The Guy Next Door.
Part 5
Abed
“Good Morning, Hon.” Bati sa akin ni Nic. Saka ako hinalikan sa labi ng sandali. Nahuli ako ng gising dahil naalimpungatan ako kagabi.
Nakita ko na nakaligpit na ang nilatag naming foam ni Luca. Busy na rin ang lalaki sa pagluluto ng lunch namin. Brunch na yun, since late na kaming nagising lahat.
“Good Morning. Ang bango naman nun. Anong niluluto ni Luca?” Tanong ko kay Niccolo.
“Humba. Request ko.” Natutuwang sagot nito. Tumayo na ako sa kama at inayos muna yun bago ako naglakad papuntang banyo. Naghihikab pa nga ako ng masayang batiin ako ni Luca.
“Good Morning, Sir Abed.” Pagbati nito na tinugon ko naman. Agad na akong pumasok ng banyo dahil morning breath pa ako. Baka nga may muta pa ako. Shocks.
Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakiki-usyoso si Nic, sa niluluto ni Luca. Ang sarap lang nilang tignan na dalawa. Biruin mo. Parehong gwapo. Parehong malaki at maganda ang katawan. Tapos naka-topless at boxer short lang na nag uusap sa may kusina.
Tang ina. Ang sarap-sarap talaga.
“Hon, tikman mo. Ang sarap ng luto ni Luca. Mukhang mapaparami ako ng kain nito.” Pagtawag pa sa akin ni Nic. Kahit hindi ko naman tikman ang niluto nito ay alam kong masarap iyon.
Hello. Araw-araw ba naman ako nitong binibigyan ng ulam nito. Kaya sigurado akong masarap talaga yon. Although, first time ko lang din matitikman ang humba na niluto nito.
Kumuha ng kutsara si Luca, sumandok ng konti sa niluluto nito. Hinipan pa nga nito iyon bago iniumang sa bibig ko. Napatingin tuloy ako kay Niccolo. Wala naman akong nakitang pagseselos sa mukha nito. Kaya napatanag ang loob ko. Mukhang naging close na nga talaga ang dalawa ng tuluyan.
“Masarap. Masarap na masarap.” Komento ko na ikinangiti ni Luca.
“Sabi sayo, eh. Mukhang mapaparami ang kain ko nito.” Sambit pa ni Niccolo.
“Luto na ‘to. Tara, pwede na tayong kumain.” Wika ni Luca. Kaya tinulungan na namin itong maghain sa lamesa. Saka sabay-sabay kaming kumain na tatlo.
Enjoy na enjoy nga sa pagkain si Niccolo. Ang dami niyang kinain. Bagay na ikinatuwa ko naman. Mukhang nasarapan talaga ito sa niluto ni Luca.
“Ampunin ka na lang namin.” Biro pa nito na tinawanan lang namin. Kwentuhan at tawanan lang kami habang kumakain. Medyo nagulat lang kami dahil bigla na lang nasamid si Luca. Inabutan ko kaagad ito ng tubig.
“Sorry, may nakaalala lang siguro sa akin.” Sambit pa nito na inuubo pa rin. Kaya binigyan ko ito ng number. Naguluhan pa nga ito sa sinabi ko.
“May nakakaalala sayo. Kaya siguro nasamid ka. Kaya binigyan kita ng number 14. Letter N yun. Kaya naman sinong kakilala mo ang may pangalan na nagsisimula sa letter N.” Sagot ko. Napatingin ito sa boyfriend ko. Natawa na lang tuloy ako. Napatingin pa nga sa akin si Luca.
“Iniisip siguro ako ni Nico. Katukayo mo.” Sagot na lang nito.
Hanggang sa imbitahan ito ni Niccolo na mag stay pa sa amin at makipaglaro rito ng chess. Tatanggi pa sana ito ng ako na mismo ang pumilit dito.
“Sige na, Luca. Mukhang wala ka naman gagawin eh. Samahan mo muna kami. Hindi kasi ako marunong mag laro nun.” Pagpupumulit ko na rin sa kanya.
“Sige, Sir. Kung iyon ang gusto mo.” Nakangiti ng tugon nito.
Pinilit namin na kami na ang magligpit at maghugas ng pinagkainan namin, pero makulit si Luca. Ito na lang ang nag presinta, bilang pasasalamat na rin nito sa pagpapatulog at pagpapakain namin sa kanya. Kaya naman hinayaan na lang namin ito.
“Pahiram na lang ulit ako ng boxer pa, Sir Abed.” Wika nito. Si Nic na ang kumuha at nagbigay nun dito. Naligo muna ito. Kaya nanood din muna kami ng netflix, habang hinihintay ito.
