Ang linis nilang tingnan sa suot nila. Ang sasarap ng mgg kolokoy. Shit..!
Lalo na at nag puputukan ang mga muscles ng dalawa sa suot na puting t-shirt. Hulmang hulma ang ganda ng katawan ng bawat isa.
Isama mo pa dyan ang mga kargada nila na nakabakat na, kahit hindi pa matitigas. Naalala ko na namantuloy kung paano kong naisubo yung mga burat nilang malalaki at pumasok sa lagusan ko ng paulit ulit. Fuck.
Hindi ko talaga sila bibiguin ngayon. Wala ng atrasan ito. Kailangan mapag sabay ko sila. Ito na ang oras para bumawi ako.
Hindi na namin pang kailangan gisingin si Endrick dahil kusa na itong nagising. Sabog pa ito at mukhang wala sa ulirat habang inililibot ang mga mata nito sa buong silid.
Nang tumigil ang tingin nito sa aming tatlo ay bumakas ang galit sa mukha nito at pinagmumura na ako.
Paborito talaga ako nito. Ako lang talaga ang pinag mumura.
"Pakawalan mo ako rito, Richard. Tangina ka...! Hadlang ka talaga sa mga balak namin. Isa kang malaking tinik. Hayop…! Tangina mo...! Pakawalan nyo ako. Bestot...!" Sigaw nito.
Napangiti ako sa sinisigaw nito. Nilapitan ko ito at iniangat ang baba nito. Halos mayupi ang psingi nito sa pag kakapisil ko. Sinigurado kong matitignan nito ang buong mukha ko.
"Gagawa gawa ka ng kagaguhan tapos pag ikaw ang ginantihan, makaatungal ka wagas. Akala mo ikaw ang biktima. Uy hindi bagay sayo. Wag kang pa victim, Ahas.
Maghintay ka. Hindi pa ako nag sisimula. Umpisa palang ito, Bes. Kaya sit back, relax and enjoy the show." Nakangising sagot ko rito.
"Tang ina mo…! Anong gagawin mo sa akin? Sumagot lang putang ina ka.. Anong gagawin mo sa akin, Richard..?!!!" Matapang na tanong nito ng bitiwan ko na ang mukha nito.
"Wala akong gagawin sayo, tanga..! Ipapakita ko lang sayo ang kailanman ay hindi mo makukuha, Bes. Gaya na lamang nito." Sagot ko rito. Unti unti akong lumapit at pumagitna sa pwesto ng nakatayong sila Christof at Pietro.
Hinayaan kong sundan ni Endrick ang bawat kilos ko. Dinama ng mga kamay ko ang malalapad at matitigas na siksik sa muscles na dibdib nila Christof at Pietro. Nilamas ko iyon ng mabuti.
Habang hindi nawawala ang tingin ko kay Endrick. Gusto kong maramdaman nito, ang mga pinag gagawa nito sa akin noon.
"Natikman mo na ba ang labi nitong si Pietro, Bes? Hhhmhmmm. I'm sure hindi pa. Alam mo ba kung gaano kasarap ang labi nitong si Pietro. Hmhmhmhm.. Kasing sarap lang naman ng labi ni Christof. Sa sobrang sarap ay makakarating ka ng langit. Agad agad.
Syempre hindi mo yun malalaman, dahil kailanman ay hindi mo iyon matitikman. Hanggang tanong ka na lang at imagine. Dahil ang labi nila ay para sa akin lamang." Sabi ko kay Endrick.
Matapos kong sabihin iyon ay sinunggaban ko na ng halik sa labi si Pietro. Hindi na ito nagulat pa, at mukhang inaasahan na nito ang halikan namin na iyon. Kaya naman bukas labi itong nagpaubaya sa akin. Dahilan para makalikha ng paghahalikan na
Mapusok.
Marubdob.
Mapangahas.
Malalim.
Masarap.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nag halikan na dalawa. Tumigil lamang kami ng maubusan na kami ng hangin sa aming mga baga. Sabay tingin muli kay Endrick at ngumiti ng nakakaloko.
"Ang sarap. Pota. Ang sarap humalik ni Pietro, Bes. Ito ang halik na hanggang pangarap mo na lang. Dahil ni sa panaginip ay hindi mo ito mararanasan. Hinding hindi." Pamumukha ko rito. Napanganga at natulala na lang ito sa nasaksihan nito.