Kaya lang bigla akong nakatanggap ng tawag mula sa pinaka head namin. Nagkaroon daw ng aksidente at pagsabog sa loob ng opisina namin. Kaya naman wala akong choice kundi puntahan iyon sa kabila ng restday ko.
“Samahan kita, Sir Abed?” Tanong pa ni Luca na kakalabas lang ng Banyo. Nakakatulala talaga ang sarap na taglay nito.
“Hindi na. Kaya ko na ito. Saglit lang naman siguro yun.” Sagot ko sa kanya at nagmamadali na akong pumasok ng banyo. Baka kasi mapansin pa ni Nic, ang paghanga ko sa lalaking ito.
Paglabas ko nga ng banyo ay nakita kong abala na sa paglalaro ng chess ang dalawa. Ayoko naman istorbohin si Nic na ihatid ako. Kasi mukhang masaya talaga ito na may nakakalaro na ito ngayon.
“Alis na ako, Hon.” Paalam ko rito pagkaraan, matapos kong makapag ayos na. Tumango lang ito habang nakatuon ang pansin sa chess board.
“Hatid mo kaya si Sir Abed muna, Nic.” Suhestiyon pa ni Luca.
“Hindi na. Kaya na ni Hon yan.” Sambit nito na tinanguan ko lang.
“Ingat po sir Abed.” Saad na lang ni Luca. Saka ako lumabas na ng unit. Naglakad na papuntang elevator. Badtrip. Pahinga sana ngayon, eh.
Pasarado na ang elevator ng biglang may kamay na humarang doon. Nagulat pa nga ako ng makita ko ang gwapong lalaki sa katabing unit namin.
Hindi ko alam kung anong ikikilos ko sa harapan niya. Lalo nga at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ito at ang boyfriend ko.
“Iiwan mo talaga ang partner mo, kasama ang lalaking yon?” Tanong na lang nito bigla na ikinagulat ko.
Paano nitong nalaman na may bisita kaming lalaki ngayon sa unit?
“Yeah.” Sagot ko at tinaasan pa nga ito ng kilay. Napailing-iling na lang ito. Bagay na hindi ko nagustuhan. “Hindi ko gusto yang reaksyon mo. May gusto ka bang sabihin ha?” Tanong ko pa.
“Hindi ka na nadala. Masokista ka ba?” Sambit nito na ikinainis ko.
“Anong pinagsasabi mo? Saka bakit nakikialam ka? Galit ka pa rin ba sa boyfriend ko dahil sa sinapak ka niya noon?” Tanong ko. Kasi yun lang ang nakikita kong dahilan kung bakit nagkakaganito ito.
“Tang ina. Sapak na pala yun? Parang kagat nga lang ng langgam ang ginawa niya sa akin.” Sagot nito. “Saka, tinanggap ko na lang ang suntok niya dahil ayokong masaktan ka.” Sagot nito.
“Oh, talaga? Hindi ko maintindihan kung bakit galit ka kay Nic? Ano ba ang ginawa niya sayo?” Tanong ko na lang sa kanya.
Ang hirap niyang tignan ng matagal. Gwapo rin kasi talaga ang isang ito. Masarap din tulad ni Luca. Maganda ang katawan. Halos pumutok nga ang manggas ng t-shirt na suot nito, dahil sa siksik at namumutok na muscles sa biceps nito.
Tapos ang sarap pa niyang tignan. Yung tipong alam mo na ang bango-bango niya, kahit pinagpapawisan siya. Putang ina.
“Wala siyang ginawa sa akin, pero sayo meron.” Saad pa nito.
“Anong ginawa ba niya sa akin? Kung yung dating isyu namin ang sinasabi mo. Hindi ko alam kung paano mo yun nalaman pero naayos na namin yon. Wala na sa buhay namin si Joseph. All is well na. Tapos na ang kabanatang iyon. Napatawad ko na siya at kinalimutan na namin yon.” Napipilitan na sagot ko sa kanya.
“Talaga? Ang bilis mo naman palang magpatawad kung ganun. Kaya naman pala ganun na lang kung lokohin ka niya. Hindi ko alam kung tanga ka ba talaga o sadyang uto-uto lang. Wala ka talagang alam sa ginagawa ng boyfriend mo?” Sambit pa nito.
“Hindi ako tanga. Saka bakit ba gigil na gigil ka sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan. Ano rin ba ng pakialam mo sa buhay ko? Sino ka ba? Eh, kapitbahay ka lang naman namin.
FYI, Isang beses lang akong niloko ni Niccolo. Saka mararamdaman kong kung nagloloko pa rin siya hanggang ngayon. Hello…! Magkasama kami sa iisang unit. Alam ko ang bawat galaw niya.
Kung iniisip mo rin na may gagawin silang kalokohan ng ka-trabaho ko, sa unit namin ngayon. Ako na nagsasabi sayo. WALA. Imposibleng mangyari yon. Siguradong-sigurado ako.” Malakas na wika ko sa kanya. Napailing na lang ulit ito ng ilang beses.
“Wala ka ngang ideya. Tsk. Tsk. Sabagay, kung may alam ka. Hindi mo iiwan ang partner mo, kasama ang lalaking ka-trabaho mo ng silang dalawa lang. Nakakaawa ka lang. May mga tao talagang bulag sa pagmamahal, noh. Isa ka na doon.” Sambit pa nito. Doon na ako na galit ng husto sa sinabi nito.
“Tang ina mo! Ano ba ang gusto mong sabihin, ah? Diretsuhin mo na lang ako. Hindi yung paligoy-ligoy ka pa.” Inis na wika ko.
“Niloloko ka ng boyfriend mo, Abed. Buksan mong mabuti ang mata mo. Talasan mo ang pakiramdam mo. Nililinlang ka niya. Wag kang magbulag-bulagan.” Wika nito.
Natawa na lang ako ng malakas sa sinabi nito. Tinignan ako nito na para bang tinubuan ako ng isa pang mata sa noo. Sa sinasabi kasi nito ay parang mas kilala pa nito si Niccolo, kaysa sa akin.
“Ang kulit mo. Hindi niya ako niloloko. Okay. Wag mong pakialaman ang buhay namin. Pwede. Kung wala kang magawa sa buhay mo. Wag kami ang pagkaabalahan mo. Tang ina.” Sambit ko at iniwan na ito sa elevator.
Ang lakas ng tama nun. Gwapo pa naman pero baliw yata. Mapag-gawa ng kwento. Mabuti sana kung may basehan ang sinasabi nito. Badtrip na nga ako. Mas lalo pang na-badtrip dahil sa sinabi nito. Hay.
“Hanggang anong oras ka pa dyan, Hon?” Tanong ni Nic sa kabilang linya. Naubos lang ang restday ko sa opisina namin.
“Hindi ko pa alam, Hon. Kailangan kong bantayan ang inaayos nilang aircon dito, eh. Para may magamit kami bukas.” Sagot ko.
Pumutok ang aircon namin sa opisina. Ito ang tinawag sa akin. Pinakiusapan na rin ako na bantayan ko ang mag aayos. Since opisina naman namin iyon. Ang panget naman kung tatangi ako, diba. Kaya naman no choice talaga. Binabantayan ko sila.
“Okay. Bibili na lang siguro kami ng pagkain ni Luca. O di kaya mag grocery na lang kami sandali. Para makaluto siya.” Sagot nito.
“Nandyan pa rin siya?” Tanong ko.
“Oo. Masyado naming na-enjoy ang paglalaro. Hahaha. Kaya niyaya ko na lang na dito mag dinner. Akala ko kasi makakauwi ka kaagad, eh.” Sagot nito.
“Yun din ang akala ko. Mag order na lang kayo. Nakakahiya na kapag pinaluto mo pa si Luca.” Suhestiyon ko.
“Hindi yan. Okay lang naman daw sa kanya. Saka masarap siya magluto, eh. Kaya baka ganun na lang ang gawin namin.” Sambit pa nito. Sumang ayon na lang ako sa kanya.
“Okay. Okay. Tirhan niyo ako, ah. Hahaha. Pag natapos ito ay uuwi agad ako.” Sagot ko.
“Oo, Hon. Titirhan ka namin. Ingat ka dyan. Tawagan mo ako kapag pabalik ka na, ah. I love you.” Sambit nito.
“Opo. I love you too.” Sagot ko at binaba na ang tawag. “Kuya, matagal pa ba yan?” Tanong ko sa mga nag aayos.
“Saglit na lang ito, Sir.” Sambit nito na ikinatuwa ko. Hindi ko alam bakit hindi ko sinabi kay Nic, na malapit ng matapos dito. Gusto ko lang makauwi rin at alamin ang ginagawa nila.
Although, may tiwala naman ako kay Niccolo. Alam kong hindi ako nito lolokohin. Siguro ay naapektuhan lang din ako ng konti sa sinabi ni David. Ang gwapong lalaki na nasa katabing unit namin.
Gusto ko lang din sigurong patunayan sa kanya, na mali ang mga ibinibintang nito sa boyfriend ko. Saka hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanya na bilang ko ang tamod ni Nic.
Kaya ganun talaga ako kasigurado na hindi na ulit ito magloloko pa. Malalaman mo kasi yun kapag nakipag sex ito. Bawas talaga.
Pero syempre, kahit paano ay nayanig ako sa mga sinabi nito. Naapektuhan ako ng konti. Lalo na at niloko na ako ni Nic before.