Matapos nun ay kay Christof naman ako humarap at ito naman ang hinalikan ko ng wagas. Gaya ng kay Pietro ay parehas na intensidad lang ang binigay ko rito.
Sipsipan kami ng labi at palitan ng laway. May mga pagkakataon pa na nag espadahan talaga ang mga dila namin. Malalim at matagal. Katulad rin ni Pietro ay nag paubaya lang itong si Christof at hinayaan ako nitong mag dala ng halikan namin.
At hindi talaga ako nagsisinungaling kay Endrick. Tunay na napaka sarap talaga humalik ng dalawa. Bukod pa sa napakasarap ng laway at labi nila. Fuck.
"Putang ina mo, Richard…! Hayop kang malandi kang pokpok ka..! Hindi mo deserve ito. Tangina ka. Hindi mo deserve..!!!" Sigaw ni Endrick sa akin.
Bumitaw kami ng halikan ni Christof at tinignan ko muli si Endrick.
Inggit at galit ang mababakas sa mga mata nito. Bagay na ikinatuwa ko ng labis. Mababakas rin ang paghihirap at matinding sakit roon.
"At sino naman ang deservig sa kanila, Bes. Wag mong sabihin na IKAW? Nagpapatawa ka ba. Hahaha. Mangarap ka, Bes. Hindi ka deserving. Hindi bagay ang AHAS na katulad mo sa mga taong gaya namin. Hayop ka, Bes. HAYOP.." Natatawang sabi ko rito.
"Tangina mo. Pakyu ka, Richard..! Pakyu.. Wala kang kwentang tao. Wala. Kahit anong gawin mo ay mahina ka pa rin na nilalang. Malandi. Pokpok. Gago ka…!" Kung ano anong mga taguri ang sinabi nito sa akin.
"Sige lang. Ilabas mo lang ang frustration mo, Bes. Natural lang talaga yan sa inggitera na gaya mo. Pero alam mo kung ano pa ang hindi mo matitikman, Endrick.?” Pangangasar ko pang tanong rito.
Tumigil ito sa kakasigaw nito at tumingin sa akin ng mariin.
Ito. Maging ito ay hindi mo rin kailanman, matitikman." Sabi ko sabay pasok ng dalawa kong mga kamay sa loob ng boxer short nila Christof at Pietro.
“Uuuggghhh..” Ungol na umalpas mula sa dalawa. Kitang kita ko na napalunok ng laway si Endrick. Lalo na ng bumakat ng husto ang mga karagada ng dalawa sa short na suot ng mga ito. Napangiti tuloy ako sa nangyari.
Halata kasi na kahit nasa estado na ito ng kapahamakan ay hindi pa rin nawawala ang nararamdaman libog nito kay Pietro.
"Baka sabihin mo madamot ako, Bes. Teka, hayaan mong ipaamoy ko sayo ang aroma ng burat ni Pietro at may bonus pang Christof." Sabi ko rito at agad inilabas ang mga kamay ko sa loob ng boxer short ng dalawa.
Lumapit ako kay Endrick at pinaamoy ang kamay ko sa ilong nito. Naalala ko tuloy ang madalas gawin sa akin nila dati. Kapag tinitikman nila si Emmet.
"Tangina mo..! Napaka landi mo, Richard. Tangina ka.. Wala lang kwenta.. Pakawalan mo ako dito.. Tangina ka...!!" Galit na galit na pag pupumiglas nito matapos maamoy ang kamay ko.
"Wow. Matapos mong amuyin ang kamay ko. Iba ka rin talaga, Endrick. Pero aminin. Masarap diba. Ulitin ko ulit, Bes. Hinding hindi mo yan matitikman. Hinding hindi. Hahahaha." Natatawang sabi ko dito at bumalik muli sa pwesto ni Christof at Pietro.
“Putang ina mo…! Humanda ka sa akin kapag nakawala ako rito. Papatayin kitang bakla ka.. Putang ina mo…!” Sigaw pa rin nito.
“Kung makakawala ka. Anyway, manahimik ka na lang dyan at manood sa gagawin namin. Hindi ba paborito niyo ang mga ganitong eksena, Bes. Sana magustuhan mo.” Wika ko rito.

No comments:
Post a Comment