------------------------------------------------------------------------------
Bigla na naman akong kinabahan habang nakatayo ako sa pintuan ng unit namin. Biglang pumasok na naman sa isip ko ang mga pinagsasabi ni David. Tang ina.
Mabilis ko ng binuksan ang pintuan. Pag bukas ko nun ay bumungad pa nga ang nagulat na si Luca.
“Oh, Sir Abed. Nandyan ka na pala.” Sambit nito. Naka-boxer short pa rin ito. Kinuha pa nga nito ang bag na dala ko.
“Oo. Napabilis ang paggawa nila ng aircon sa office natin.” Sagot ko sa kanya. “Si Nic pala?” Tanong ko.
“Nasa banyo. Naliligo.” Sagot nito.
“Nakabili na kayo ng ulam na lulutuin?” Tanong ko na lang sa kanya.
“Akala ko mag order na lang tayo?” Tanong nito. Nagtaka pa nga ako sa sinabi nito. Magsasalita pa sana ako ng bilang bumukas ang banyo at nakita kong nakahubad si Nic habang nagpupunas ng basang buhok nito. Nanlaki ang mata nito ng makita ko.
“H-Hon…” Sambit nito sabay takip ng hubad na katawan nito.
“Nakalimutan mong may bisita tayo. Baliw ka, Hon.” Sagot ko.
“S-Sorry. N-Nawala sa isip ko.” Sambit nito at muling sinarado ang pinto ng banyo. Natawa na lang din si Luca, sa pagkataranta nito.
“Pasensya ka na, Luca. Sanay kasi yan na lalabas na lang ng banyo na nakahubad.” Sambit ko na lang dito.
“Ayos lang, Sir Abed.” Sagot nito. Paglabas ni Nic ay naka-short na ito. Nahihiya na lang na napatingin ito sa akin.
“Sabi ko sayo tumawag ka muna, Hon. Akala ko mamaya ka pa darating. Di sana ay nakapag luto na ng maaga. Sorry. Kami na lang ni Luca ang lalabas. Para bumili ng lulutuin na ulam. Pahinga ka na lang diyan.” Wika nito.
“Sama na rin ako. Saka wag na tayo mag luto. Nakakahiya na kay Luca. Kain na lang tayo sa labas na tatlo.” Sambit ko. Tutal nakabihis na rin naman ako.
“Okay. Ganun na nga lang siguro.” Sambit nito na parang may panghihinayang.
“Yayain natin si Kuys David. Sigurado di pa rin yun nag di-dinner.” Sambit ni Luca. Napakunot noo tuloy akong napatingin dito.
“Kuys David?” Tanong ko. Nanlaki talaga ang mata ko sa sinabi nito.
“The Boy Next Door?” Wika pa ni Nic. Bakas sa boses nito na binibiro pa nito si Luca.
“Yup. Small world, right? Ngayon ko lang din nalaman na nasa katabing unit niyo lang pala siya. Kung alam ko lang, di sana ay sa kanya na lang ako natulog. Hindi ko na sana na istorbo ang rest day niyong dalawa.” Wika nito.
“Kilala mo si David?” Pagkumpirma ko pa. Nakangiting tumango ito. Maging ito ay hindi makapaniwala sa natuklasan nito.
“Well, bukod sa mag gym bro kami. Nagkakilala rin kami sa isang bikini contest. Kaya naging magkaibigan kami. Madalas din kami mag marathon at sumali sa spartan race. Mabait yon.” Sagot nito.
Tumingin ako kay Nic. Alam kong naiinis ito kay David.
“Ayos lang. Ikaw ba, Hon?” Sambit ni Nic. Nagulat man ako sa sinabi nito ay napatango na lang ako.
Kaya naman nag bihis na ang si Luca. Yung damit na nilabhan nito kaninang umaga. Ito pa rin yung suot niya noong nag bar kami. Pagkatapos ay nag punta na ito sa katabing unit namin, para ayain si David.
“Sure kang okay lang sayo na kasama natin si David?” Tanong ko sa kanya ng makalabas na si Luca. Tumango ito.
“Okay naman na kami. Basta wag lang siya makalimot na partner kita. Grabe kasi siya kung makatingin sayo. Para kang gustong kainin ng buo.” Sambit nito.
Masarap din talaga sa pakiramdam na nagseselos ang partner mo. Nakaka-boost ng confident. Lalo na ang ego.
Although, hindi ako natuwa sa naging encounter namin kanina ni David. Ayoko naman masira ang gabi namin ng dahil lang doon. Kaya ko naman maging civil. Saka curious din ako sa pagkakaibigan nila ni Luca.
Maya-maya pa ay nag ring na ang doorbell namin. Sakto lang yun dahil nakabihis na rin si Nic. Kaya naman pagbukas namin ng pinto ay nakita namin silang dalawa na magkasama na.
“Ready na kayo? Tara.” Sambit ni Luca. Tumango kami at sabay-sabay na kami pumunta sa elevator.
Tahimik lang ako na nakikinig sa pinag uusapan nila habang nasa loob kami ng elevator. Civil naman ang pakikitungo ni David. Hindi nito binuksan ang nangyaring pag uusap namin kanina.
Nakinig lang ako sa usapan nilang tatlo. Mukhang nagkakasundo naman sila. Nagtataka lang ako dahil galit na galit si David kay Niccolo, pero mukha naman magkasundo ang dalawa. Hindi mo nga makikita na nagkaroon ng iringan ito. Na umabot pa sa pag suntok ni Nic dito noon.
“Okay ka lang, Sir Abed?” Tanong ni Luca. Katapat ko ito sa table, since makatabi kami ni Nic, na katapat naman ni David. Tumango ako sa kanya. Marahil napansin nito na tahimik lang ako.
“Wag kang male-late bukas, ah. Marami tayong gagawin.” Sambit ko sa kanya.
“Hindi po. Baka sabay pa nga tayong pumasok.” Sagot nito na ikinakunot ng noo ko. “Sa unit ako ni Kuys David, matutulog ngayon.” Sambit nito.
“Ha? Paano ang damit mo?” Tanong ko sa kanya.
“Magka-size naman kami. Kaya nanghiram na lang ako sa kanya ng pants at polo.” Sagot nito. Napatango na lang ako sa kanya.
“Sabay ka na lang sa amin ni Nic. Since, hinahatid naman niya ako sa office tuwing umaga.” Sagot ko sa kanya.
Matapos kumain ay nagulat ako ng malaman ko na bayad na pala ang kinain namin. Courtesy of David.
“Ito ang share namin ni Nic.” Sambit ko sabay abot ng pera sa kanya. Tinignan lang nito ang perang inaabot ko. Nag CR muna kasi si Luca at Nic. Kaya naiwan kami sa table ni David.
“Naningil ba ako? Hindi naman, diba.” Maangas na sagot nito.
“Ang angas mo talaga. Saka kilala mo pala si Luca. Hindi mo man lang sinabi sa akin kanina.” Sagot ko na lang dito.
“Nagtanong ka ba?” Tanong din nito. Tang ina. Nakakainis. Ang sarap iwan ito sa lamesa. Kaya tumahimik na lang ako para hindi na madagdagan ang inis ko sa kanya.
Crush ko pa rin naman ito. Kahit nakakainis ang pagsusungit at pagsusuplado na ginagawa nito. Unang-una ay ang gwapo pa rin kasi talaga nito sa paningin ko. Parang mas naka-dagdag pogi points pa nga rito iyon. Putang ina.
“Tandaan mo pa rin ang sinabi ko sayo. Wag kang magbulag-bulagan.” Sambit nito. Saka ito tumayo na at iniwan ako roon. Hindi na ako nakasagot pa rito dahil nag walk out na nga ang tarantado.
“Si Kuys?” Tanong pa ni Luca ng makabalik na sila ni Nic.
“Nauna na.” Sagot ko at tumayo na rin. Saka sabay-sabay na kaming lumabas ng restaurant.
Nang makabalik kami sa unit namin ay bigla na lang akong hinalikan ni Nic. Napangiti na lang ako sa ginawa nito. Halata sa kilos nito na ganadong-ganado itong makipag make-love sa akin.
Ito ba ang sinasabi na manloloko ni David. Maganda rin talaga ang naging dulot ng pagloloko nito. Mas naging wild kami pareho sa kama. Kung ano-ano ang mga natutunan ko sa kanya. Syempre sa kakanood din ng porn, na ina-apply ko kay Niccolo.
“Namiss kita, Hon. Ngayon wala ng istorbo.” Sambit nito ng maghiwalay na ang labi namin sa mainit na laplapan. Buhat-buhat ako nito hanggang sa makarating na kami sa kama.
Nawala ang lahat ng agam-agam ko na naitanim sa isip ko ni David. Sobrang dami ng tamod na inilabas ni Nic. Halos malunod nga ako sa dami ng nilabas nito. Putang ina.
“Bukas na ako maliligo. Antok na antok na rin ako.” Sambit ko kay Nic. Kaya ito na lang ang tumayo para maligo. Agad nga akong nakatulog. Hindi ko na kailangan uminom pa ng chamomile tea para maging mahimbing ang tulog ko.
Naalimpungatan lang ako dahil sa paggalaw ng kama ko. Pag dilat ko ay nakita ko si Nic na magkukumot pa lang.
“Sorry nagising ka pa, Hon. Ang sakit kasi ng tiyan ko. Kaya nag banyo ako. Tulog ka pa. Madaling araw pa lang.” Sambit nito at hinalikan ako saglit sa labi.
Dahil sa antok na antok pa ako ay sinunod ko na lamang ito at pumikit na.
Apat na Araw ang nakalipas
“Oh, anong ginagawa mo rito?” Tanong ko kay Luca ng makasabay namin ito ni Nic sa elevator.
“Kay Kuys David na ako nakatira. Kakalipat ko lang kahapon.” Sagot nito na nakangiti.
“Tang ina. Kaya pala sabi mo busy ka nung tinawagan kita. Bakit di mo sinabi sa amin? Natulungan ka sana namin sa paglilipat.” Sambit ni Niccolo. Napatango na lang ako sa sinabi nito.
“Hindi na. Tinulungan naman ako ni Kuys David. Saka makakaistorbo pa ako sa inyo. Inistorbo ko na nga ang rest day niyo noong nakaraan, eh.” Sagot nito.
“Di naman. Nag enjoy naman kami na nakasama ka namin nun. Diba, Hon.” Sambit ni Nic na napatango na naman ako.
“Mukhang madalas na ako makakapunta sa unit niyo. Katabi niyo na lang ako ngayon. One doorbell away na lang talaga ako. Hahaha.” Wika nito na natatawa.
“Astig nga, eh. May ka-chess buddy na ako palagi. Shit!” Tuwang-tuwa na saad naman ni Nic. Masaya ako para rito.
“Anong set up niyo ni David. Mabuti at pumayag siya na makishare sa unit niya.” Tanong ko. Inaya na ito ni Nic na sumabay na sa amin. Kaya kasama na namin ito sa loob ng sasakyan.
“Gusto ko sanang mag bayad ng upa sa kanya. Kaya lang ayaw niya. Kaya sabi ko ako na lang ang bahala sa water bill at grocery. Ayaw pa nga pumayag noong una. Matinding pagpipilit lang ang ginawa ko. Mabait talaga si Kuys David, eh. Laking tipid na rin iyon para sa akin.” Sagot nito.
“Nice. Mukhang mapapadalas nga ang bonding nating lahat. Masaya ‘to.” Komento pa ni Nic. Napangiti na lang kami ni Luca.
---------------------------------------------------------------------------------
“Hmmm… I think you’re seeing someone. Sino kaya ang napakaswerte na yon? Kakainis.” Narinig kong wika ni Tonet. Tinawanan lang ito ni Luca, na palagi naman nitong ginagawa.
“Masaya lang ako. Masama bang maging masaya?” Sagot ni Luca.
“Hindi naman. Pero yung sigla at ngiti mo kasi ay kakaiba. Parang sinasabi nito na sobrang saya ng sex life ko.” Wika pa ni Tonet.
Tinawanan lang muli ito ni Luca. Hindi ko alam bakit hindi sinabi nito na nakatira na ito sa condo namin. Kaya hinayaan ko na lang.
Kung ayaw nitong ipaalam dito. Irerespeto ko iyon. Kaya lang kapag nagtanong sa akin si Tonet. I can’t promise na hindi ko iyon masasabi sa kanya.
“Sino kaya ang nagpapatibok sa puso ni Luca? Kilala mo ba, Abed. Hindi naman siguro ikaw yun, noh? Pwedeng type ka niya pero alam kong loyal ka. Hindi mo magagawa na mag taksil kay Niccolo.” Sambit nito ng makalapit sa akin.
“Hayaan mo siya. Hindi naman niya pinapakialaman ang buhay mo.” Sagot ko sa kanya. Napahawak pa ito sa dibdib nito.
“OMG. Feeling ko may alam ka. Magsabi ka ng totoo sa akin bakla ka.” Sambit pa nito na hindi ko na lang pinansin.
Marami pa akong pending na iaaprove. Kaya wala akong panahon makipag chismisan sa baklang tigang na ito.
“Sir Abed, akina yung ulam mo. Init ko.” Wika ni Luca at kinuha yung ulam na pinabaon nito.
Hindi lang ako ang nilulutuan nito ng baon. Maging si David at Boyfriend ko ay kasama na sa pinapabaunan nito. Kaya nga sa drinks nalang ako bumabawi. Saka balak namin itong imbitahan ulit ni Nic sa weekend. Inuman lang at nood netflix.
Pagkaabot ko ng pagkain ko sa kanya at makapagpasalamat. Nag ring ang phone ko. Pagkakita ko sa screen ay pangalan ni Nic ang naroon. Agad ko iyong sinagot.
“Oh, Hon. Napatawag ka?” Tanong ko sa kanya.
“Hon, Baka hindi kita masundo mamaya. Medyo male-late ako ng uwi, eh. May faculty meeting daw kami ngayon. Importante kasi kaya kailangan kong umattend.” Sambit nito.
“Ayos lang. Mag grab na lang ako. Ingat ka na lang diyan at update mo na lang din ako.” Sagot ko sa kanya.
“Okay, Hon. I love you. Ingat ka rin sa pag uwi.” Wika pa nito at pinatay na ang tawag.
Nang makabalik si Luca ay sinabi ko sa kanya ang naging usapan namin ni Nic.
“May lakad din ako ngayon, Sir Abed. Kaya ayos lang.” Sagot nito.
“Saan ang punta mo?” Tanong ni Tonet. Mabuti na lang at tinanong yun ng kaibigan ko. Medyo curious din kasi ako saan ang lakad nito.
“Secret. Hehehe.” Sagot lang nito at bumalik na sa table nito.
“Let me guess, may meeting ang partner mo, tama? Kaya mag isa ka lang ngayon umuwi at hindi ka niya hinatid. Tapos sakto pa na may lakad si Luca. Nice. Coincidence? I don’t think so.” Sambit sa akin ni David.
Sa dami ng makakasabay sa elevator. Bakit ba lagi na lang itong lalaking ito ang nakakasabay ko. Putang ina.
“Bagay kang maging writer. Ang galing mong gumawa ng kwento, eh.” Sagot ko sa kanya.
“Ikaw, bagay ka rin maging dart boards. Ang manhid mo kasi kahit tinitira ka na, hindi ka pa rin nasasaktan. Cool.” Balik pang aasar nito sa akin. Sasagot pa sana ako sa kanya ng muling magsalita ito.
“This coming saturday, magpanggap ka na may lakad ka kasama ang mga friends mo. Gumawa ka ng kahit anong dahilan wag ka lang makasama sa bonding niyo nila Luca.” Sambit pa nito.
Napatingin ako sa kanya. Paano nito nalaman na may plano kaming ganun. Eh, hindi pa nga namin iyon nasasabi kay Luca.
“Yeah, I know. Nagtataka ka. Bakit ko kaya nalaman yun? Sundin mo na lang ang sinabi ko. Para malaman mo ang sikretong tinatago ng boyfriend mong manloloko.” Sagot pa nito. Bumukas na ang elevator at nauna na itong lumabas doon.
Napaisip tuloy ako sa mga sinabi nito. Tang ina. Ano bang meron at gigil na gigil itong patunayan na manloloko si Niccolo. Putang ina.
Anong mapapala niya? Wala naman akong pabuya na ibibigay sa kanya. Anong makukuha niya sa pagtulong kuno sa akin? Fuck!
Hindi na tuloy nawala sa isip ko ang mga itinanim na naman nitong paghihinala kay Nic. Kaya sa huli ay sinunod ko na lang ang payo nito. Hindi dahil may basehan ang sinasabi nito sa akin.
Gusto ko lang din patunayan sa kanya na mali ang lahat ng paratang nito sa boyfriend ko. Kaya nag plano na ako ng idadahilan sa kanila sa sabado.
Late na rin nakauwi si Nic. Kaya mag isa lang akong nag dinner ng gabing iyon. Wala naman kakaiba sa ikinikilos nito. Ganun pa rin ito kalambing sa akin. Nag alala pa nga ito dahil hindi ako nasamahan na mag dinner.
Sabado ng Umaga
“Ingat ka, Hon. Update mo ako lagi kung saan na kayo. Enjoy sa bonding niyo ng highschool friends niyo.” Masigla pang saad ni Nic sa akin.
Todo effort pa akong mag empake. Sinabi ko kasing overnight ako sa kaklase ko ng highschool dahil may mini reunion kuno.
“Wag masyadong magpakalasing, ah. Chill lang kayo rito.” Bilin ko pa. Tinaas pa nga nito ang kamay nito na tila nanunumpa.
“Promise, Hon. I love you. Ingat ka roon.” Saad nito. Sabay yakap at halik sa akin. Hindi na ako nagpahatid dito.
Kaya matapos kong isarado ang pintuan ng unit namin ay agad akong nag doorbell sa unit ni David. Mabilis naman nitong binuksan iyon at bumungad sa akin ang napakasarap na itsura nito sa umaga.
“G-Good M-Morning D-Da—” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng hilahin ako nito. Mabilis ako nitong dinala sa silid nito.
“Nasa banyo si Luca. Baka kasi makita ka niya.” Sagot nito at natapatanga na lang tuloy ako. Mabango at malinis ang silid nito.
“What? Ngayon ka lang ba nakakita ng bagong gising?” Tanong pa nito ng mapansin ang pagkakatulala ko sa kanya.
Nakakasilaw kasi ang kagwapuhan nito. To think na kakagising lang ng lalaking ito. Putang ina. Ang gwapo. Ang sarap talaga niya.
“S-So, nandito na ako. Ano na ang mangyayari?” Tanong ko na lang. Para pagtakpan ang kung anuman kamanyakan sa isip ko.
“Wag kang atat. Malalaman mo rin mamaya.” Sambit nito.
Saka binuksan ang tv sa kwarto nito. Lumabas sa screen ang sala sa unit nito. Napakunot noo na lang akong napatingin dito.
“Maghintay ka lang. Malalaman mo rin ang mga katanungan sa isip mo. Heto ang wireless earphone. Pakinggan mo ang mangyayari sa sala. Wag na wag kang lalabas dito. Kahit ano pa ang maramdaman mo. Kasalanan mo yan. Kaya namnamin mo ang makikita mo.” Sambit nito.
Naguguluhan man ako sa sinasabi nito ay tinanggap ko na lang iyon. Sinuot ko sa tenga ko at umupo sa may upuan na naroon.
Tutok na tutok ang mata ko sa screen ng makita ko ang pagdaan ni Luca. Nakatapis ang tuwalya sa bewang nito. Habang may butil-butil na tubig pa, sa maganda nitong katawan. Napalunok na lang ako ng laway sa paghanga dito.
Nang mapatingin ako kay David ay bigla na lang akong nahiya. Nakatingin pala ito sa akin. Tang ina. Kitang-kita tuloy nito ang pagnanasa na binigay ko kay Luca.
“Uulitin ko. Kung ano man ang makikita o mapapanood mo. Deserve mo yon. Sabi nga nila. You deserve what you tolerate. Kaya namnamin mo ang bawat eksena. Isapuso mo.” Saad pa nito at tuluyan ng lumabas nang silid nito.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan sa sinabi nito. Alam kong hindi na magagawa ni Niccolo na lokohin ako. Nadala at nagsisi na ito. Alam ko yun. Ramdam ko yun sa mga ipinakita nito sa akin.
Ilang sandali pa ay nakita ko na sa sala si David. Nag usap ang dalawa. Nakinig lang ako sa usapan nilang dalawa.
“Hindi ka maliligo, Kuys?” Tanong pa ni Luca. Umiling si David.
“Mas trip ng gagong yun ang natural na manly scent ko.” Sambit ni David na nagpangisi na lang kay Luca.
“Sabagay, papunta na raw siya rito. Naligo lang daw siya ulit. Hindi na nga ako magbibihis. Mahuhubad din naman mamaya.” Natatawa pang saad ni Luca. Hindi ko alam kung sino ba ang tinutukoy nila. Pero natitiyak kong may kakantutin ang mga ito.
Halata naman yun sa usapan nila. Teka? Kasama ba sa kanila si Niccolo? Makikipag-orgy ba ang mga ito. May in-invite na bottom na kakastahin sila? Iyon ba ang nais ipaalam sa akin ni David?
Hindi ko naman na kailangan pang itanong dito iyon. Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng doorbell sa unit nito.
“Tang ina. Atat na atat talaga si Gago. Wala pang sampung minuto umalis jowa niya. Malibog talaga.” Komento pa ni David na ikinatawa ni Luca.
Tumingin pa nga ito sa may cctv. Tumayo tuloy ang balahibo ko, sa paraan ng pagtingin nito. Alam nito na nanonood ako ngayon. Ako na ang sumuko at umiwas ng tingin sandali. Hindi ko talaga matagalan ang pagtitig nito sa akin.
Ilang sandali pa ay lumitaw na si Luca, kasama ang boyfriend kong si Niccolo. Nanlaki na lang ang mata ko ng makita ko ang itsura nito ngayon.
What the fuck! Mura ko na napatayo pa sa pagkakaupo ko.
“Whoa! Saan mo naman nabili ang costume mong yan? May pa-ganyan ka pa talagang nalalaman.” Komento ni David.
Umikot-ikot pa si Nic sa harapan ni David, para maipakita ang detalye ng costume nito.
“Tang ina. Hahahaha.” Natatawa naman na mura pa ni Luca. Laglag ang panga ko, habang nakatingin sa screen ng tv. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
“You like it?” Tanong pa ni Nic. Ibang-iba ang boses nito. Parang hindi ito ang boyfriend ko.
“Ano kaya ang magiging reaksyon ng partner mo, kapag nakita ka niyang naka-ganyan. Gago ka.” Sambit pa ni David. Tapos tumingin ito sa cctv ulit. Nanghihina na lang tuloy akong napaupo muli.
“Kailanman ay hindi niya ito makikita. Para sa mga mata niyo lang ito.” Sambit pa ng boyfriend ko.
Tang ina. Panaginip lang ba ito? Nangyayari ba talaga ito ngayon?
.png)
No comments:
Post a Comment